Kabanata 11

1126 Words
Rabiah "Kuya Russia, aalis sana ako ngayon kasi day-off ko. Ipapasyal ko kasi ang mga kapatid ko," paalam ko kay kuya Russia nang makababa ako sa shop. Nasa kusina siya at nagkakape habang may dalawang silog nang nakahanda sa maliit na mesa. He sipped on his coffee while staring at me. "Where are you planning to take them?" "Doon sana sa mall, eh. Pasyal-pasyal lang tapos kain ng budget-friendly na fastfood. Birthday kasi ni Lovely noong nakaraan. Hindi namin nahandaan." He nodded. "I'm gonna have to go to the mall later to buy the stuff I need for the shop. I'll give you guys a ride." Napakurap ako. "Po? Sure po?" "Yeah." Naupo siya sa silya. "Come on. Let's have breakfast." Ngumiti ako't naupo na. "Thank you, ah? Sa . . . lahat-lahat?" He scoffed. "You sound like you owe your whole life to me." "Eh parang gano'n naman, eh. Kasi kung hindi mo naman ako pinatuloy, wala akong matutulugan no'ng gabing pinalayas ako ni Mama sa bahay. Baka napaano na ako. Baka rin napilitan akong umuwi at pumayag sa gusto ni Mama na magpagalaw ako kay Dariuz." He sighed. Pumakla rin ang timpla ng ekspresyon na tila napikon siya sa narinig. "I seriously don't wanna judge your mom but that's too much. It's like she's already selling you for a little comfort." Inilipat niya ang ilang piraso ng tocino sa plato ko. "You don't have to resort to that." Payak akong ngumiti. "Hindi ko rin naman balak gawin." "Good. Now eat." Tumango na lamang ako. Sinabayan ko na siyang kumain, ngunit sa kalagitnaan ng aming pag-aalmusal, napansin kong panay ang sulyap ang tingin niya sa akin. "Bakit po, kuya Russia? May kanin ba ako sa pisngi?" tanong ko saka kaagad nagpahid ng mukha. He shook his head. "Wala." Tumuwid siya ng upo. "I just . . . remembered my sister, Georgia. We were pretty close when we were little. Kahit noong nagbinata't nagdalaga." "Were?" Kumunot ang noo ko. "Ano pong nangyari? Kung . . . pwede lang pong magtanong." He put his utensils down then entwined his fingers. "Well, I beat up her boyfriend when I found out that he cheated. Georgia got mad. She's ma martyr when in love. Nagtalo kami dahil bumalik pa rin siya sa lalakeng 'yon." He sighed. Tila nanikip ang dibdib. "I told her that we won't be the way we used to until she knocks some senses in her." "At . . . hanggang ngayon po ay . . . sila pa rin?" Ibinaba niya ang tingin niya sa kanyang plato. "Yeah. Sadly. Sabi nagbago na raw, but I could never forgive that man for hurting my sister." Lumamlam ang mga mata ko. "Naiintindihan kita. Kung may manakit din sa mga kapatid ko, gano'n din ako. Kaya siguro kahit mahal ko naman ang mga magulang ko, may parte sa akin na gusto na silang ialis doon." Basag akong ngumiti. "Mahal mo po si Georgia. Valid po ang sama ng loob mo." Umaliwalas ang kanyang mukha. "Thank you, Rabiah." He sipped on his coffee then looked at me again. "About your siblings, I didn't mean to eavesdrop the other day but is it true that you are looking for a place?" Tumango ako. "Opo. Wala rin namang pakialam sina Mama sa mga kapatid ko. Palamunin lang ang tingin sa amin. Grabe na ang hirap na dinadanas namin kaya plano kong maghanap ng matitirahan namin. Kahit apat lang kami, ayos na kami. Mas . . ." Nanikip ang dibdib ko kasabay ng basag na pagngiti. "Mas masaya pa kami . . . kapag wala sila." Gumuhit ang awa sa mga mata ni kuya Russia. Maya-maya ay humugot siya ng malalim na hininga na tila sumikip ang dibdib niya. "May . . . bakanteng unit sa apartment building sa likod. It's kind'a pricey, but if you will start accepting clients, I can pay the advance and deposit then you can pay me back each time you will get a big commission," alok niya. Halatang nag-aalangan pa. Siguro dahil alam niyang hindi ko tatanggapin. "Kuya Russia, masyado ka nang maraming natulong." Basag ko siyang nginitian. "Alam kong naaawa ka sa akin--" "It's not pity." Pinakatitigan niya ako. "You amaze me, Rabiah. You're willing to go the extra mile for your siblings. Not everyone can do that, just like how I could never accept the position in my family's company. Hinayaan kong maipasa sa mas bata kong kapatid ang responsibilidad na hindi ko handang harapin. Pero ikaw, you are ready to do whatever it will take just so your siblings wouldn't suffer. I . . . salute you for that, that's why I wanted to help. You're someone whom I could never be. A good sibling." Tumaba ang aking puso dahil sa narinig. "Hindi ka naman masamang kapatid dahil lang hindi mo tinanggap ang responsibilidad sa kumpanya ninyo. Hindi naman po siguro 'yon ang sukatan ng pagmamahal ng isang panganay sa mga kapatid niya. Kung tutuusin, you did them a favor. Pinakita mong pwedeng piliin ang passion. Na pwedeng tumahak ng sariling landas at hindi palaging kung ano ang daan na ihinanda ng magulang para sa atin ang susundan." Iniangat ko ang kamay ko para mahina siyang tapikin sa balikat. "Sigurado akong proud pa rin sila sa'yo." "Yeah, I'm not so sure about that but . . ." He sighed. "Thanks." Ngumiti ako. "You're welcome po. Masaya ako na . . . kahit paano pinapasilip mo na ako sa mundo mo. Dati kasi parang . . . estranghero ka lang. Ngayon kahit kaunti, may alam na ako sa'yo." Tumaas ang kilay niya. "Why? Do you even wanna get to know me better?" he asked. I pursed my lips and nodded. "Oo sana, eh. Kasi parang . . . ang misteryoso mo." Bumuntonghininga siya. "You might not like a lot of things about me, Rabiah. Baka kung malaman mo ang buong pagkatao ko, ikaw na mismo ang lumayo sa akin." "Try me," hamon ko. Umismid siya't inipit ang tungki ng ilong ko. "We don't have much time to talk about each other's lives in one sitting. Your siblings might be here in a few minutes." "Oo nga pala." Ngumiti ako. "Pero minsan bago matulog, magkwentuhan tayo. I mean, magkwentuhan po tayo, kuya." He sighed then moistened his lips. Sandali ring natahimik na tila nag-isip. Maya-maya ay umayos siya ng upo saka pabulong na nagsalita. "You can drop the salutation." Napakurap ako. "Po?" Nagtagpo ang aming mga tingin. "You can stop saying po and opo when you're talking to me . . . and you can drop the kuya." Natawa ako nang mahina. "Eh, ano na lang ang itatawag ko sayo? Bossing?" He scoffed then gave me a meaningful smirk. "Call me Russ . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD