Rabiah
Kuya Russia emptied half of his closet to make space for my stuff. Ayaw ko mang kiligin, talagang nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil sa ginagawa niya para sa akin. Para kaming nagli-live in. Gusto ko tuloy kurutin ang sarili ko sa pag-iilusyon ko dahil alam ko namang ginagawa lang niya ang mga ito dahil mabait siya at naaawa siya sa akin.
"Put everything in there. Once you're done, go downstairs and I'll teach you how to ink," bilin niya. Tinapik pa ang balikat ko saka ako nilampasan.
Napasunod na lamang ako ng tingin sa kanya. Nang makababa siya ng hagdan ay pinakawalan ko ang hangin sa dibdib ko.
Ano ba 'to? Parang ang hirap namang isuot ng mga binili niya. Kamamahal! Sanay lang ako sa mga bigay na pinaglumaan. Ni hindi ko pa nga yata naranasang mabilihan ng sarili kong blouse. Underwears lang talaga ang nabili namin, nagsasariling ipon pa kami ng mga kapatid ko ng pambili.
I looked at the underwear he bought for me. "Nahiya ang So-en ko sa'yo," parang baliw kong kausap sa kapirasong tela.
Inayos ko ang mga gamit ko sa espasyong ibinigay niya sa akin. Nang matapos ay dinala ko naman sa banyo ang toiletries na para sa akin. Sinalansan ko ang lahat katabi ng mga para sa kanya. Nang matapos ay para akong timang na ngumiti. Kinikilig na makitang magkasama ang toothbrush namin sa iisang lalagyan.
I sighed. Sinampal-sampal pa ang sarili. "Hay, magtigil ka, Biah. Focus. Hooh."
Hinagod ko ang dibdib ko. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ko nang may maalala.
Alam niya ang cup size ko!
Namumula akong bumaba dahil sa naging reyalisasyon. Naabutan ko naman siyang nagpi-print ng design na gagamitin para sa practice namin.
Lumunok ako sandali nang makalapit sa kanyang tabi. "K-Kuya Russia? May . . . itatanong sana ko."
"What is it?" sagot niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
"Uhm, k-kasi . . . alam mo 'yong . . ."
I motioned my hands as if I'm holding two melons in front of my chest. Napaangat naman siya ng tingin sa akin at ang mga kilay ay nagsalubong nang makita ang ginagawa ko.
"You mean your boob size?" tanong niya na animo'y iyon na ang pinakakaswal na bagay sa mundo. Lalo lamang tuloy akong namula dala ng hiya. Ni hindi ko na rin siya matingnan nang diretso kaya umiwas na ako ng tingin.
"O-Opo." Lumunok ako. "P-Paano mo . . . nalaman?"
Bumuntonghininga siya. "I'm not a virgin, Rabiah. I've held more boobs in my life than I can remember." Itinuro niya ang paborito niyang spot kapag nagta-tattoo. "Wear your gloves and let's start."
Napakamot na lamang ako ng patilya habang sinusuway ang sarili. Oo nga naman. Marami na siyang nahawakang boobs sa buhay niya. Gwapo siya at Manileño. Bakit pa ba ako nagtaka?
Kumuha ako ng gloves at nagtungo sa pwestong itinuro niya kahit para akong kumain ng sili sa pula ng magkabila kong pisngi. Naupo siya sa artist chair saka niya hinubad ang tee shirt niya.
Napahigit ako ng hininga. Diyos ko po, bakit naman gano'n? Bakit ang ganda ng katawan lalo ngayong nakahubad? Kahit tuloy hindi naman ako manyak, wala sa sarili kong pinasadahan ng tingin mula sa adam's apple niya, pababa ng mga balikat, dibdib, tiyan at . . . sorry po, Lord pero ano po 'yong nakaumbok?
I bit my lower lip. Syempre alam ko na kung ano 'yon! Nakakahiya nga at nahuli niya akong doon nakatingin kaya pinitik niya nang magaan ang noo ko.
"That's off-limits to kids like you." He clicked his fingers. "Focus."
Napasimangot ako habang pulang-pula na naman. Seryoso malapit nang maging regular color ko ang mapulang pisngi dahil sa lalakeng 'to!
"Hindi naman ako bata," sagot ko. Ibig kong sabihin ay hindi na ako bata, as in hindi na ako bata dahil nasa legal na ako, pero parang iba ang naging interpretasyon niya sa sinabi ko.
Tumaas ang kilay niya. "So you wanna have my c**k, hmm? No offense but I don't f**k young girls." Pinasadahan niya ako ng tingin bago siya bumuntonghininga. "Especially my employees so please, sa taas lang ang tingin."
Napakurap ako't ang mga labi ay umawang. "H-Hindi po 'yon ang ibig kong sabihin!" Diyos ko, sana bumuka na lang ang lupa dahil kusa na akong tatalon!
"Yeah, whatever." He pointed the left side of his chest. "Apply the stencil gel here."
Nahihiya kong ginawa ang sinabi niya. Nanginig pa nga ang mga kamay ko kaya noong ilalagay ko na ang stencil ay hinawakan niya ako sa kamay saka niya inalalayan ang paglalapat ko ng design.
"Careful," he said under his breath.
Halos ilang pulgada lang ang layo ng aming mga mukha dahil gusto kong masigurong maayos ang paglalagay ko kaya amoy ko ang mabango niyang hininga. Nagvi-vape naman pero bakit ang fresh pa rin ng hininga? Parang ang sarap tuloy ipasok ng ilong ko sa bibig niya.
I pursed my lips a bit tighter while my heart bangs loudly inside my chest. Para akong hihimatayin dahil sa sobrang lapit namin. Idagdag pang nakahawak siya sa mga kamay ko ngayon kaya hirap na hirap akong mag-focus.
"There. Now slowly pull it. Good girl," he said in a gentle voice. Parang nang-aakit nang hindi niya napagtatanto. Halos kagatin ko na tuloy ang ibaba kong labi.
Tinitigan ko ang design na tila halamang patubo. It's the simplest design he's going to have on his skin. Napaisip tuloy ako kung sinadya ba niya iyon dahil unang tattoo iyon na gagawin ko.
"Bakit . . . halamang patubo po?" hindi ko na napigilang itanong.
"It's a symbol for the spring season." He moistened his lower lip then took the tattoo machine to hand it to me. "A symbol for a brand-new beginning after a long winter."
Napatitig ako sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Maya-maya ay sandali akong lumunok. "Parang . . . ibig sabihin ng . . . pangalan ko."
Tumaas ang kilay niya ngunit napansin kong bahagya ring tumikwas pataas ang sulok ng kanyang mga labi. "Really, hmm? Why? What does Rabiah mean?"
Nanatili ang titig ko sa kanya. "S-Spring po."
"What a coincidence then." Inilagay niya ang tattoo machine sa aking palad. "Maybe you've always been meant to give me this tattoo."
Tila may mainit na palad na humaplos sa aking dibdib. Ewan ko ba. Parang ang sarap makitang wala siyang pag-aalinlangang nararamdaman. Na handa niya talaga akong hayaang tintahan ang balat niya dahil ganoon kalaki ang tiwala niya sa akin kahit hindi pa naman ako marunong.
Ngumiti ako't sinunod ang instructions niya. Mabagal lang din ang ginawa namin kaya kahit simple lang ang disenyo ay ilang oras pa rin ang tinagal. Pasalamat na lang din talaga akong sobrang patient niyang magturo. Nawala tuloy ang takot ko dahil talagang malumanay ang bawat salitang sinasabi niya sa akin.
"Good girl, Biah. Now, add more shade on this part," he said.
Nangalay na yata ang isang braso kaya ipinatong na sa aking hita. Hindi ko naman tinaboy. Pinaglapat ko na lamang ang mga labi ko at sinunod ang sinabi niya.
"Ganito po?" tanong ko nang natapos. Halos isang dangkal na lamang din ang layo ng aming mga mukha nang tiningala ko siya.
He smirked. "Yeah." Napasulyap siya sa aking mga labi. "Told you, you can do it."
Ngumiti ako kahit kilig na kilig sa mga sandaling ito. "Thank you po."
Umayos ako ng upo. Maya-maya ay bigla akong may naisip. Alam kong impulsive pero . . . parang gusto ko talagang gawin.
"K-Kuya Russia?"
"Hmm?"
Lumunok ako sandali. "P-Pwede rin bang . . . magpalagay ng . . . ganyang design?" Nanlalamig ang palad kong hinatak pababa ng balikat ang blouse ko saka ko itinuro ang bandang baba ng collar bone ko na malapit na sa kili-kili. "D-Dito?"
Napansin kong namungay ang mga mata niya habang nakatitig sa spot na itinuturo ko. Akala ko tuloy ay ayaw niya dahil umigting ang kanyang panga, ngunit maya-maya ay walang pasabi niyang kinuha ang tattoo machine saka niya hinatak pa nang kaunti ang blouse ko pababa.
Our faces drew closer. Wala na nga halos kalahating dangkal kaya natakot akong baka dinig na niya ang lakas ng t***k ng aking puso. Madilim na rin ang kanyang ekspresyon kaya halos hindi na ako makakilos. Tila may kung anong bagay na kumukunsumo sa kamalayan ko't pinipigilan ang utak ko sa paggana.
"This is gonna hurt a bit," he said under his breath before he met my gaze once more. Mas namumungay na rin ngayon ang kanyang mga mata. "But once you get used to the pain, all you'll feel is pleasure from it."
Wala sa sarili akong tumango nang marahan. Tila naging sapat naman iyong tugon upang simulan niya ang pagtitinta sa balat ko. Pagtusok ng karayom ay nadama ko ang kirot. Wala tuloy sa sarili akong napakapit sa kanyang hita habang kagat ko ang ibaba kong labi.
"I'll go slower until you get used to it," he said.
Humugot ako ng hininga. "K-Kaya ko po." Nagkatitigan kami. Basag akong ngumiti. "Matitiis ko."
Kuya Russia's Adam's apple bobbed up and down. Maya-maya ay tuluyan na niyang itinuloy ang ginagawa. Dahil sanay na siya ay mabilid niyang nagawa ang disenyo. Habang tumatagal din ay nadarama ko na rin ang sensasyong kinahuhumalingan ng mga nagpapa-tattoo. Mukhang totoo nga. May halong sarap ang bawat sakit.
"There." He inhaled a sharp breath then stared at my tattoo like it's the best design he had ever inked on someone's skin. "Looks good on you."
Ngumiti ako. "T-Thank you."
Nagtagpong muli ang aming mga tingin ng ilang segundo. Maya-maya ay bumaba sa aking mga labi ang kanyang tingin.
Pumungay ang kanyang mga mata at parang nawala siya sa sarili. Tila tumigil ang oras at nawalan ako ng konsepto ng reyalidad habang ang aking mga mata ay nakatutok din sa kanyang mga labi.
There was some fiery electric wave that trailed down my spine, but just when it finally hit the last nerve, kuya Russia's phone rang, making him pull away as soon as he got back to his senses.
Dinampot niya ang phone niya saka siya tumayo upang lumabas. Naabutan ko pang sinagot niya ang tawag bago sumara ang glass door noong lumabas siya.
Nalunok ko na lamang ang sarili kong laway saka ako napa-sign of the cross.
Diyos ko po. Wala pa ako sa impyerno pero parang dama ko na ang free trial.
I sighed. Makaligo na nga lang ng malamig na tubig . . .