Kabanata 19

1586 Words
Rabiah "Thank you po, ma'am. Balik po kayo kapag gusto n'yo ulit ng bagong tattoo!" masigla kong paalam sa kliyenteng nagpagawa sa akin ng minimalist design ng babaeng may hawak na bulaklak. "Thank you rin, Biah. Irerekumenda talaga kita sa mga katrabaho ko. Ang gaan ng kamay mo!" tuwang-tuwa niyang ibinigay ang five hundred na tip. "Pangmiryenda." Ngumiti ako nang malawak. "Salamat po ulit." Russia walked towards me while biting his spring roll. Ginagawaan ko siya no'n tuwing umaga kaya nagtataka ako kung bakit parang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nananawa. Halos siya nga lang ang umuubos kasi umay na ang mga kasamahan namin sa shop. "You're good to go?" tanong niya. Excited akong tumango. "Oo. Tara ba?" "I'll just get my keys." Itinapon niya sa basurahan ang roll bag na ginamit niyang panghawak ng lumpiang gulay saka siya naghugas sandali ng kamay sa kusina. Kinuha rin niya sa kwarto niya ang susi ng kotse at wallet niya. Nang makababa ng hagdan at nakita niya si kuya Boyd na kinukuha ang natitirang dalawang pirasong lumpia sa lalagyan ay kaagad niyang sinipat ang likod ng palad ni kuya Boyd. I sighed and shook my head. I swear he's the most defensive when it comes to his spring rolls. "Anak ng teteng naman, Boss. Nakaapat ka na!" si kuya Boyd. "I'll eat it on the road." He gave kuya Boyd a side eye before he covered the container and hugged it as if it's the most precious thing in the world. Ewan ko na talaga! Hindi ito ang Russia na unang nakilala ko! "Hayaan mo na, kuya Boyd. Dadamihan ko na lang ang gawa bukas. Akala ko kasi naumay na kayo, eh at si Russ na lang ang lumalantak palagi," sabi ko. Umismid si kuya Boyd. "Paano kami makakakain? Dadampot pa lang, nakatitig na 'yan nang masama. Ano bang meron diyan sa lumpiang gulay mo, Biah?" "Pagmamahal," asar ni ate Raima kaya nagtawanan ang mga tao sa shop. Sumimangot ako habang namumula ang pisngi. "Si ate Raima naman, eh." Humagikgik siya. "Ay, pwede namang magbigay ng pagmamahal sa kahit sino. Bakit? Boyfriend lang ba ang pwedeng bigyan ng pagmamahal?" Bumuntonghininga si Russia. "Let's just go. They just love teasing you anyway." Hinawakan na niya ako sa balikat at iginiyang lumabas ng shop. Alas onse na ng tanghali kaya may kainitan na sa labas. Binilisan tuloy namin ang lakad nang makapasok kaagad sa kotse. "One hour ang byahe papunta sa freeport, 'di ba?" tanong ko nang tuluyang umandar ang kotse. He nodded. "Yeah. Naka-ready na ang plane pagkarating natin." "Safe naman bang magpalipad ng ganitong oras? Hindi ka naman masisilaw?" He shook his head. "I've done this more than a hundred times." "Okay." Ngumiti ako. "May tiwala ako sa'yo." Nakita ko ang pagsilip ng ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi ko. Maya-maya ay tumikhim siya't nagtanong ng ibang bagay habang nagmamaneho. "Since your class will start at nine AM and will end at four, you can bring Lovely to the shop. Raima will look after her while I'm out to take you to school. Dadalhin ko na lang si Lovely kapag lunch." "Baka nakakahiya naman kay ate Raima saka hindi ka na rin makakapagtrabaho nang maayos." "I already bought a playpen and a car seat for her. Don't worry. She's gonna be safe in the shop. Nag-offer din naman si Raima to babysit in exchange for an extra pay. Kinakapos siya at senior high na ang panganay niya." Bumuntonghininga ako. "Alam mo, grabe na 'yang pang-s-spoil mo sa amin ng mga kapatid ko. Lunod na lunod na ako sa utang at utang na loob ko sayo. Hinay-hinay naman, Russ." He moistened his lower lip. "I don't count any of it. I'm happy with what I do." He glanced at me. "You guys offered me a family anyway." Tumaba ang aking puso dahil sa narinig. Nakakatuwang malamang pamilya na ang tingin niya sa amin ng mga kapatid ko. Siguro napalapit na rin siya nang husto kasi sabay-sabay rin kaming mag-dinner. Minsan umuuwi kami sandali sa apartment kapag oras na ng hapunan. Minsan naman ay pinapasundo niya ang mga kapatid ko kay kuya Boyd para roon sa shop kumain. Mas masaya na ang mga kapatid ko ngayon. Masigla na at hindi na kumakalam ang tiyan kaya gumaganda na kahit paano ang mga katawan. Salamat talaga sa Diyos at inadya Niyang dumating sa buhay namin ng mga kapatid ko si Russia. He's naturally caring. Napakakuya ng dating, siguro dahil na rin panganay siya sa kanilang magkakapatid. Sabi rin ni kuya Boyd ay maasikaso at mapagmahal sa mga kapatid si Russia. Grabe rin daw noon kung mang-spoil ng kapatid kaya siguro ganito sa mga kapatid ko kasi nga sanay siyang ganoon ang ginagawa niya. Ang ipinagtataka ko lang, bakit kaya hindi siya dinadalaw ng mga kapatid niya? Masyado ba silang busy? Alam kong limang oras ang byahe hanggang Maynila pero hindi ba nila nami-miss si Russia? "Russ? Pwede ba akong magtanong tungkol sa mga kapatid mo? Kung . . . pwede lang?" Napansin kong humigpit ang hawak niya sa manibela. Nagtaas-baba rin ang adam's apple niya bago siya tumango. "Sure," medyo alanganin niyang sagot. "Uhm, nasabi kasi ni kuya Boyd na apat kayo? Ikaw raw ang panganay." He sighed. "Yeah. I'm the eldest. Si Israel ang sumunod, then si Georgia at bunso si Morocco." "Mas matanda ba sila sa akin?" Marahan siyang tumango. "Rocco is three years older than you." "Piloto rin ba?" usyoso ko. "We all know how to fly a plane but they didn't like doing commercial flights. Israel had to inherit the position after I refused to take over V Air. Georgia teaches flight attendants for V Air while Rocco is an aircraft mechanic." Bumuntonghininga siya. "Dito lang siya palagi sa Pinas . . . hindi gaya ko noon na halos hindi nagtatagal sa bansa." Napansin kong may dumaang lungkot sa mga mata niya nang sinabi iyong huli. "H-Hindi ba . . . kayo okay ng bunso mong kapatid?" Sandali siyang natahimik. Humugot din siya ulit ng hininga bago ako tiningnan ng may lungkot sa mga mata. "We've . . . been really close until he chose to . . . break my trust." Basag siyang ngumiti. "He's always mommy's favorite. Of course, I am not allowed to get mad at him in front of mom." Lumunok ako't nakiramdam. "K-Kaya ka ba umalis ng Maynila at . . . halos ayaw bumalik?" He sighed then slowly nodded his head. Maya-maya ay sinalat niya ang kamay ko na tila gusto niyang humiram ng lakas sa akin. "I could never stay in the same place where Rocco is. Parang nagri-replay lahat sa utak ko. 'Yong tiwala kong binasag niya, 'yong pambibilog nila sa ulo ko. Pati 'yong pagtapon niya sa maganda naming samahan bilang magkapatid." Napakurap ako. "N-Nila?" May lungkot ang mga mata niya akong sinulyapan ssaka niya marahang hinaplos ang gilid ng palad ko gamit ang kanyang hinlalaki. "Rocco was . . . Freyja's baby daddy. That b***h cheated on me with my own brother just because Rocco was always around her." Napaismid siya, halatang nasasaktan. "Do you know when I found out that they were sleeping?" Naninikip ang dibdib ko siyang pinakatitigan. "K-Kailan?" His eyes flickered with so much pain. "Before one of my most difficult flights. I nearly died with over five hundred souls with me on board. Siguro kung wala akong mga pasahero, hinayaan ko na lang na mag-crash ang eroplano." Marahan kong piniga ang kamay niya. Nang maibaling niya sa akin ang tingin niya ay payak ko siyang nginitian. "Salamat, Russia." Humugot siya ng hininga. "For what?" "For surviving that day. Kasi kung hindi kita nakilala, hindi magbabago ang buhay namin ng mga kapatid ko." Hinaplos ko ang palad niya gamit ang aking hinlalaki. "You are my spring, too." Namungay ang mga mata niya. Maya-maya ay ganoon na lamang ang naging kabog ng dibdib ko nang inangat niya ang magkahawak naming kamay saka niya hinalikan ang likod ng aking palad. It was just a simple kiss on the back of my hand but it was enough to make me understand something. We share something beautiful. Something none of us is ready to confess into words yet, but this is enough. Humugot ako ng hininga't bahagyang umusog palapit sa kanya upang makasandal ako sa kanyang braso. I shut my eyes when he leaned to peck a gentle kiss on top of my head. Ang aking mga labi ay unti-unting kumurba para sa isang simpleng ngiti nang madama ko ang kalmadong pagsayaw ng mga paru-paro sa aking tiyan. No, they're not in chaos. Kahit ang aking puso ay unti-unti ring kumalma. It was like whatever it is that I feel, it's the type of feeling that gives you faith even in the midst of the coldest winter. It harmonizes with my heartbeat. It makes my body feel at ease. Kaya kong makampante at damhin lamang ang bawat segundong lumilipas na nakasandal ako sa braso ni Russia. I stared at our entwined fingers then smiled. "Ang liit ng kamay ko kumpara sa'yo." Tiningala ko siya. Ngumisi naman siya't hinaplos ang gilid ng aking palad. "Don't care. Your fingers fit perfectly between mine, and that's what matters . . ." Napangiti na lamang ako kasabay ng muli kong paghugot ng hininga. Kung panaginip lamang ang lahat ng ito, hindi ko na yata nanaising magising pa sa mundong hindi ko matitikman ang pakiramdam na ito. Ang pakiramdam na alam kong si Russia lamang ang kayang magdulot . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD