Kabanata 8

1502 Words
Rabiah Nahihiya kong binuksan ang pinto ng banyo. Masyadong malaki ang mga damit ni kuya Russia sa akin kaya para akong batang dinamitan ng kamisetang pangmatanda. Hindi naman ako makareklamo. Ako na nga lang itong pinahiram nang makapagpahinga ako na kumportable ang suot. Bumaling siya sa akin nang makalabas ako. He was already fixing the bed on the floor when our eyes met. Pinasadahan niya ako ng tingin. Maya-maya ay umiling-iling siya. "My clothes look big on you." Hinawakan ko ang isa kong braso habang nahihiyang nakatitig sa kanya pabalik. "Okay lang po." Lumunok ako. "S-Salamat po, ah." He jerked his head then pointed the queen-size bed. "You will sleep there. I'll use this one." Napakurap ako sa narinig. "Po? Ay naku, hindi na po. Ako na nga ang nang-istorbo. Kahit nga sa karton lang okay na po. Sanay naman akong walang foam na ginagamit kasi sa bahay nga karton lang tapos sinapinan ng kumot." Kumunot ang noo niya. "Who sleeps comfortably in that kind of bed?" Payak akong ngumiti. "Hindi po pwedeng magreklamo kapag kapos sa buhay." He sighed. "Let's eat downstairs first. Nagpabili ako kay Boyd ng takeout." Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko. Nauna na siyang bumaba kaya napilitan akong bumuntot kahit na hindi ko naman ramdam ang gutom. Siguro dahil na rin sa sama ng loob ko kaya hindi ko naiisip na kailangan kong kumain, ngunit nang maamoy ko ang chicken cordon bleu na laman ng paper box ay biglang nanumig ang aking bibig. I looked at him shyly. "T-Thank you po." Tumango lamang siya't itinulak na ang isang karton sa harap ko. Gaya ng tanghalian kanina ay pareho kaming umupo sa harap ng maliit na mesa. Our elbows gently rubbed against each other, but this time, I could feel his knee against my thigh, too as if he's really having a hard time making himself fit in the small space we have. Walang nagsalita sa amin habang kumakain ngunit napapansin ko ang panay niyang pagsulyap na tila gusto niyang magtanong kung ano ang nangyari. Nang patapos na kaming kumain ay tumuwid siya ng upo saka tuluyang binasag ang katahimikan. "Are you planning to go home tomorrow?" he asked. Nilunok ko ang pagkain sa bibig ko saka ako nahihiyang umiling. "Uhm, h-hindi po. Baka . . . maghanap po ako ng matitirahan kasi kung uuwi ako baka . . . masaksak na ako ni mama." Kumunot ang noo niya. "Bakit hindi mo ipapulis?" Basag akong ngumiti. "May gano'n po ba? Pinapapulis ang sariling magulang?" He sighed. Hindi na rin ako sinagot kaya natahimik kami ulit hanggang sa natapos nang kumain, ngunit pagpanhik sa itaas ay muli siyang nagsalita. "You can stay here and save your supposed rent money. Just don't be a pain in the ass and we're good. Do you understand?" Bahagyang umawang ang aking mga labi. "S-Seryoso po?" Tumango siya. "I've got a spare toothbrush in the cabinet. You can use it." Ngumiti ako. "Thank you, kuya Russia ha? Promise hindi ako magpapasaway." Hindi na niya ako kinibo pa. He went inside the bathroom to brush his teeth and take a shower. Nang makalabas ay ako naman ang pumasok sa loob para magsepilyo. Naiilang man ay lakas-loob akong bumalik ng kwarto. Naabutan ko siyang nakaupo na sa inilatag na foam sa sahig. He seems busy with his phone. Parang mayroong ka-chat kaya dahan-dahan lang akong kumilos patungo sa kama na dapat ay siya ang gumamit. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako ulit bumaling sa kanya. "Kuya Russia, pwede pa po tayong magpalit. Seryoso po, ayos lang kahit diyan na po ako." "Don't mind me." Tinapunan niya ako saglit ng tingin. "Just hit the bed." Tumayo siya at lumabas dala ang vape niya. Nang pababa na siya ng hagdan ay may narinig akong kinausap niya sa phone. "I won't make it on Dad's birthday. Of course, I don't wanna see her." Kumunot ang noo ko. Sino kaya 'yong ayaw niyang makita? Iyong ex niya ba? Pero party ng tatay niya 'yon. Bakit nandoon ang ex niya kung sakali? Bumuntonghininga ako. Nagiging marites na ako. Hindi na maganda 'to. Tinulungan na nga ako no'ng tao, uusyoso pa ako sa buhay niya. Humiga na lamang ako sa kama at dinama ang lambot ng higaan. Para akong humilata sa ulap! Kailan ko ba naranasan ang ganito kakumportableng higaan? Parang hindi ko matandaan. Oo nga pala. Hindi naman kami nagkaroon ng malambot na foam kahit kailan. Sa pagod ko yata kaiiyak kanina at sa lambot ng higaan pati na rin sa lamig ng kwarto ay nakatulog ako kaagad. Nakakahiya tuloy lalo na noong nagising ako kinabukasan na mataas na ang araw. Wala na rin si kuya Russia sa higaan niya kaya napabalikwas ako ng bangon. Dali-dali akong nag-ayos ng hinigaan ko at dumiretso sa banyo upang maghilamos at magsepilyo. Nang matapos ay bumaba ako sa shop para humingi ng dispensa kay kuya Russia at sa mga katrabaho ko ngunit ganoon na lamang ang pagtataka ko nang walang ibang nadatnan sa shop kun'di siya. Nalukot nang husto ang aking noo. Bakit walang customer? "Kuya Russia? Sobrang late ko na ba nagising at walang katau-tao?" I asked. He glanced at me. "I told everyone to take a day-off." My eyes blinked twice. "Uhm . . . bakit po?" He took his keys. "Let's go buy you some clothes to wear." Lumagabog ang dibdib ko. "Ay, hindi na po. Susubukan ko na lang kumuha mamaya sa bahay. Baka-sakali pong makapuslit ako sa bahay." He sighed. "Let's just go. I need to buy my own groceries, too." Hindi na niya hinintay ang pagpayag ko. Nauna na siya sa pinto kaya kahit suot ko pa ang mga damit niya ay napabuntot ako palabas. Para tuloy akong batang yagit na binitbit niya sa mall na nasa sunod pang bayan. Bumuntot lang ako sa kanya patungo sa department store habang nakayuko, nahihiya dahil sa itsura ko. "Extra small clothes for her." Sinulyapan ako ni kuya Russia. "She likes to wear simple shirts and fitted jeans. Give her maybe ten pairs of everything . . . and some underwears, too." Nanlaki ang mga mata ko't napaangat ng tingin kay kuya Russia. I saw him glanced at my chest before he sighed. Tumingin siya ulit sa saleslady saka nagsalita. "Cup A, size thirty four. Panties, extra small. Shoes . . ." Bumaling siya ulit sa akin. "What's your shoe size?" Hiyang-hiya akong lumunok. "S-Six point five. S-Seven p-pwede na." Lumapit ako nang bahagya. "K-Kuya Russia, masyadong madami." Tumaas ang kilay niya. "Madami ang alin?" "Iyong . . . binili mo po," sagot ko. Namumula ang magkabilang pisngi. "Baka wala na pong matira sa sahod ko." Bumuntonghininga siya. "I'm not gonna deduct it from your salary. Consider it an advance payment for the tattoo you're gonna do for me." "P-Po? Pero . . . hindi pa ako marunong." "You'll learn. Lessons will start later once we get home." He held me by my nape then made me follow the saleslady. "Try the clothes she's gonna pick for you." Tumingin ako sa kanya. "B-Bakit kasi pati panty po at bra?" Tumaas ang kilay niya sa akin. "Why? You wanna walk around my shop with your n*****s poking your shirt?" Uminit nang husto ang pisngi ko. "Si kuya Russia naman." He sighed. "Just try everything on. Change the ones you wouldn't like." Napakamot ako ng ulo. Wala na rin akong nagawa kaya sinukat ko na lang lahat at bumalik sa kanya noong natapos ako. Diniretso niya naman lahat sa counter kaya hiyang-hiya akong tumayo sa tabi niya. Kada punch ng item ay napapalunok ako sa presyo. Noong umabot na nga ng limang libo ay hinawakan ko na ang mga damit na gabundok pa sa counter kaya salubong ang mga kilay akong tiningnan ni kuya Russia. "What are you doing?" he asked. I slightly pouted. "Huwag na po 'to. Mahal na masyado." Napakamot siya ng patilya bago inalis ang kamay kong nakapatong sa mga damit ngunit pinairal ko ang tigas ng ulo ko't nagtangkang ibabalik ulit ang kamay ko sa pwesto no'n kanina. Tila napitik naman ang pasensya niya kaya ganoon na lamang ang gulat ko nang kunin niya ang kamay ko't pinakapit sa bicep niya saka niya iyon inipit sa kanyang tagiliran. Para akong kumain ng sili sa naging pag-init ng pisngi ko. Kulang na lang ay mamula ako hanggang talampakan sa kilig at hiya habang pa-chill-chill lang niyang dinukot ang wallet niya at ibinigay sa cashier ang isa sa cards niya nang natapos nang mai-punch lahat ng item. Ngumiti ang cashier. "Thirty two thousand po, Sir." "Charge everything to my card." "Kuya Russia," nakasimangot kong tawag. He glanced at me. "You wanna make her job hard, hmm? Do you wanna have her void nearly twenty seven thousand worth of items?" Lalong umusli ang aking mga labi. "Hindi po." "Good. Now behave," aniya bago muling ibinalik ang atensyon sa cashier. "Sorry. She's still a baby sometimes." Napabuntonghininga na lamang ako. Nagkautang na nang 'di oras, naging baby pa. Talaga naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD