Rabiah
"Baka late na ako makauwi, ha? Mag-lock kayo ng pinto mamaya. May susi naman ako," bilin ko kina Jerome at Efren. Dinalahan namin sila ng roasted chicken na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila pinagsasawaan.
"Opo, 'te. Enjoy kayo." Tumingin si Jerome kay Russ. "Kuya, huwag gaanong maglalasing para safe kayong makauwi ni ate, ah?"
"Don't worry, I won't. You can count on me," sagot ni Russ bago na ibinaba sa crib si Lovely. Hahabol na naman sana ang makulit kung hindi lang inuto ni Efren ng laruan.
Nagpaalam na kami sa mga kapatid ko. Nang masigurong nai-lock na nila ang pinto ay saka lamang kami bumaba ni Russ. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat. Medyo sanay na rin ako kasi palagi niya naman iyong ginagawa tuwing pinasasakay niya ako sa sasakyan niya kaya hindi na rin gaanong naghuhuramentado ang mga bubuyog sa tiyan ko.
Russ started the engine and then opened the stereo. Umalingawngaw sa loob ng sasakyan ang kantang "Mamahalin" ni Angelo Garcia. Napangiti tuloy ako nang palihim lalo na nang magsimula nang magmaneho si Russ. Nakahawak sa manibela ang isang kamay niya habang kaswal na nakakapit sa kambyo ang isa. He's even resting his elbow on the console box so his body is slightly leaning towards me.
"I'm free on Sunday." Sumulyap siya sa akin. "There's a freeport in the next province, right?"
"Huh?" Inipit ko ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. "Uhm, oo. Bakit?"
"Let's rent a sport plane," he answered casually.
Napaawang ang aking mga labi. "S-Sport plane?"
Tumango siya. "Para masanay ka nang nasa himpapawid."
Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo habang may kakaibang init na lumulukob sa aking dibdib. This man may be covered with tattoos, but he's definitely sent by God. Ang daming nagbago sa buhay ko magmula nang makilala ko siya, at patuloy niyang binabago ang lahat.
Payak akong napangiti. "Nakapagpasalamat na ba ako sa'yo sa tiwalang ibinibigay mo sa'kin? Sa . . . pagpapalakas mo ng loob ko nang hindi mo alam?"
Russ glanced at me. "You always say thanks but really, it's no big deal."
"Syempre big deal iyon, Russ. Minsan nga iniisip ko kung paano pa ba ako makakabawi."
Napansin ko ang pagguhit ng multong ngiti sa kanyang mga labi kasabay ng pagkislap ng kanyang mga mata. Maya-maya ay humugot siya ng malalim na hininga't pinanatili ang titig sa daan.
"You have no idea how much you've already paid me back, Rabiah. I don't know if you noticed how you're helping me but, yeah. Between the two of us, it's me who owes you more."
I scoffed. "Eh, wala nga akong maiambag sa buhay mo, eh. Ikaw naman."
He smirked. "You have no idea . . . " he said under his breath before he cleared his throat. "Enrolment na raw next week."
Tumango ako. "Promise, gagawa ako ng paraan para hindi ko mapabayaan ang trabaho ko sa shop--"
"You can come to my shop every end of your class and during weekends. I'll adjust your schedule depending on what you'll get this year." He looked at me. "Don't worry. You don't have to pick irregular classes just so you can work at my shop."
Bumuntonghininga ako. "Russ, walang ganoong trabaho. Kahit saan magpunta, empleyado ang mag-a-adjust."
"Not in my shop." Lumiko na siya sa isang makipot na daan. "Enroll and then show me your schedule."
Wala na akong nagawa kun'di um-oo. Hindi rin naman ako mananalo sa kanya pagdating sa bagay na ito.
Russ parked the car next to kuya Boyd's motorbike. Bumaba siya't nagtungo sa pinto ng shotgun seat upang pagbuksan ako. Gaya ng nakasanayan ay inalalayan na naman niya ako pababa, ngunit sa pagkakataong ito, nanatili ang palad niya sa lower back ko nang isara niya ang pinto.
"Tara," yaya niya sa akin.
Lumunok ako't sumabay sa lakad niya. Maya-maya ay ipinasa niya sa akin ang paperbag na naglalaman ng regalo niya para sa nanay ni kuya Boyd.
Nagtungo kami sa bakuran kung saan naka-setup ang maliit na salu-salo. Pagkakita ng may edad nang babaeng may sash na pera kay Russia ay lumapit siya kaagad at yumakap.
"Akala ko hindi ka darating at magkukulong ka na naman sa shop!" sabi ng ginang.
Russia smiled. "I told you, Ya. I won't miss your birthday again." Tumingin si Russia sa akin. "This is Rabiah."
Umalingawngaw ang kantyawan.
"Ayon! Pinakilala na sa nanay ko! Iba na 'yan, Boss!" si kuya Boyd sabay hagalpak kaya sinamaan ni Russ ng tingin.
Nahihiya akong ngumiti sa nanay ni kuya Boyd. "Happy birthday po."
Ngumiti ang ginang sa akin. "Salamat, hija. Palagi kang nakikwento ni Boyd. Ikaw raw ang nagpapasaya rito sa alaga ko." Hinawakan niya ako sa braso. "Maraming salamat, ha?"
Hindi ko alam kung paano ba ako sasagot. Alanganin tuloy akong tumingin kay Russ para humingi ng saklolo dahil wala akong maisip na tamang salita. Itinuro naman ni Russ ang hawak ko.
"Give her our gift, Rabiah," aniya.
Napakurap ako. Our gift? Eh, regalo lang kaya niya ito?
Lumunok na lamang ako bago alanganing ngumiti sa nanay ni kuya Boyd. "H-Happy birthday po ulit."
"Ay, salamat!" Inilabas ng ginang ang regalong bracelet na 24k gold. "Ay Diyos ko! Mahal na naman ito!"
Russia smiled. "Happy birthday, Ya."
Niyakap ng ginang si Russ. Nagulat naman ako nang pati ako ay inakap bago kami niyaya nang sumali sa munting salu-salo.
"Ako nagluto ng lahat ng iyan kaya kain lang kayo, ha?" bilin sa amin nang maihatid kami sa buffet table.
Nagpasalamat ako sa ginang bago ako kumuha ng plato namin ni Russia. Inagaw naman niya iyon saka niya isinenyas ang sandok ng kanin.
"I'll hold our plates. Ikaw na lang ang magsandok," aniya.
Tumango na lamang ako't nilagyan na ng pagkain ang aming mga plato. Nang matapos ay umupo kami sa dalawang bakanteng silya na nasa mesa nina kuya Boyd. Makahulugan na naman ang tingin sa amin ng mga kasamahan namin sa shop kaya halos iyuko ko na nang husto ang ulo ko sa hiya. Ang mga ito talaga!
"Russia," ani kuya Boyd saka nilapagan ng beer si Russ matapos kaming kumain. Napatitig naman ako sa beer na inilapag ni kuya Boyd sa harap ko.
Napaawang ang aking mga labi. Tumingin ako kay Russia pagkatapos. Tila ba alam na niya kung ano ang ibig sabihin ng tingin kong iyon kaya dinampot niya ang boteng nasa harap ko't tinungga.
"Daya naman, Russia! Kay Biah 'yan," si kuya Boyd.
Russ wiped the stain of beer on his lips with the back of his palm. "She doesn't drink." He glanced at me then smirked. "Nene pa."
Napasimangot ako nang magkantyawan na sila. Sa asar ko ay inagaw ko ang bote at tinungga ngunit ganoon na lamang ang pagsisisi ko nang matikman ang alak. Napangiwi ako't kaagad na ibinaba ang bote sa mesa. Nagpigil naman ng ngisi si Russ bago niya inilayo ang bote sa akin. He even leaned to whisper on my ear.
"Don't do it again if you're not ready," he reminded.
Bumuntonghininga ako. "Oo na."
"Boss, sasali ba tayo sa event?" si ate Raima.
Tumango si Russia. Nang magsimula ang diskusyon nila sa event ay tahimik na lamang akong nakinig. Hindi pa naman ako gaanong maka-relate kaya pasagut-sagot na lamang kapag tinatanong ako.
Lumalim ang gabi ngunit kinontrol ni Russia ang pag-inom. Hindi gaya ng mga kasama naming halos magmukha nang kamatis sa pamumula. May naniningkit na rin ang mga mata at may panay na ang pakikipag-apir. Ganito pala ang mga ito kapag nalalsing, ah? Tingnan mo, may nagi-English na rin tapos iyong topic, napunta na sa history at kay God!
Russ rested his arm on the backrest of my chair. Nagdekwatro rin siyang panlalake kaya ang natuping hita ay medyo pumapatong sa aking hita.
Marahan kong tinapik ang hita niya upang kunin ang kanyang atensyon. "Alalay ka lang sa inom, ha?" paalala ko nang lapagan siya ni kuya Boyd ng panibagong bote.
Russ looked at me then pinched my cheek. Parang medyo tinatamaan na kaya bahagya nang kumukulit.
"Boyd, last na 'to," aniya.
Ngumisi si kuya Boyd. "Bakit, boss? Natakot kay commander?"
Pinanlakihan ko ng mga mata si kuya Boyd ngunit maya-maya ay ganoon na lamang ang naging pagwawala ng dibdib ko nang marinig ang naging sagot sa kanya ni Russia.
"Kailangang magpakabait." Ibinaliktad ni Russia ang sumbrero niya saka siya ngumisi. "Baka ma-po at opo na naman tayo bukas."
Tumawa si kuya Boyd. "Anak ng teteng, under ng mas bata!"
Sinimangutan ko si Russ. "Hindi naman kita ina-under, eh. Mamaya masisante mo pa ako kung gawin ko 'yon. Nagpapaalala lang naman ako--"
"Why would I fire you, hmm?" putol niya sa sinasabi ko.
Napakurap ako. "Huh?"
He licked his lips. "I said why would I fire you? Eh 'di balik na naman ako sa dati?"
Nagwala ang aking dibdib. "D-Dati?"
Russ pushed the strands of my hair towards the back of my ear while he's staring at my lips. "Tell Jerome I tried to keep my promise." His sleepy eyes met mine. "But it's getting harder and harder to resist each f*****g day."
My heart thrummed with something that made the butterflies in my belly cheer. "H-Hindi ko maintindihan, Russ."
He sighed then jugged his beer. Maya-maya ay dinukot niya sa bulsa ang phone niya nang makatanggap ng chat. Ipinasa niya iyon sa akin pagkatapos kaya naguguluhan ko siyang tinitigan.
"Anong gagawin ko diyan, Russ?"
"Open the chat and tell her not to bother me because I'm not interested."
Bumuntonghininga ako't ginawa ang sinabi niya. Nag-reply naman kaagad iyong babaeng lumalandi sa kanya. Nag-send pa ng selfie na tila inaakit si Russia.
Napalunok ako. "M-Maganda naman?" tanong ko kunwari.
"Maganda ka naman talaga," sagot niyang nakapagpakabog nang sobra sa dibdib ko. Napalingon tuloy ako't sinimangutan siya upang itago ang naramdaman kong kilig.
"Itong nag-chat sa'yo, kako."
"'Yan ba? Sorry." He scoffed. "I was only looking at you . . ."
Nag-party na nang tuluyan ang mga paru-paro sa tiyan ko. Naibaba ko tuloy ang tingin ko nang uminit nang husto ang magkabila kong pisngi.
Nakakainis! Wrong timing talaga magpakilig!
I bit my lower lip. Naku, Russia Valentino. Iba ang tama ng Red Horse sa'yo .