Kabanata 29

1633 Words
Rabiah Nagsimulang mag-ikot ang mga hurado sa bawat booth para tingnan ang entries. Lumapit sila sa amin pagkatapos nila sa booth seventeen. Russia showed them his arm. Nang mapagtanto ng mga huradong mukha ko ang naroroon ay nagsipagngisi sila. "How do you call your entry, Mr. Valentino?" tanong ng head judge. Russia smirked. "I call it, Face of a New Spring." Sandaling nagtinginan ang judges bago nagsalita ang isa. "Face of a New Spring, huh?" Tumango si Russia. "This is how I remembered my girl's face on the first day that we met. The exact face that made me realize that the winter that nearly killed me was finally over. She started thawing the ice around my heart the day I met her without me realizing. Her existence in my life made me hope for a brand new season. A season that allows me to bloom once more. This time, for a better reason." Russia stared into my eyes. "Her." Namula ang aking pisngi nang umalingawngaw ang kantyawan. Aksidente ko namang nasulyapan si Freyja. She's staring at Russia with remorse, as if Russia's words hurt her more than a thousand knives could. "You seem so in love, Mr. Valentino," puna ng isang hurado. "Well, I can't deny something that already shows, can I?" he answered proudly that made Freyja bow her head. Pinuri ng mga hurado si Russia. Ang ilan ay sinabi pang bagay na bagay raw kami. Nagpasalamat naman kami sa kanila. They went to the next booth after. Nang makita nila ang gawa ni Freyja ay tinanong nila ito kung ano ang inspiration nito sa ginawang disenyo. Russia was standing behind me, hugging me with one arm while he's busy chatting with some other artists who visited our booth. Nang magsimulang magsalita si Freyja ay natahimik din sila ng mga kausap niya. "This is what I call Saudade. It expresses the internal feeling I have every single day." Her eyes glistened with pain. "A painful experience took away my happiness. I was judged without anyone hearing the truth come out of my own lips. Each day, I long for an angel's embrace. An angel I wish I had the chance to see grow up in her real father's arms." Tumitig ang malungkot niyang mga mata kay Russia. "The same arms I wish I could still come home to." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Russia sa akin. Maya-maya ay bumuntonghininga siya bago bumaling kay kuya Boyd. "Let's pack up. We still have a big day tomorrow," seryoso ang boses niyang sabi. Napatitig ako kay Russia nang magsimula siyang tumulong sa pagliligpit. Hindi maipinta ang gwapo niyang mukha na tila masyado siyang naapektuhan sa narinig mula kay Freyja. "Biah, let's go," he said in a serious tone before he grabbed my hand. Siya na rin ang bumuhat sa aking gamit saka na kami naglakad palabas ng convention center. Russia was serious while putting our stuff on the back of his pick-up. Sa kalagitnaan ng pagsasalansan ng mga gamit ay humabol sa amin ang pamilyar na babae. "Pwede ba tayong mag-usap?" Freyja asked. Malamlam ang mga mata. Umigting ang panga ni Russia habang iniiwasang tingnan ang ex niya. "We have nothing to talk about. I spoke to you so people wouldn't be bothered by how we treat each other, but that doesn't mean I will still let you fool me." Freyja inhaled a sharp breath. "Hindi mo man lang ba talaga aalamin ang totoo?" "What truth, huh?" naubusan na ng pasensyang tanong ni Russia. Hinawakan ako ni kuya Boyd sa balikat. "Biah, pasok na sa kotse." Tiningnan ko siya't umiling ako bago ko muling ibinalik ang atensyon ko sa dalawa. "What truth, Frey? Iyong katotohanang nagpatira ka sa kapatid ko dahil palagi akong wala?!" Namuo ang mga luha ni Freyja. "Walang nangyari sa'min. Rocco just said that because he tried to help me—" "Shut up!" His voice thundered. "Hanggang ngayon ba naman, maglolokohan pa rin tayo? Putangina, kailan ka ba talaga magbabago—" "Hindi ko ipinalaglag ang baby! I was forced to lie, okay?! I was forced to say that I had an affair when everyone knows I was faithful to you! Ginipit lang ako—" "At sa tingin mo mabibilog mo pa ang ulo ko?" Russia scoffed. Ang mga kamao ay matindi nang nakakuyom. "Go find someone else to fool. I'm better off without you anyway." Hinarap ako ni Russia saka niya ako hinatak sa kamay. Malamlam naman ang mga mata kong binalikan ng tingin ang lumuluha na ngayong si Freyja. Alam kong hindi dapat ako maawa kasi pinagselosan ko siya kanina pero bakit ganito? Bakit parang gusto ko siyang aluin? Dahil ba babae rin ako? I sighed. Pinapasok ako ni Russia sa kotse bago siya nagtungo sa driver seat. Ni hindi na niya pinainit ang makina ng sasakyan. Ibwinelta niya kaagad na tila gusto niyang lisanin na ang lugar sa madaling panahon. Walang kumikibo sa amin. Si ate Raima at Donny ang sakay namin sa backseat habang naka-big bike naman si kuya Boyd. We all went to the hotel without anyone breaking the silence. Tila hindi rin kasi alam ng dalawa naming kasama kung ano ang dapat sabihin. Isinama ako ni Russia sa suite niya. Nang makapasok kami ay naupo siya sa gilid ng kama at ihinilamos ang palad sa kanyang mukha. "I'm sorry," he said under his breath. Siguro akala niya ay natatakot ako sa kanya dahil nanatili ako sa tapat ng pinto. Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan bago ako lumapit sa kanya. I stood between his parted legs and caressed his head after I removed his baseball cap. Isinandal niya ang ulo niya sa aking tiyan habang hawak niya ako sa baywang. Malalim ang bawat hugot niya ng hininga. Tila pinipilit na kontrolin ang sarili niya. "Russia . . ." I cupped his face then gave him a small smile. "Naiintindihan kita." His eyes softened. Pinakawalan niya ang mabigat na hangin sa kanyang dibdib bago niya ako pinaupo sa kanyang hita. "Thank you," he said in a breathy way before pecking a gentle kiss on my temple. "Hindi na ko nakapagpigil." Tumango ako. "Naiintindihan ko. Saka . . . hindi ko alam kung anong klaseng sakit ba ang naidulot niya para sumabog ka nang gano'n kahit na naka-move on ka na. Siguro may mga sakit na hindi talaga basta nawawala kahit na nakausad na ang isang tao. Huwag mo sanang isipin na aawayin pa kita dahil dito." Pumungay ang kanyang mga mata. "I love you, Biah. Please don't think that just because I exploded earlier, doesn't mean I still have feelings for her. Galit na lang ang meron ako para sa kanya. Galit na hindi ko rin naman gustong manatili pa sa sistema ko. If it's easy to forgive, then no miserable person will remain on Earth." Hinaplos ko ang kanyang balikat paakyat ng kanyang pisngi saka ako payak na ngumiti. "Mawawala rin ang galit pagdating ng araw. Dito lang ako. Hihintayin kong . . . tuluyang matapos ang masakit na kabanata ng buhay mo." Russia locked me in his arms before he inhaled a sharp breath. "There is . . . something I have to tell you." "Ano 'yon?" medyo kinabahan kong tanong. Itinulak niya ang ilang hibla ng buhok ko patungo sa likod ng tainga. "Si mommy, nasa event siya kanina kasama si Georgia. Bago ka dumating, nag-usap kami. She's begging me to come home and help Rocco. Nagdesisyon akong ibigay na ang gusto nila dahil gaya ng sabi mo, pwede ko siyang tulungan kahit hindi ako magpatawad. Mommy agreed . . . and she asked me to bring you with me. Gusto ka nilang makilala." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa huli niyang sinabi. Siguro kasi nag-warning na sa akin si kuya Boyd tungkol sa nanay ni Russia. Kaya lang paano kung mali pala si kuya Boyd? Baka mamaya ay mahusgahan ko kaagad ang nanay ng lalakeng mahal ko nang hindi ko nalalaman. Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "Kailan tayo pupunta?" "I told them I need to check on your schedule, dahil ayokong maapektuhan ang pag-aaral mo." Marahan akong tumango. "May long weekend kami next week. Walang pasok mula Wednesday hanggang Monday dahil sa festival ng probinsya at national holidays. Tatapusin ko ang special exams tapos . . . pwede na tayong pumunta para matulungan mo na ang kapatid mo." Iyon na lang talaga ang iisipin ko. Isasantabi ko na lang muna siguro iyong sinabi ni kuya Boyd sa akin. Kung may mapansin man ako sa ugali ng nanay ni Russia, at least ako mismo ang nakasaksi at hindi lang ako nagbase sa sabi-sabi. Lumamlam ang mga mata ni Russia. "I'm sorry if you have to compromise for me." Umiling ako't nginitian siya. "Magkatuwang tayo dapat sa lahat ng bagay. Hindi pwedeng ikaw lang palagi ang nagbibigay ng suporta sa'kin. Dalawa tayo sa relasyong 'to, Russia at . . . seryoso rin ako sa'yo." Humugot ako ng malalim na hininga bago siya muling nginitian. Sa pagkakataong ito ay mas malawak na ang kurba sa aking mga labi. "Mahal kita, Russia. Mahal na mahal kita." His eyes glistened with joy. "The curse about going to Baguio with your partner better not be true." Pinagsalikop niya ang aming mga kamay at pinakatitigan. "Because there is no way I'd let myself see these cute fingers held by another man's hand." My heart swelled with joy. "Sa kamay mo lang bagay ang maliit kong kamay." He smirked. "Your hand would look even more perfect with mine once it already has what I wanna put on your finger someday." My heart pounced. "A-Ano naman 'yon, babe?" He lifted our hands and kissed the back of my palm while staring at me. "Our wedding band . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD