Kabanata 13

1256 Words
Rabiah Hindi ko alam kung napansin ba ni Russ na nanamlay ako dahil sa naging sagot niya kay Jerome. Ayaw ko naman iyong ipahalata kaya lang ay siguro talagang malakas ang pakiramdam niya kaya ngayon ay panay ang sulyap at pagkausap niya sa akin. "May one hour pa bago ang movie. We can go to the toy store and buy something. My treat," alok niya. Bumuntonghininga ako't umiling. "Russ, masyado ka nang maraming ginastos." "It's my late birthday gift to this cutie," sagot niya saka niya pinisil ang pisngi ni Lovely. "Kuya Russia? Wala ka pang anak?" tanong ni Efren. Umiling si Russ. "Wala pa. I'm single." Tumango si Efren. "Kaya pala panay ang pisil mo kay Lovely, eh. Gusto mo rin ba ng baby girl?" Russia gently nodded his head. "Actually, yeah. I don't know. I kind'a like the idea of being a girl dad." "Eh, paano kung bakla rin gaya ko?" "Well, if deep within he thinks and feels like a girl then that's fine, too." Tumingin si Jerome kay Efren. "Ayos lang daw." Ngumisi si Efren. "Sarap mo siguro maging tatay, kuya Russia." Napatitig ako kay Russ nang ngitian niya ang kapatid ko. Sa sandaling panahong nakakasama ko siya ay napansin ko na ang ilang pagbabago sa kanya. Noon ay halos hindi ngumingiti. Seryoso lagi ang mukha at parang walang interes makipag-usap sa iba pero heto siya ngayon at may kurba sa mga labi habang nakikipag-usap sa mga kapatid ko. He's welcoming now. Hindi na rin matipid makipag-usap. Siguro mahilig siya sa bata kaya ganito siya sa mga kapatid ko. Hindi ko kasi makitaan ng pagpapanggap. Pakiramdam ko tuloy, ito naman talaga ang natural na bersyon niya. Tumingin siya sa akin matapos mapapayag ang mga kapatid kong pumunta ng toy store. "It's four versus one, though. You sure you don't wanna come?" I sighed. "May magagawa pa ba ako?" Pasimple siyang ngumisi. Nang natapos kumain ang mga kapatid ko ay pinasan niya si Lovely sa mga balikat niya. Todo ang kapit ng humahagikgik na si Lovely sa nakataling buhok ni Russ. Nakaalalay naman ang kamay ko sa likod ni Lovely kaya sobrang lapit namin ni Russ sa isa't isa habang naglalakad. Pagpasok ng toy store ay halos mamilog ang mga mata ng mga kapatid ko. Kahit nga ako na hindi naman na bata, tila gustong pasadahan ang bawat laruang naroroon. Buhat si Lovely ay nagtungo si Russ sa doll house section. Bumuntot naman ako at nagtingin-tingin. Magkatapat lang din ang section ng doll house at mga manika. I saw a lady pilot doll. Nag-aalangan ko iyong dinampot saka ko hinaplos ang kahon. "Do you want to buy that one?" narinig kong tanong ni Russ kaya nahihiya ko siyang nilingon. "H-Hindi. A-Ayaw naman din ni Lovely ng mga ganitong manika. Takot siya." Lumamlam ang mga mata ni Russ. "I meant do you wanna buy it . . . for yourself." Peke akong natawa. "Matanda na ako, Russ." "I'm pretty sure your inner child would be happy if you will have that doll for yourself." Kinuha niya iyon at tiningnan ang presyo. "See? It's not even expensive." Iyon na naman po siya sa not expensive. Halos dalawang libo nga ang presyo! "Baka mamulubi ako kaka-heal ng inner child ko," rason ko. "Then I'll buy it for you." "Hindi ko birthday." Tinaasan niya ako ng kilay. "Kailangan ba birthday lang nakakatanggap ng regalo?" Ngumuso ako. Wala talaga akong palag sa isang ito! Wala na akong nagawa noong kinuha niya ang doll at inilagay sa cart kung saan niya pinaupo si Lovely. Ang dami rin niyang binili para sa bunso kong kapatid. Para bang nag-e-enjoy siya tuwing may nagugustuhang laruan ang kapatid ko. Lihim akong napangiti nang makita kung paanong nakipag-hi five si Russ kay Lovely matapos niyang makuha ang gustong cooking set ni Lovely. Siguro nga gusto na rin ni Russ na maging ama. Sadyang wala pa lang siyang pagkakataon para magkaanak dahil wala pa naman siyang asawa. Pero kung magiging tatay siya? Sigurado akong spoiled sa laruan ang magiging anak niya. "You didn't get anything," ani Russ nang makitang walang hawak sina Jerome at Efren. Nagkatinginan ang dalawa bago sumagot si Efren. "Ang mamahal po. Gusto ni kuya ng basketball kaso mahal masyado. Ako gusto ko ng mini closet kaso hay! Ilang noodles na 'yon!" Russ heaved a sigh. "Told you, it's my treat." "H-Hindi kasi sanay sa libre, Russ," agap ko nang makitang hindi makakibo ang mga kapatid ko. "Then you can work for me. You can help your sister clean the shop when you're free. You can fold my clothes and sweep the floor. Cool?" alok niya. Mabilis na tumango ang dalawa. Palibhasa ay may pagkakataon na sila para mapagtrabahuhan ang ibibigay ni Russ. Tumingin sa akin si Russ noong sa wakas ay kinuha na nina Efren at Jerome ang gusto nila. "You really are hard workers, huh?" Payak akong ngumiti. "Bawal maging tamad kapag kapos. Mamumuti ang mga mata." Marahan siyang tumango. "I have a strong feeling that all of you will be successful someday." He smiled a little. "I hope I'll still be around once that happens." Tila may mainit na palad na humagod sa aking puso. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag may taong naniniwalang kaya mong maabot ang mga pangarap mo. Lumaki kami ng mga kapatid kong halos kami lang ang naniniwala sa kakayahan ng isa't isa, pero heto na ngayon si Russ at binubuhay ang lakas at pananalig naming magkakapatid. "Salamat, ha? Sana kapag naabot namin lahat ng mga pangarap namin, sana . . . mai-celebrate namin kasama ka." I smiled. "Bawas ka sa vape para tumagal pa ang buhay mo kasi baka abutin pa ng ilang taon bago kami maging successful, eh." He scoffed. Akala ko mapipikon ngunit ngumisi lamang. "I'll try. Bring Lovely to the shop all the time so I wouldn't have the chance to puff." "Ginawa mo pang anti-vaping kapatid ko. Ikaw talaga." Mahina siyang natawa bago niya sinilip ang mamahalin niyang wrist watch. "Twenty minutes. I'll pay everything and then we can go to the cinema already." Nahihiya akong tumango saka ko siya pinasalamatan ulit. Nang mabayaran niya ay itinuro niya ang cinema sa akin. "Get inside. I'll look for you. Dadalhin ko lang sa sasakyan ang mga 'to." "S-Sige." Russ walked towards the escalator. Pumasok naman kami ng mga kapatid ko sa cinema at hinanap ang seat number na nakalagay sa ticket. Nang makaupo ay itinutok ko na ang tingin ko sa entrance para tingnan kung papasok na si Russ. Hindi naman nagtagal ay natanaw ko na rin siyang may bitbit na drinks at popcorns. Naupo siya sa bakanteng silya sa tabi ko. Noong nakita siya ni Lovely ay inangat kaagad ni Lovely ang mga palad na tila gustong magpakuha kay Russ! Diyos ko, nawiwili naman! "Give her to me," ani Russ nang maipasa ang drinks at popcorns sa amin. Lovely happily clapped her hands after Russ got her. Kinalong ni Russ sa isang hita at pinaharap sa akin. Naantig tuloy ang puso ko. Kung arugain niya ang kapatid ko ay parang kadugo niya. "Russ?" tawag ko habang hawak ni Lovely ang daliri niya. "Yeah?" I smiled. "H-Huwag ka munang . . . mag-aasawa, ha? Baka . . . ma-miss ka namin." "Don't worry, I won't." He smirked with a hint of bitterness. "I've already given up on love a long time ago. Tanggap ko nang tatanda akong binata . . ." Umiwas ako ng tingin at sumimsim sa drinks ko. Hindi mo sure, Bossing Russia. Hindi mo sure . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD