Kabanata 18

1573 Words
Rabiah "Uwi na kami, kuya Boyd. Ma'am, salamat po ulit sa pa-Sharon po," paalam ko. "Pa-Sharon?" Nagsalubong ang mga kilay ng nanay ni kuya Boyd. "Anong pa-Sharon, Biah?" Ipinakita ko ang mga naka-microwavable tupperware. "Ito po. Mga binalot." "Ah." Tumawa nang mahina si kuya Boyd. "Kasi 'di ba, Ma may kanta si Sharon Cuneta na balutin mo ako ng nananana, hindi ko kabisado." Russia scoffed. "Tigil mo 'yan, kung ano mang tinitira mo." Umismid si kuya Boyd. "Kumukulit na ulit, ah? Iba talaga kapag may bago nang . . ." Makahulugan niya akong sinulyapan. Hindi naman na rin niya itinuloy ang sinasabi. Tinapik na lamang sa balikat si Russ saka na kami ihinatid sa sasakyan. "Dahan-dahan sa pagmamaneho, Russia," bilin ng nanay ni kuya Boyd. "Yes, 'Ya." Ngumisi si kuya Boyd. "Mag-iingat 'yan, ma. Si Biah ang sakay, eh." Ngumuso ako. Ano na naman bang gustong iparating nito ni kuya Boyd? Umiling-iling si Russ habang may munting ngisi sa mga labi. "We'll go now. Matulog ka na, Boyd." Kumaway na ako sa kanila saka ako pumasok sa sasakyan matapos akong pagbuksan ni Russ ng pinto. Tinawag naman siya ni kuya Boyd kasi parang may sinabi pa. Hindi ko narinig iyong pinag-usapan nila ni kuya Boyd kasi sarado na ang pinto ngunit mangani-nganing tadyakan ni Russ kaya patawa-tawang lumayo. Asar na asar namang pumasok ng sasakyan si Russ. "Anong sinabi at pikon ka?" tanong ko. He sighed. "Kinwento ko kasi kanina 'yong sinabi ni Dariuz. Paano nag-chat daw sa kanya. Gusto magpa-home service ng tattoo. Sabi ko huwag nang tanggapin kahit magkano ang ibayad at " "Iyong ginagawa kitang sugar daddy?" Tumango siya. "Sabi ni Boyd, okay lang naman daw maging sugar daddy mo. Pa-trenta naman na raw kami. Gurang na raw. Gago talaga." I laughed a bit. "Sana sinabi mo hindi ka pa pwedeng sugar daddy? Ano lang . . ." Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano, hmm?" Nagpigil ako ng ngisi. "Bossing sugar kuya." Tumawa ako sa sariling biro. Napailing-iling naman siya saka bumuntonghininga. "Malapit ko na kayong pagbuhulin ni Boyd," he murmured. "Hindi na mabiro." I jokingly pushed him. "Pikon ka lalo kapag lasing ka." "Nah." He moistened his lower lip. Nang makalabas na kami sa highway ay pinatunog niya ang dila niya. "Pagda-drive lang ng kotse hindi ko ituturo sa'yo." "Hmm? Bakit naman?" "Wala lang." He smirked. "I just like things this way." "Paano kung next time malasing ka tapos kailangan ako ang magmaneho?" tanong ko kunwari. "That's not gonna happen. I'll always make sure I wouldn't get wasted when you're the one in the shotgun." He pinched my cheek. "Told you. I'll keep you safe." Payak akong ngumiti nang makaramdam ng pamilyar na init sa dibdib na tanging si Russia lamang ang nakakapagdulot. Alam kaya niya kung gaano kalaki ang nagbago sa sistema ko dahil sa kanya? Hindi na palaging alerto ang katawan ko sa panganib. Hindi na bugbog ang immune system ko kalalaban sa hormones ng stress kasi kapag kasama ko siya, pakiramdam ko, walang makapananakit sa akin. "Russ?" tawag ko. "Hmm?" Lumunok ako sandali bago ko maingat na ipinatong sa kamay niyang nasa kambyo ang isa kong kamay. Napatitig siya sa kamay ko saka ako tiningnan, tila nagtaka sa ginawa ko. Unti-unti akong ngumiti. "Salamat." Russia's eyes glistened with something foreign. Something I'm not sure if I'd ever seen before. One thing I know is . . . whatever it was that made his eyes twinkle, it reached my heart, too and made it at peace. Humugot siya ng hininga. Maya-maya ay ganoon na lamang ang naging pagwawala ng dibdib ko nang unti-unti niyang pinagsalikop ang aming mga palad. Walang nagsalita sa amin. Tinitigan ko lamang ang mga kamay namin habang ibinalik niya naman ang atensyon niya sa daan. Tila gustong masigurong maiuuwi niya akong ligtas. I pursed my lips and just turned my gaze to the road. Madilim at wala kaming makita maliban sa mga bahaging tinatamaan ng headlight. I had a realization while staring at the dark road ahead of us. Walang kasiguraduhan kung ano ang naghihintay sa kinabukasan. Maraming taong masyadong iniisip ang kung ano ang mangyayari lima, sampu, o dalawampung taon mula sa kasalukuyan kaya nakalilimutan nang namnamin kung ano ang mayroon ngayon. Masaya akong ligtas na ang mga kapatid ko. Na may maayos na kaming tinutulugan at hindi na namin kailangang pagkasyahin ang dalawang pirasong itlog at isang pack ng noodles sa maghapong ulam. Hindi na rin namin iisiping anumang oras ay pwede kaming makaranas ng pagmamalupit mula sa mga taong dapat sana ay unang kumakalinga sa amin. Hindi ko sigurado kung matutupad ko ba talaga lahat ng plano ko sa buhay, pero ngayon pa lang, gusto ko nang magpasalamat sa Diyos kasi iniilawan niya ang daang tinatahak ko. Na ginamit niya si Russ para lumakas ang loob ko't gabayan ako. Kahit husgahan pa ako ng mundo dahil nagkakagusto ako sa kanya, sa lalakeng sampung taon ang tanda sa akin at tadtad ng tattoo, wala akong pakialam. Siya ang simula ng pagbabago sa buhay ko at ng mga kapatid ko. Mabuti siyang tao at iyon ang importante. Ipinarada ni Russ ang kotse sa harap ng apartment building. Lumabas siya at pinagbuksan ako. Nang maisara ay inagaw niya ang bitbit kong pagkaing ipinauwi ng mama ni kuya Boyd. "Hatid na kita sa taas," aniya. Hindi na ako nagreklamo pa. Nagpigil na lamang din ako ng kilig nang alalayan niya ako sa lower back ko habang umaakyat kami ng hagdan. "Pasok ka muna. Wala akong espresso machine dito pero pwede kitang itimpla ng kape," alok ko. Marahan siyang tumango. Sinusian ko ang knob saka ibinukas ang pinto. Dumiretso naman kami sa kusina. Inilapag niya ang dala sa mesa habang nagpainit ako ng tubig pangkape nang mapawi ang tama ng alak sa sistema niya. Ramdam ko ang pagsunod ni Russ ng tingin sa akin habang nag-aasikaso ako. Nilingon ko naman siya habang hawak ko ang twin pack ng Nescafe. "Ito lang meron, ha? Pero masarap naman 'to," sabi ko. Russ smiled with lips pursed. His sleepy eyes looked mesmerized while staring at me. "Whatever I get to share with you would surely taste good enough." Umiwas ako ng tingin bago pa niya makita ang pamumula ng aking pisngi. Itong lalakeng ito naman! Hindi ko na talaga alam. Bumabanat ba siya o sadyang ganito lang siya magsalita kapag nakainom? Hay! Ano ba ang mayroon sa Red Horse na ibinigay sa kanya kanina? Hinalo ko ang dalawang tasa ng kape saka na binuhat patungo sa mesa. Nang makaupo ako ay umayos naman siya ng upo saka medyo inilapit sa akin ang silya niya. Hindi naman ako nagreklamo. Sanay na rin naman akong ganito kami kalapit kapag kumakain kami sa kusina sa shop. Palagi naman kaming sabay. Ewan ko lang kung aksidente lang palagi na kapag lunch break ko na ay tinatamaan na rin siya ng gutom niya. "Masarap?" tanong ko nang makahigop siya. "Yeah." He smirked. "Thanks for sharing your instant coffee with me." "Maliit na bagay. Twin pack lang 'yon, Russ. Hindi naman mamahalin." "Mamahalin naman ang nagtimpla," he murmured before he sipped on his coffee. Kumunot ang aking noo. "Hmm? Hindi ko narinig." He licked his lips then shook his head. "Kailan ang simula ng klase?" "One week pagkatapos ng enrolment may pasok na so two weeks from now. Bakit?" "I'll give you a ride to the university everyday so you can save your transpo money. We can have lunch, too so you can save your lunch money as well." Bumuntonghininga ako. "Russ, magiging matrabaho 'yon para sa'yo. Grabe ka na sa pagtulong sa'kin. Tama na 'yong mga nagawa mo." "But I . . . want to do those things." Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang alin?" Tinitigan niya ako sa mga mata saka siya bumuntonghininga. "I like seeing you sitting in my shotgun seat. I enjoy lunch when we're eating together. I . . ." Pumikit siya sandali at humugot ng malalim na hininga bago ako muling tinitigan. Sa pagkakataong ito ay tila may pagsusumamo na sa kanyang mga mata. "Rabiah, I don't wanna look for your presence when you're at school." Muntik na yatang mabasag ang ribcage ko! Diyos ko, ano ba ang ibig sabihin noong sinabi niya? Nagko-confess na ba siya? Pero hindi, eh! Sinabi niya kaya kay Jerome na hindi niya type ang mga mas bata gaya ko? Nalunok ko ang sarili kong laway habang nakikipagtitigan sa namumungay niyang mga mata. "R-Russ . . ." He sighed then took my hand to gently massage it with his thumbs. Bumaba rin doon ang tingin ko habang marahas na kumakabog ang aking dibdib dahil sa kanyang sinabi. "I seriously don't understand what's going on with me but . . ." His adam's apple bobbed up and down. "I feel like my sanity is intact when I'm with you so just let me give you a ride to school and have lunch with you everyday." Humugot ako ng malalim na hininga't itinago ang kilig ko sa simpleng pagngiti. "Pero kapag nagiging abala na ako, promise mong titigil ka na? Kapag may kliyente na natapat sa oras ng paghatid-sundo mo sa akin, hahayaan mo na akong mag-jeep?" "Deal," he said. Ngumisi pa kaya hindi ko talaga sigurado kung tototohanin niya iyon. Sumimangot ako. "Seryoso kasi, Russia." The corners of his lips lifted upward for a meaningful smirk. "Don't worry, Rabiah." He gently stroked my palm with his thumb. "Hindi kita balak lokohin . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD