Kabanata 25

1670 Words
Rabiah "I'll see you at the shop, baby." Kinabig ako ni Russia at pinatakan ng halik sa mga labi. Nang maputol ang halik ay matamis niya akong nginitian. "I've got some news." Ngumiti ako pabalik. "Sige, babe." Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako. Hindi na ako nagpahatid pa sa taas dahil magkikita rin naman kami mamaya. Magsha-shower lang naman ako at magpapalit na bago pumasok sa shop. "Ang dami niyan, Jerome ah?" bungad ko nang makita ang gabundok na papel sa ibabaw ng dining table. Nilingon ako ng kapatid ko nang lapitan ko si Lovely para buhatin. "Oo, 'te. Sa research namin 'to." Nagkamot siya ng ulo. "Ate, pwede kaya akong pumunta sa shop mamaya para mag-interview kina kuya Russia?" "Mag-interview? Ano ba ang topic ng research mo?" "Tungkol sa kung paano nakakaapekto ang mental health sa mga panganay. Pareho kasi kayong panganay, eh. Kayo sana ang gagawin kong dalawang respondents." Ngumiti ako. "Sige. Alam ko si ate Raima panganay rin. Saka si Donny. Pwede mo rin siguro silang ma-interview para kahit paano mabawasan ang dami ng kailangan mong hanaping respondents." Humalik ako kay Lovely saka ko hinaplos ang ulo ng nagtutupi ng damit na si Efren. "Maliligo na ako, ha?" "Sige, 'te," sagot ni Jerome. Inilapag ko na ulit is Lovely. Nagtungo ako sa kwarto ko ngunit bago ko naisara ang pinto ay narinig ko pa si Efren. "Kuya, kapag college pati Sabado may pasok. Kawawa naman si ate, wala na talagang pahinga. Sipagan pa natin mag-aral para hindi sayang ang pagod ni ate." "Tama, Efren. Huwag na tayong gumaya ro'n sa mga barkada ni Paulo na kada tapos ng klase, nagbibilyar. Kawawa naman si Ninang. Laging tinatawag sa guidance." "Akala naman kasi nina Paulo maganda 'yon. Ang baho kaya nila kapag dumadaan! Sayang pa ang baon kung iyon ang bibilihin. Kawawa si ate na nagbibigay ng baon." Umismid si Jerome. "Hindi ko nga ginagastos bigay ni ate. Iniipon ko lang pampa-print para 'di na niya isipin." "Ako rin! Saka pambili ng headband. 'Yong tig-kinse lang naman." Napangiti ako. Hindi man ako sinwerte sa mga magulang, heto naman ang mga kapatid ko at ibinibigay sa akin ang mga bagay na sa mga magulang ko sana nakukuha. Kapag uuwi ako galing ng shop, minsan naaabutan ko pa si Jerome o kaya si Efren na naghihintay sa akin. Tatanungin ako palagi kung napagod ba ako sa shop o kung may maitutulong sila sa school works ko. Kahit na alam kong sandamakmak din naman ang assignment nila, hindi nila pinababayaan ang apartment namin. Naaawa na nga si Russia kaya minsan sinasabi na sa aking kumuha na ng katulong at siya na lang ang magbabayad pero ayaw ng mga kapatid ko. Katwiran nila ay kaya naman namin. Hindi man maintindihan ng iba kung bakit ganito ka-mature mag-isip ang mga kapatid ko, nagpapasalamat pa rin ako dahil imbes na magrebelde gaya ng ibang batang nahihirapan sa kinalakihang buhay, heto sila at katuwang kong magsumikap. Siguro totoong ang tao ang magdedesisyon kung anong kinabukasan ang gusto nila. Kapos kami at pinagmalupitan, pero imbes na mag-adik at hindi mag-aral, nagsisipag ang mga kapatid ko dahil pare-pareho kaming gustong magkaroon ng magandang buhay. Nagbihis na ako matapos makaligo. Hindi naman ako nagbasa ng buhok kaya hindi na tagatak ang tubig sa buhok ko nang makaalis ng apartment. Pagdating ko sa shop ay kaagad akong sinenyasan ni Russia na lumapit. He's standing by the counter holding a folder. Pagkalapit ko ay kaagad akong niyakap gamit ang isang braso saka niya ako pinasandal sa dibdib niya. "Alright, listen up everyone," tawag niya sa atensyon ng staffs. Naupo si kuya Boyd na nakaharap sa sandalan ng mono bloc. Itinabi naman ni ate Raima ang bag ng chips na nginangata niya kanina habang ang iba naming kasamahan ay itinigil ang kanya-kanyang ginagawa. "Magpo-propose ka na agad, bossing?" biro ni Donny. Umismid si Russia. "I wish." Natawa ang staffs habang uminit naman ang pisngi ko. "Russia kamo," suway ko. Ngumisi lamang siya bago muling ibinalik ang atensyon sa mga tauhan. "We received an invite to participate to the biggest tattoo competition in the country. There's five of us. Sakto para sa kailangang participants. Each of us will have different categories to enter, but the main event will require everyone to contribute to a single tattoo." Kuya Boyd smirked. "G ako diyan. Alam mo naman 'yon, boss." "Thanks. What about the others?" Nagsi-oo ang mga kasamahan namin habang tumingala naman ako kay Russia nang ako na lamang ang hindi nakasagot. "Kailan ang event?" "Next week, Friday and Saturday sa Baguio." Bumagsak ang mga balikat ko. "Exam ko 'yon, babe." Kumunot ang noo niya. "Really?" Malungkot akong tumango. "Paano 'yan? Hindi ako makakasama." He sighed. "Well, you cannot ditch your exam for this. Don't worry. I'll figure something out." Tumikhim si Boyd. "Kasali ba diyan grupo nina Frey?" Napakurap ako. "F-Frey? Iyong . . . ex ni Russia?" Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Russia sa akin saka siya humugot ng hininga. "It's not gonna be a big deal. There will be hundreds of participants. I'm sure we won't have to associate ourselves with them," agap niya. Hindi ako nakakibo. Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng kirot sa puso. Tattoo artist din pala si Freyja? Is that why Russia trained me? Am I . . . being his ex's copycat? Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko. No. Hindi naman ganoon iyon, eh. Naiisip ko lang 'yon kasi nagselos ako. Saka tinuruan ako ni Russia kasi mas malaki ang kikitain ko. I tried to ignore the thoughts that made my chest feel heavy. Kaya lang ay ang hirap talagang itaboy lalo na at naiisip kong kung hindi ako sasama, hindi ko alam kung magkakadaupang palad ba sina Russia at Freyja sa event. "Are you alright?" tanong ni Russia sa akin nang natapos ang session namin ng kliyente ko. I sighed without looking at him. "Yeah. Okay lang." "You don't look okay to me, baby." Ipinihit niya paharap sa kanya ang stool na kinauupuan ko. "Iyong sinabi ba ni Boyd kanina?" Muli akong napabuntonghininga habang nakatitig sa mga mata niya. "Kinukulit ka pa rin ba ng pamilya mo tungkol sa bone marrow transplant?" pag-iiba ko ng usapan. He held me by the side of my thighs. "Yeah, but I told them I don't wanna get involved." He tapped his thumbs on my thighs. "Now answer my question." Lumunok ako. "A-Ayos lang naman. Huwag mo na akong intindihin." "I won't go if you won't feel okay with it." "No, Russia. Hindi mo kailangang palagpasin 'to. Importanteng event--" "Pero mas importante ka," putol niya sa sinasabi ko. "Mas importante tayo, and I don't wanna mess this up because of an event." My heart swelled. Na-guilty tuloy ako na nag-isip ako ng iba gayong heto siya at handang i-cancel ang pag-attend ng grupo sa event para lang hindi na ako makaramdam ng selos. Iniangat ko ang palad ko't inilapat sa kanyang pisngi. "Bakit ba ang swerte ko sayo?" I smiled. "Tumuloy kayo sa competition. Pipilitin kong tapusin ang exams ko nang maaga para makasunod ako sa second day." Lumamlam ang mga mata niya. "I promise that Frey will never be an issue between us." Tumango ako. "May tiwala ako sa'yo, Russ." He smiled and was about to kiss me on my lips when kuya Boyd called him. "Bossing." Sumenyas siya kay Russia. "Utol mo." Kumunot ang aking noo. Utol? Kapatid ni Russia? Hindi pa man nakatatayo si Russia sa kinauupuan niya ay bumukas na ang pinto. A female version of Russia went in wearing a peach trouser and while razor-back tops. Ang may kahabaang buhok ay maayos na nakabagsak habang ang mga postura ay tila sa isang modelo. "Georgia . . ." malamig ang boses na tawag ni Russia. The woman lifted a brow after seeing her brother's hands on my outer thighs. Humugot pa ito ng hininga saka umiling-iling na tila nadismaya. "Is this why you're refusing to go home? You've got a new chic warming your bed?" Umismid ang babae. "Rocco is about to lose his life and you'd rather flirt with some girl than go home. Why am I even surprised?" Umigting ang panga ni Russia. Tumindig siya't naglakad palapit sa babae saka niya ito hinatak palabas ng shop. Nagtalo sila habang hinahatak ni Russia patungo sa sasakyan. Nang makapasok sila sa kotse at umalis ay nalunok ko na lamang ang namuong bara sa aking lalamunan. Kuya Boyd sighed. "Pagpasensyahan mo na si Georgia. Matalas lang ang dila no'n kapag matindi ang stress. Iyong nanay nila ang katakutan mo. Mabait . . . pero nakakatakot." Kumunot ang aking noo. "Ano ang . . . ibig mong sabihin, kuya Boyd?" May awa sa mga mata niya akong tiningnan. "Medyo controlling. Ewan ko lang kung totoo pero . . . may sabi-sabi na kaya nagkagustuhan sina Rocco at Frey kasi laging ipinagtatanggol ni Rocco si Frey sa nanay ni boss. Laging wala noon si Russ sa kanila noong puro pa international flights ang hawak niya. May kaartehan sa pagpili ng mamanugangin si Mrs. Valentino kaya sana kung makaharap mo na siya, tatagan mo ang loob mo. Dahil hindi ka niya tataasan ng boses . . . pero ipamumukha niya sa'yong hindi ka niya gusto para sa anak niya, gaya ng ginawa niya kay Frey. Wala ni isang tattoo sa katawan si Freyja dahil pina-laser niya nang magustuhan ng nanay ni boss kaso hindi sapat na malinis ang balat niya. Ewan ko ba kung anong klaseng tao ba ang gusto ng nanay ni boss para sa mga lalakeng anak niya, pero magpakatotoo ka lang. Mabuting tao ka naman saka mas mahalaga ang nararamdaman ni Russia para sa'yo." Napalunok ako. "S-Salamat." Tumayo ako nang manikip ang dibdib. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng isang basong tubig upang mapawi ang bigat ng kaloobang naramdaman ko. I sighed. Diyos ko. Magkaroon sana ako ng lakas ng loob na harapin ang ibang kapamilya ng lalakeng pinili kong mahalin. Lalo na ang nanay ni Russia . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD