Kabanata 22

1768 Words
Rabiah "Ate, ako na ang bahalang magluto ng hapunan. Punta ka na sa shop at noong dumaan ako kanina, ang daming pumasok na customer. Baka kailangan na ni kuya Russia ng tulong mo," bungad ni Jerome sa akin nang makapasok sila ni Efren ng apartment. Galing sila sa eskwela. Dahil dalawang kanto lang ang layo ng eskwelahan sa tinutuluyan namin ay hindi na sila pumayag na ihatid-sundo rin ni Russia. "Naku, salamat Jerome. Si Lovely naaaliw naman doon sa binili ni Russia na talking pen pero mamaya, mag-half bath na siya, ha?" bilin ko. "Ako na kay Lovely, te!" presinta ni Efren. Napangiti ako. "Ang swerte ko talaga sa inyong dalawa. Hindi ako nahihirapan. Salamat, ha?" Ngumiti sila bago nagbiro si Efren. "Sus, si ate naman maglalambing pa! Oo na! Pinapayagan ka na naming gabihin ng uwi!" Natawa kaming tatlo habang umiling-iling naman ako. Ang mga kapatid ko talaga. "Teh, may nakwento pala 'yong kaklase kong kapitbahay namin," ani Jerome nang makapasok na si Efren ng kwarto nila. "Ano 'yon?" "Si mama raw, ilang araw nang hindi umuuwi sa bahay. Ang sabi, sumama na raw do'n sa kumpare ni papa kasi si papa raw, may kinakasamang iba sa kabilang bayan. May kapatid na nga raw tayo ro'n, hindi lang sinasabi ni papa." Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. "Tingin mo, 'te totoo 'yon?" Kumirot ang dibdib ko. Oo, malaki ang tampo namin sa mga magulang namin, pero lalo yatang lalala 'yon kung sakali mang totoo ang nakwento kay Jerome. Ni minsan hindi naman kami binisita nina mama at papa rito. Hindi sinilip kung ayos lang ba kaming apat. Para bang nawalan na sila ng pakialam sa amin. Alam kong gusto ng mga kapatid kong makaalis sa poder ng mga magulang namin, pero hindi rin nila maitatago sa akin na nasasaktan sila sa mga ganitong bagay. Wala naman akong magagawa. Hindi ko pwedeng pilitin ang mga magulang namin na itrato kami sa paraang gusto namin. Bumuntonghininga ako. "Hayaan mo, Jerome. Kung totoo man 'yon, nandito naman ako. Hindi ko kayo iiwan." Payak na ngumiti si Jerome. "Kapag . . . naging mag-asawa na kayo ni kuya Russia teh, tingin mo kaya pwede ka pa rin naming makasama? Hindi naman kami magpapabigat. Gusto ka lang naming alalayan kung sakaling kailanganin mo kami." Uminit ang sulok ng mga mata ko. Ang advance mag-isip ng kapatid ko, pero nakakatuwa na iniisip pa rin nila ako. Gusto nila akong makasama kasi gusto nila akong alalayan, hindi dahil sa sila ang may kailangan sa akin. Suminghot ako. "Matagal pa 'yon. Ilang buwan pa lang naman kami ni Russ. Malay natin 'di ba? May ibang plano ang Diyos?" "Naku, ate. Hindi namin papansinin ang susunod mong boyfriend kapag naghiwalay kayo ni kuya Russia. Loyal na kami kay kuya." Natatawa akong umiling-iling. "Oo na, magkakakampi na kayo." Tinapik ko ang balikat niya. "Magbihis ka na. Pupunta na rin muna ako. Kahit mga alas sais ka na magluto nang makapagpahinga ka rin muna," bilin ko saka na umalis para pumunta sa shop. Kahit naman boyfriend ko ang may-ari ng shop, aba nagsisipag pa rin ako. Mahirap nang masabihang palamunin ng nobyo. Binilisan ko ang lakad. Nang matanaw ko ang shop ay lalo ko pang nilakihan ang mga hakbang ko. Tama nga si Jerome. Marami ngang tao ngayon kaya siguradong hindi na naman magkandaugaga ang mga tauhan sa shop. Pumasok ako at nag-log in. Nang matapos ay pinasadahan ko kaagad ng tingin ang shop para hanapin si Russ. Natanaw ko siya roon sa paborito niyang pwesto. Seryoso ang mukha at tutok sa ginagawang tattoo sa babaeng nakatagilid sa artist chair. "Aw!" Humagikgik ang babae nang itigil ni Russia ang pagtitinta matapos marinig ang daing nito. Napataas naman ako ng kilay nang napansin kong malanding ngumiti ang babae sa kanya. "Sorry, Russia. Nabigla ako but I love the pain you're giving me." Imbes na lalapit ako roon ay nagtungo na lamang ako sa tabi ni kuya Boyd para tingnan ang list ng customers. Abala rin siya kaya siguro hindi napansin ang pagsimangot ko lalo na nang muling humagikgik ang babae. Naiirita ko silang nilingon. Maliit ako kaya hindi rin kaagad napansin ni Russia na naroon na ako lalo at ang daming tumatayo para makiusyoso sa mga kliyenteng nakasalang ngayon sa limang artist chair. Humaba ang tikwas ng aking mga labi nang mapagtantong sa hip part pala tinatatuan ang babaeng kliyente ni Russia. Naka-panty lang kaya kitang-kita ang ganda ng kutis at maputing puwet. Hindi ko naman hinuhusgahan ang babae. Ang nakakapagpataas ng kilay ko ngayon ay iyong obvious na panlalandi niya kay Russia. Para bang sinasadya pati ang ungol tapos hahagikgik kapag tumitigil si Russia. I sighed and just read the name of the next client in line. "Kuya Boyd, anong design nito?" may inis kong tanong. Nilingon ako ni kuya Boyd. Isang tingin lang sa nakasimangot kong mukha ay tila alam na kaagad niya kung bakit masama ang mood ko. Ngumisi siya. "Sakto. Minimalist lang 'yan. Gusto ng semi-colon na korteng araw at crescent moon." Tumango ako. "Ako na 'to." Tumayo siya sa kanyang pwesto at tinawag ang kliyente. Lumapit naman sa akin ang babaeng tila dismayado dahil ako ang titinta sa balat niya. "Matagal pa ba si Russia?" tanong niya sa akin. Nagpigil tuloy ng ngisi si kuya Boyd nang makita ang lalong pagsama ng timpla ko. I tried to relax and fake a smile. "Matagal pa, Ma'am. Hindi bale ho, magaan ang kamay ko at trained po ako ni Russia." "Fine," diskumpyado niyang sabi. Pigil ang inis akong ngumiting muli. "Dito po tayo." Iginiya ko siya patungo sa artist chair na katabi ng pwesto nina Russia. My boyfriend turned pale after seeing the look on my face. Halos hindi niya alam kung itutuloy pa ba ang pagta-tattoo sa babae o tatayo na para magpaliwanag. Peke akong ngumisi sa kanila ng kliyente niya habang umuupo ang customer ko sa artist chair. "Kumusta po ang kamay ni Boss? Okay po ba?" tanong ko kunwari sa babaeng tinatatuan ni Russia. The woman smiled in a flirty way. "Yeah. I hope he could do more wonders on my body with those hands." Tinaasan ko ng kilay ang namumutlang si Russia. "Narinig mo po 'yon, Boss? Mukhang may iba pang gusto." I swear I saw how my boyfriend's adam's apple bobbed up and down. "I swear I already told her that I'm not available." The clueless woman giggled. "Come on, Russia! It's gonna be our little secret." Halos maningkit ang mga mata ko. "Sikreto niyo naman daw po pala, Boss eh." Russia's eyes glistened with fear. Napatayo siya sa kanyang stool at kaagad na sinenyasan si kuya Boyd. "Boyd, continue this before I hear another po." I sighed. Tinalikuran ko na siya at inintindi ko na ang kliyente ko. Nagreklamo iyong babaeng tinatatuan niya kanina nang talagang nagdesisyon siyang ipasa na kay kuya Boyd ang trabaho ngunit nanindigan si Russia sa desisyon. Hinubad niya ang gloves niya't lumapit sa akin buhat ang extra stool. "Layo ka konti, Boss. Masyado ka pong madikit. Baka magulo po ang paglalagay ko ng stencil," sabi ko nang hindi siya tinitingnan. Russia sighed. "Rabiah . . ." "Sabi ko layo muna, boss." Sinamaan ko siya ng tingin. "Nagtatrabaho po ako." Napakamot siya ng sintido. Maya-maya ay nilingon niya si kuya Boyd na tila gusto niyang sisihin dahil sa nangyayari. Russia pushed his stool a little farther but he didn't leave my side until I was done. Kinakausap siya ng mga babaeng kliyente ngunit hindi siya kumikibo. Nagpanggap pa ngang nakikinig ng music sa airpods nang hindi na siya kulitin pa. Hindi ko na lamang din muna siya kinibo. Nag-focus ako sa mga kliyente habang nakabuntot lamang siya sa akin at panay ang sundot sa tagiliran ko tuwing hindi nakabaon ang karayom sa balat ng kliyente ko. Ilang beses ko siyang inirapan nang tumigil kaya napapabuntonghininga na lamang siya. He had no choice but to close the shop early when more people flooded in. May nag-post na naman daw pala kasi ng picture niya sa social media at marami na naman ang nahumaling sa kanya kaya ganito na naman ang dami ng tao. Iyong iba, halatang gusto lang siyang masilayan o kaya ay makapagpapansin sa kanya. Pagkatapos ng huli kong kliyente ay pinauwi na rin niya ang mga tauhan. Tumayo naman ako't kinuha ang tote bag ko sa counter. "Uwi na po ako, bossing--" Naputol ang sinasabi ko nang hawakan ako ni Russia sa baywang saka niya ako kinabig. He made me sit on top of the counter while he stood between my parted legs. Halos mabasag ang rib cage ko sa lakas ng kabog ng aking dibdib nang ihaplos niya ang kanyang mga palad sa magkabila kong hita paakyat sa aking baywang habang titig na titig siya sa aking mga mata. I suddenly forgot why I'm acting cold towards him. My body is starting to be a slave to his touch, unable to resist the kind of heat I only feel when we're this close. Namumungay ang mga mata niyang piniga nang marahan ang aking baywang. "You were jealous," he said in a gentle tone before he sighed. "As much as I want to celebrate because you got jealous, I'm f*****g terrified of your anger, baby." Sinimangutan ko siya kahit na nakaramdam na naman ako ng kilig. "Eh, kasi ang obvious no'ng babae." "I didn't give a f**k earlier because I don't give a f**k about her. You have nothing to worry about. I'm as loyal as a f*****g dog to my five feet and two inches girlfriend." Magaan kong napalo ang balikat niya. "Pati ba naman height ko, Russia!" He laughed softly before he kissed me on my jaw. Napawi naman ang inis ko nang tumapat sa aking tainga ang mainit niyang hininga. "Let me apologize for bringing up your height then . . ." he whispered sexily. Tila inaakit ako. Gusto ko sanang sumagot pa ngunit napasinghap na ako nang lumusot sa laylayan ng aking tee shirt ang mainit niyang mga palad. Humalik na rin sa aking leeg ang kanyang mga labi habang wala sa sarili naman akong napakapit sa kanyang batok. "R-Russ . . ." I whimpered. "A-Anong gagawin mo?" He lifted his head then smirked. "I heard you don't have class starting tomorrow 'til Monday." His gaze slowly drifted to my lips as his eyes darkened. "I'd like to apologize the Russia way . . ." Napalunok ako. "R-Russia way?" "Yeah," he said under his breath before he reached for the hook of my bra. "Happy third month, baby. I think it's time to invade this precious territory . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD