Kabanata 27

1588 Words
Rabiah Seryoso si Russia sa ginagawang Geometric Style tattoo sa braso ng model. Halos walang magawang kumausap sa kanya kaya nakatayo lamang kami sa gilid at pinanonood siya. Si kuya Boyd naman ang tagalagay niya ng ink sa maliit na lalagyan tuwing kailangan. The convention center is full of artists from different parts of the country. Ngunit sa rami ng tao roon, sa kabilang booth pa talaga nakapwesto ang grupo nina Freyja. She would come near our booth from time to time. Minsan kinakausap pa si kuya Boyd kaya alanganin akong nililingon ni kuya Boyd. Tila ayaw na magtampo ako. "Biah," tawag ni Russia kaya medyo nagulat ako. "Hmm?" Sumenyas siya na bigyan ko siya ng tubig. Kinuha ko naman ang tumbler na may straw at inilapit sa kanya. Medyo nagulat pa ako nang hawakan niya ako sa baywang saka siya humigop ng inumin. Napangiti tuloy ako't nilubos na ang pagkakataon. Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang noo niya. Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang pagtitig ni Freyja sa amin. A part of me wanted to be immature and show off, but that wasn't me. Parang hindi ko kayang gawin kaya nang mapunasan ko ang pawis ni Russia ay bumalik na rin ako sa kaninangg pwesto ko. Nagpatuloy si Russia sa ginagawang tattoo sa braso ng model. Bumalik na ulit siya sa pagiging seryoso habang pasimple kong sinusulyapan si Freyja na titig na titig sa boyfriend ko. Dumikit sa akin si kuya Boyd. "Huwag mong pansinin." Lumunok ako. Ganoon ba ako ka-obvious? Ibinaling ko na lamang kay Russia ang aking atensyon kahit na gusto ko pa ring sulyapan si Freyja. I realized that I underestimated my boyfriend. Akala ko ay makakaapekto sa performance niya ang nangyari last week ngunit heto siya ngayon at binubuhos ang buong atensyon sa ginagawa. Maybe that's how passionate Russia is. Tipong kapag pagtitinta na ang ginagawa ay nakalilimutan na niya ang ibang bagay. All that matters is his art. Siguro kaya napasama ko rin ang loob niya kasi hindi ko naisip na kaya niyang isantabi ang problema niya oras na pinahawak na siya ng tattoo machine. I saw how Freyja walked towards our booth and stopped right next to Russia. Mayroon siyang itinanong kay Russia. I expected my boyfriend to ignore her. Kaya nang sumagot nang kaswal si Russia ay para akong tinadyakan sa dibdib. Nilunok ko ang namuong bara sa lalamunan ko. Bakit sila nag-uusap? Akala ko ba matindi ang galit ni Russia sa babaeng 'to? Did I miss something? Nanikip nang husto ang dibdib ko. Nang hindi ko na kinaya ay humugot ako ng matalim na hininga't bumaling kay ate Raima. "Ate, CR lang po ako, ah?" "Oh, sige. Labas ka lang doon sa main door kanina tapos kanan ka." Pigil ang emosyon kong tumango. Sinunod ko ang instructions niya at nagtungo sa banyo. Nagkulong ako sa isa sa mga cubicle at tinitigan ang pinto habang pinakikiramdaman ko kung papaanong kumirot ang aking puso. Hindi ko maintindihan. Nandito ako, eh. Bakit sila nag-uusap? Ano ba talagang nangyayari? Suminghot ako't pinunasan ang namuong mga luha sa sulok ng aking mga mata. Naiinis ako sa sarili ko. Ayaw kong maging immature pero heto ako at nilalamon ng selos. Kahit na sabihing may karapatan naman ako, parang pakiramdam ko hindi ko pwedeng ipakitang nasasaktan ako sa nakikita kasi hindi na bata ang karelasyon ko. Natatakot akong kung malalaman ni Russia ang nararamdaman ko ngayon, mapagtanto niyang masyado pa talaga akong bata para sa kanya. I sniffed and tried to calm myself down before I went back inside the convention center. Naabutan ko naman si Russia na panay ang pasada ng tingin sa paligid hanggang sa nagtagpo ang tingin namin. I saw his brows furrowed. Tila nakatunog sa nararamdaman ko. Hindi ko naman gustong ipahalata ang naramdaman ko kaya lang ay siguro, kilala na ako ni Russia kaya pagkatapos na pagkatapos ng session ay hinubad kaagad niya ang gloves niya't hinatak ako palabas. "R-Russia, baka may importanteng announcement—" "I don't care. We need to talk," putol niya sa sinasabi ko. Hindi na ako nakaangal pa. Sumabay na lamang ako ng lakad hanggang sa nakarating kami sa parking lot kung nasaan ang pick-up truck niya. "What happened?" he asked with no intentions of letting me shut my mouth. Pinaglapat ko nang husto ang mga labi ko saka ako umiling. "W-Wala. N-Napagod lang ako sa byahe. Balik ka na roon at baka may importanteng announcement. Papasok din ako maya-maya. Huwag mo kong intindihin." Bumuntonghininga siya. "Kanina pa kita napapansin. Hindi ka masaya. You weren't even watching me the entire time since you came back from the toilet. Your eyes were even reddish when I saw you earlier. Dahil ba kay Freyja 'to? Are you jealous? Umiyak ka ba dahil may nagawa akong nakasama sa kalooban mo? Tell me now." Yumuko ako, nahihiya. Ni hindi ako makakibo kasi baka kung umamin ako ay magtalo kami. Natatakot akong magalit siya ulit. Ayaw kong . . . sumama ang loob niya o madismaya siya ulit sa akin. "Rabiah . . ." tawag niya sa mas masuyo nang paraan. "Talk to me, baby. We're not kids anymore to not communicate when we have to." Isinara ko sandali ang mga mata ko kasabay ng paghugot ko ng malalim na hininga. "A-Ayaw kong . . . magalit ka." Tiningala ko siya habang malamlam ang mga mata ko. "Kasi baka kapag inamin kong nagselos ako noong nakita kitang tinitingnan siya kanina sa labas ng convention center, magalit ka at isiping immature ako. Tapos nag-usap din kayo kanina habang nakasalang ka kaya nagagalit ako sa sarili ko ngayon kasi . . . gusto kong maging mature para sa'yo." Lumamlam ang mga mata niya. Maya-maya ay pinakawalan niya ang mabigat na hangin sa dibdib niya saka niya hinawakan ang magkabila kong pisngi. He then kissed my forehead and locked me in his arms. "I'm sorry. I swear I only looked at her earlier because I wanna show her that she doesn't affect me anymore because I already have you. I spoke to her to prove that I had already moved on." Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "A-Are you?" Natigilan siya at ang magkabilang kilay ay nagsalubong. "What exactly does that suppose to mean, baby? Are you doubting my feelings for you?" "Hindi sa gano'n." Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga. "Sorry. Sorry, hindi ko intensyon—" "I only came here to participate in the event, but if you're no longer comfortable because Frey is here then I'll willingly pack my bags and go home." He cupped my cheek and looked me in the eyes. "I won't let you feel this way just for a bunch of awards." My heart swelled. He's willing to do that for me, tapos ako hindi magawang magtiwala sa kanya dahil lang sa simpleng tingin at pag-uusap? I placed my palm on his cheek before I shook my head. "Naiintindihan ko na ngayon. Sorry talaga." "Stop apologizing. It's my job to make sure you'll always feel that you're the only one. If I failed, then it's me who needs to do something. I assumed that you'd understand why I'd act civil with her in front of a lot of people. Hindi ko dapat inisip kaagad na maiintindihan mo dahil ako pa lang naman ang nagiging boyfriend mo . . . at ako lang din ang magiging boyfriend mo." Masuyo niyang hinalikan ang palad kong nakalapat kanina sa kanyang pisngi. "I'll do better, baby. Just promise me that you wouldn't sacrifice another important matter for me." Lumamlam ang mga mata ko. "Pero bakit ikaw . . . ready kang mag-back out na sa competition kasi . . . nagseselos ako? Bakit ikaw . . . pwedeng magsakripisyo pero ako hindi?" Russia pushed the strands of my hair towards the back of my ear. "Because unlike you, I have no other dreams to chase anymore." He held my chin and lowered his head until the tip of his nose is already brushing against my cheek. "Ikaw na mismo ang pangarap ko . . . kaya sabihin mo lang na ayaw mo na ako rito at aatras kaagad ako't uuwi na kasama mo. I'd rather watch Cocomelon with you, Lovely, Efren and Jerome than continue this competition if my girl is no longer comfortable." My heart warmed. Bakit ba ganito ang lalakeng ito? Ito pa ba ang pinagdududahan ko? He's ready to leave and let all their efforts go to waste just to ease my jealousy. Ano ba ang ginawa ko para bigyan ako ng Diyos ng ganitong klaseng lalake? Inilapit ko ang aking mukha sa kanya't hinalikan siya sa mga labi. Gumanti naman siya ng halik. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay payak ko siyang nginitian. "Magtitiwala ako sa'yo. Ituloy natin 'to," I said. Russia's eyes softened. "Have you seen the design I made for my final round?" Umiling ako. "Hindi pa. Ano ba 'yon?" He pulled his phone out and showed me the design. Nang makita ko ang larawan ay halos tumalon palabas ng dibdib ko ang aking puso. Nagwawala ang dibdib ko siyang tiningnan matapos kong mapagtanto kung sino ang subject ng design. "A-Ako?" halos hindi makapaniwala kong tanong. Russia smirked. "Yeah . . . and I'm gonna do the tattoo on myself so in case you're still doubting my feelings for you, this is my way of telling everyone who owns every piece of me." He held my hand while staring into my eyes. "You . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD