Rabiah
Hindi ko napigilang maluha sa huling bahagi ng movie na pinanonood namin. Ganoon din ang mga kapatid ko lalo na si Efren na humihikbi habang puno ng popcorn ang bibig. Kahit si Russ na ang laking tao, napansin kong namula ang mga mata dahil sa pagtatagpo ng mag-ina sa pelikula.
Nilingon ako ni Russ matapos niyang suminghot. "What? It's an emotional scene," depensa niya.
Ngumisi ako. "Hindi ako maka-relate kaya hindi ako naiiyak."
Lumamlam ang mga mata niya. "Sorry."
"Ayos lang. Totoo naman ang sinabi ko. Hindi lang talaga ako maka-relate kasi hindi naman kami ganyan ni Mama pero totoo ang sinabi mo na emosyonal ang scene." Pabiro kong tinapik ang braso niya. "Iyak ka lang."
He scoffed. "Funny."
I grinned, hoping it would be enough to hide what I truly feel. Emosyonal naman talaga ang tagpo, pero kung iiyak ako, hindi dahil sa ramdam ko ang eksena kun'di dahil . . . naiinggit ako. Ano kayang pakiramdam kapag mahal na mahal ka ng nanay mo? Iyong tipong hindi siya napapakali kapag hindi ka niya kasama?
I sighed. "Russ?"
"Hmm?"
"Kayo ba ng . . . mama mo, close kayo?"
Napansin ko ang paglunok niya. "Yeah," he answered under his breath. "She's the most supportive woman on Earth. Naging piloto ako dahil pangarap niyang makapagpalipad ng Boeing plane. Sadly, she got pregnant with me. I had a lot of complications when I was young so she had to focus on me . . . until she already ran out of chances to go back to being a pilot since she also had my siblings."
"Kung gano'n, tingin mo ba ay nasaktan siya noong bumitiw ka sa pagiging piloto?" tanong ko.
Umiling siya saka ako basag na nginitian. "Yeah." Humugot siya ng malalim na hininga't malamlam ang mga matang tumitig muli sa screen. "Maybe that's one of the reasons why I don't wanna go home. That look on my mother's face when I told her I wouldn't fly another plane anymore, that's one of the worst memories I wish I could just erase."
Kumirot ang dibdib ko nang makita ko ang pagsisisi sa mga mata niya. Tila ba umaabot sa puso ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon, kaya nang hindi na ako nakatiis, dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko't piniga ang braso niya sa kontroladong paraan.
Russ stared at my hand for a few seconds before he shifted his gaze to my eyes. Nagkatitigan kami ng ilang segundo hanggang sa tumayo na ang mga kapatid ko dahil tapos na pala ang pelikula.
Tumikhim ako't binawi na ang kamay. Tumayo na rin ako at dinampot ang mga kalat saka ako humarap kay Russ upang kunin sana si Lovely, ngunit ang magaling kong kapatid, talagang lumingkis sa leeg ni Russ na tila ayaw nang magpakuha!
Mahinang natawa si Russ. "I'll carry her."
Wala na akong nagawa pa. Bumalik kami sa kotse ni Russ na buhat niya si Lovely. Mabuti na lamang at nauto na ni Jerome si Lovely nang makasakay na dahil kung hindi ay walang magmamaneho ng sasakyan.
"Ate, maaga pa. Baka pwede kaming tumulong munang mag-imis sa shop? Pambawi lang ba," ani Jerome nang makababa kami ng kotse.
Tumingin ako kay Russ upang manghingi ng permiso. Hindi naman siya tumanggi. Hinayaan niya ang mga kapatid ko nang hindi masyadong mabigat sa loob ng mga itong tanggapin ang mga regalo niya. Habang naglilinis naman sina Efren at Jerome sa shop ay pumunta kami ni Russ sa landlady ng bakanteng unit.
Nakakatuwang mabilis lamang napapayag ni Russ ang landlady. It was like his effortless charm works on everyone. Mapamatanda o bata. Bukas na bukas tuloy ay pwede na kaming makalipat ng mga kapatid ko kaya abot-tainga ang ngiti ko.
"Magiging problema ba ang mga magulang mo kung sakali?" tanong ni Russ habang pabalik kami sa shop.
"Susuhulan ko ng pera si Mama. Sasabihin ko bibigyan ko siya ng pera kada sahod ko basta ibigay niya ang mga kapatid ko. Gusto niya naman 'yon kasi wala na siyang iintindihin."
Marahan siyang tumango. "I really don't like your mom. I'm sorry."
"Ayos lang. Gets ko naman." Ngumiti ako sa kanya. "Maraming salamat sa lahat ng tulong, Russ. Pangako, sisipagan ko para makabawi ako sa'yo."
"Don't mention it," sagot lamang niya.
Pagbalik ng shop ay naabutan namin sina Efren at Jerome na nagpupunas ng mga artist chair habang nakasalampak sa sahig si Lovely at pilit binubuksan ang ilan sa mga laruang binili ni Russ sa kanya. Panay na rin ang hikab at nagluluha na ang mga mata kaya nang makita si Russ ay kaagad nagpakarga.
Pipigilan ko sana dahil nawiwili na. Baka mamaya nangangalay na si Russ kabubuhat ngunit umiling lamang si Russ saka na marahang tinapik-tapik ang likod ng kapatid kong nakasandal na sa balikat niya.
Napakamot ako ng sintido. "Wala na. Lagi ka nang hahanapin niyan," pananakot ko sa kanya.
He smirked. "Can't say I don't like that."
Napailing na lamang ako't tinulungan na ang mga kapatid ko. Wala namang gaanong lilinisin sa shop kaya hindi ganoon kabigat ang ginagawa namin. Nagtataka nga ako dahil alam ko talaga bukas ang shop ngayon, pero siguro nag-last minute call si Russ sa lahat dahil nga wala naman siya sa shop kanina.
"Ate, silip kami ni Efren sa bahay. Tingnan lang namin kung nandoon na sina Mama o si Papa," paalam ni Jerome.
"Sige, mag-iingat kayo sa pagtawid," bilin ko saka na sila ihinatid sa pinto. Nang makaalis sila ay sinenyasan ako ni Russ na iakyat muna namin si Lovely sa itaas nang makatulog nang maayos.
Bumuntot ako sa kanya saka ko siya tinulungang maihiga si Lovely sa kama. Ini-adjust din niya ang lamig ng AC nang hindi mabigla ang katawan ni Lovely.
He stared at Lovely then glanced at me. "You have the same lips . . . and nose."
Payak akong ngumiti. "Maraming nagsasabing ganyan daw ang mukha ko noong bata pa." Hinaplos ko ang buhok ng kapatid ko. "Ang galing mong mag-alaga ng bata, Russ. Kung iba 'yon, baka sumuko na wala pang sampung minuto."
He adjusted the sheets as if making sure my sister is comfortable enough. "I used to be terrified of holding kids. Thought I'd crush them or something."
"Paano mo na-overcome?" usyoso ko.
Napansin kong sandali siyang natigilan. Pati ang ekspresyon ay bahagyang tumamlay kaya nagtaka ako. Hindi naman ako nagtanong ngunit nang mapansin niyang nakahalata ako sa pagbabago ng ekspresyon niya ay siya na ang kusang bumasag sa katahimikan.
"I uhm . . . I was at the top of my game when . . . when we found out that my ex was pregnant. After she told me about it, I started learning how to take care of babies. K-Kasi akala ko sa'kin . . ."
Dumaan ang lungkot at galit sa mga mata niya nang humugot siya ng matalim na hininga. Tila ba pilit na pinakakalma ang sarili.
"S-Sayo?" tanong ko.
"That's . . ." His adam's apple bobbed up and down. "What I thought . . . until we found out that she had an affair with another man and--"
Napapikit siya at ang panga ay umigting. Ilang beses din siyang humugot ng malalim na hininga bago niya nagawang kumalma. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang din siyang makuha ang tamang tyempo para magpatuloy.
Russ cleared his throat. "We had a fight. She said she regretted sleeping with her baby's real father. Nagalit ako. Iniwan ko siya, but what broke my heart the most was . . . her decision to abort the baby just to win me again."
Parang tumigil ang t***k ng aking puso. "A-Ano?"
Malungkot akong tinitigan ni Russ. "This is why I knew I would never have my own kids, Rabiah." Gumuhit ang matinding pagsisisi sa mga mata niya. "I will forever blame myself for the death of an innocent child . . ."