Kabanata 20

1609 Words
Rabiah "Here we are," Russia said under his breath. Nauna siyang bumaba ng at pinagbuksan ako ng pinto. Halos matulala naman ako nang makababa. Napaawang ang aking mga labi at ang aking mga mata ay bahagyang nanlaki. "Ang . . ." Hindi ko alam kung bakit ako naging emosyonal habang nakatitig sa sasakyang panghimpapawid. Its velvet red and white paint sparkled as the sun ray hit the plane. "Ang ganda-ganda niya, Russia . . ." Nanubig ang aking mga mata. "Ang ganda-ganda . . ." "Yeah." He sighed. "She definitely is a sight . . ." Nilingon ko siya't napagtantong nakatitig lamang siya sa akin habang may munting kurba sa mga labi. Inialok niya ang kamay niya sa akin. "Come on. Let's get this baby up in the air." My heart swelled with so much joy. Tinanggap ko ang kamay niya't hinayaan siyang dalhin ako sa sport plane. It has two front seats for the pilot and co-pilot. Sinabi ko nang hindi ko pa alam ang gagawin ngunit siniguro niyang siya lamang ang bahalang magmaneobra sa eroplano. "Bakit ba freeport ang tawag nila dito eh hindi naman na uso ang trading? Saka hindi ba pantalan iyon?" tanong ko nang makasakay. Inayos niya ang seat straps ko. "I'm not so sure but I guess they just continued calling it because this place was made of water before they dumped tons of soil on it to make it a small airport for private jets and planes. I heard they did that to make the place for boats and planes more secluded." Tumingin siya sa akin. "Feeling comfy?" Tumango ako. "Yes. Excited na ko." Ngumiti siya't mahinang pinisil ang tungki ng aking ilong. "Don't pass out later." "Sir!" habol ng staff sa freeport. "Yes? Everything okay?" tanong niya. Tumango ang staff. "Iyon hong upgrades na ni-request ninyo, hindi pa ho nagagawa. Sa susunod na Sabado pa ho kasi darating ang mechanic." "But this is brand new, right?" he asked. Napakunot ako ng noo. Brand new? Ang swerte naman namin kung brand new pala ang gagamitin namin? Saka ang lakas naman niya sa staffs at kahit rent lang ay pwede niyang ipa-upgrade? "Oo naman, Sir. Hindi ka namin bebentahan ng second hand. Valentino ka. Alam naming mabilis kumilatis ang mga mata mo." Napaawang ang aking mga labi. Bebentahan? Diyos ko! Bumili si Russia ng sport plane?! "Good. By the way, if you will get a call from Jigo, give him this one for free. He gave me a call last night. He's planning to fly around the nearest island." Tinapik niya na ang balikat ng staff saka siya sumakay sa pilot seat. Nang makapasok ay napansin kaagad niya ang gulat ko pa ring reaksyon. "What's with the face, hmm?" kaswal niyang tanong. Kumurap-kurap ako. Nang matauhan ay hindi ko na napigilan ang aking bibig. "Bumili ka ng eroplano! Diyos ko, Russia! Para ka namang nag-shopping lang ng laruan!" Umismid siya. "I wanna fly every Sunday with you but they said most of their planes get booked on weekends." He patted my knee. "We don't have to wait in line all the time." Naihilamos ko na lamang ang palad ko sa aking mukha. Ang lalakeng ito talaga! "Ang gastos mo po, boss." Inirapan ko siya't tumingin ako sa labas. He groaned. Siguro ay alam na ang ibig sabihin ng pag-po ko. Bumuntonghininga siya pagkatapos saka ako hinawakan sa siko. "Hey . . ." Marahan niya akong hinatak. "I swear I bought it because I also missed flying." Nakasimangot ko siyang nilingon. "Sigurado ka po?" He nodded. "I promise." Bumuntonghininga ako. "Siguraduhin mo, Russia. Ayaw kong maubos ang pera mo kabibigay ng mga tingin mo ay kailangan ko o ng mga kapatid ko. Hindi pa nga tayo, grabe ka na magwaldas--" Naputol ang sinasabi ko at napalaki ako ng mga mata nang mapagtanto ang nasabi ko. Ano ba namang bibig 'to?! Bakit ko naman sinabing hindi pa nga kami?! Nag-assume naman kaagad, eh! Mangani-ngani kong sapukin ang sarili ko ngunit ang magaling na Russia, ngumisi pa't marahang pinisil ang aking pisngi. "Let's just enjoy the flight," aniya bago na pinindot ang mga buton. Nakipag-usap siya sa tower habang tahimik akong nakamasid. Nagkabiruan pa sila ng kausap niya sa tower kaya hindi ko tuloy napigilang matulala lalo nang lumabas ang mapuputi niyang ngipin. "Enjoy your date, Sir. Over," anang lalake sa tower. Russia smirked. "We definitely will. Over." Lumunok ako nang kumabog ang aking dibdib. "R-Russ, d-date pala 'to?" Tinaasan niya ako ng kilay. "If it isn't then I'd be really upset." He smirked. "Kidding. It could be anything else to you but it's definitely a date to me." Ngumuso ako, pilit itinago ang kilig na naramdaman. "O-Oo na." He scoffed. "Anong oo na, hmm?" Lalong uminit ang aking pisngi. "D-Date na." "Parang napilitan ka lang. It's fine if you wanna keep me in the friendzone--" "Gusto kita." Natikom ko ang aking bibig nang makita kung paanong kumislap ang mga mata niya. Ngumisi pa nga na tila aliw na aliw! "Sorry, I kind'a missed that. Can you say that one more time before we run out of runway?" Sinimangutan ko siya. "Si Russia kamo--" "We need to fly now, baby just say it before we run out of runway." I groaned. "Gusto kita. Crush na kita mula noong tinawag mo kong nene kaya kinuha ko 'yong picture na tinapon mo sa basurahan ng CR mo at ginupit ang picture mo." Tumikwas ang mga labi ko nang mamula nang husto. "Huwag mo nang ipaulit. Hindi ko na sasabihin ulit 'yon!" He scoffed. "Thank you. That means the world to me." Tinaasan ko siya ng kilay. Thank you? Thank you lang? Iyon na 'yon? Tumingin ako sa labas. Nakakahiya naman! Bakit ko naman kasi inamin 'yon! Mangani-ngani kong sampalin ang sarili ko kung hindi ko lang naramdaman na umaangat na kami sa ere. Napalitan ang hiya at inis ko sa sarili ng magkahalong saya at excitement nang makumpirmang palipad na nga ang sport plane. Diyos ko! Totoo na nga ito! Hindi na nakatapak sa runway ang gulong ng eroplano! "Russia! Lumilipad na tayo!" tuwang-tuwa kong sabi na nakapagpangiti sa kanya. Panay ang tingin ko sa paligid, nananaba ang puso dahil sa tuwa nang maabot namin ang mga ulap. The world look serene from our view, and the more we're flying over the nearby ocean, the larger the curve on my smile became. "Russia . . ." Nanubig ang mga mata ko sa labis na tuwa. "Ang ganda . . ." I sobbed. Parang batang napagbigyan. "Ang ganda-ganda at ang saya-sayang sumakay dito." Russia smiled. Iningat niya ang kamay niya't marahang pinunasan ang basa sa aking pisngi. "This is why buying this plane is worth it." He intertwined our fingers. "It's not about how much I spent for it, Rabiah. It's about the experience." He put the plane on autopilot after reaching the right altitude. Sabay naming pinagmasdan ang mga ulap sa ibaba habang magkahawak ang aming mga kamay. Napakakalmado. Para bang walang problema ang mundo at hindi tumatakbo ang oras. Nilingon ko siya nang may munting kurba sa aking mga labi. "Russ?" He turned to look at me while his thumb gently strokes the side of my hand. "Hmm?" "Salamat, ha?" Russia's eyes softened. Maya-maya ay humugot siya ng malalim na hininga bago inilapit ang mukha sa akin. Kusang sumara ang aking mga mata kasabay ng pagwawala ng aking puso. The butterflies in my belly danced as soon as I felt Russia's tender lips against mine, ready to brand it as his and his alone. Sinubukan kong sumabay sa galaw ng kanyang mga labi kahit na halos mabingi na ako sa lakas ng t***k ng aking puso. I wanted him to know that I wanted to kiss him, too. That we feel the same way, but looks like I don't need to do anything anymore to make him understand that. Dahil nang ilapat ko ang palad ko sa kanyang dibdib ay naging sapat na ang mabilis na t***k ng kanyang puso upang mapagtanto ko ang isang bagay. Our hearts are in synced . . . as if God had made both to beat as one. Unti-unting bumukas ang aming mga mata nang maputol ang halik. Walang nakakibo sa amin na tila pareho pa kaming lasing sa kung anong bagay na nagdurugtong ngayon sa aming mga puso, ngunit isang bagay ang sigurado ko. Hindi kami nagsisi sa halik na iyon. In fact, his eyes even flickered with joy as if it's been a long time since he felt alive. As if . . . my lips had brought him back to life fully. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan habang tila nakalutang pa ang aking isip. "B-Bakit . . . natin ginawa 'yon?" wala sa sarili kong tanong. Namungay ang mga mata niya kasabay ng unti-unti niyang pagngiti. Maya-maya ay inilapat niya ang isa niyang palad sa aking pisngi saka ako muling hinalikan. Sa pagkakataong ito ay mas malalim na at wala nang pag-aalinlangan ang bawat hagod ng kanyang mga labi. Halos habulin ko ang aking hininga nang maputol ang pangalawang halik. May kislap pa rin ang kanyang mga mata nang matitigan ko ang mga iyon, at sa pagkakataong ito, tila mas buo na rin ang loob niyang sagutin ang aking tanong. "Because maybe there's really no point of denying what's really going on between us . . ." Nilunok ko ang sarili kong laway. "A-Ano ang . . . ibig mong sabihin?" Russia stared into my eyes as he stroked my cheek with his thumb. "I would like to give love another chance and be your boyfriend, Rabiah. That's what I'm trying to say . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD