Kabanata 6

1388 Words
Rabiah "Kanina ka pa tulala. Ayos ka lang ba?" tanong ni kuya Boyd sa akin habang nakasandal ako sa counter at yakap ang mop ko. Napansin kong binato ako ni kuya Russia ng tingin habang nag-aayos siya ng design sa computer na nasa loob ng counter. It was just a quick glance but I'm sure his eyes had a glimpse of my worried face. Bumuntonghininga ako saka muling naglampaso. "Ayos lang po. Nag-iisip-isip lang." "May problema ka yata, eh. Pera ba 'yan?" tanong niya ulit. Pinilit kong ngumiti saka ko ibinaling ang tingin ko sa naka-tiles na sahig. "Parang gano'n na nga po." "Hindi bale. Malapit na ulit sumahod, Biah. Pang-enroll ba sana?" Umiling ako. "Hindi po." Muli ko siyang nginitian. "Sabihin na lang po nating kapag panganay, responsibilidad mong iahon sa hirap ang mga magulang at kapatid mo. Iyon ang problema ko. Panganay ako, eh kaya . . . pressured." Narinig namin ang pagbuntonghininga ni kuya Russia. "Typical Filipino mindset," he murmured. Napaismid na lamang si kuya Boyd nang marinig ang sinabi ni kuya Russia bago umalis ng counter. Nang makabalik sa kliyenteng ta-tattoo-an si kuya Russia ay bumaling sa akin si kuya Boyd. "Huwag mo nang pansinin. Iba lang talaga ang prinsipyo niyan pagdating sa breadwinner mindset," aniya. Sinulyapan ko si kuya Russia. "Dahil may kaya naman sila?" "Siguro, pero kahit naman sa may kaya, uso rin ang gano'ng mindset na kapag panganay, sa kanya nakaatang ang responsibilidad na gustong ipasa ng mga magulang. Panganay rin 'yan, kaya inasahang mag-take over sa airline company ng mga Valentino kaya allergic sa breadwinner mindset, rich kid version lang kanya." Napailing-iling ako. "Siguro kung hindi problema ang pera, mas madaling piliin ang passion. Parang siya? Nagagawa niya ang passion niya?" Umismid si kuya Boyd. "Biah, lahat ng tao problema ang pera. Iba-iba lang ng sitwasyon. Pero 'yong mga pinipili ang passion, sila mismo ang nakakaalam na pinakamalaking sugal na ginawa nila sa buhay nila ay ang piliin ang passion nila. Isa pa . . ." Sinulyapan niya si kuya Russia. "Sakit ang naging daan para piliin niya ulit kung ano talaga ang gusto niya. He was desperate to feel something else again other than pain so he turned back to his passion. It was a big risk, but I hope it'll help him heal." "Ano po bang nangyari?" usyoso ko. Payak akong nginitian ni kuya Boyd. "Ang sarap ng lumpiang gulay na gawa mo." Alam ko na ang ibig sabihin no'n. Hindi niya sasagutin ang tanong ko ngunit malakas na ang kutob kong may kinalaman iyong babae sa picture na nakita ko sa CR kung bakit nasaktan si kuya Russia. Ano kayang nangyari? Nakaka-curious naman lalo. Bakit kasi lowkey marites 'tong si kuya Boyd? Napapaisip tuloy ako imbes na sarili ko na lang problema ang iniisip ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis hanggang sa dumating ang lunch break ko. Pumasok ako sa maliit na kitchen area na mayroong mesa at dalawang silya. May isang staff na nagluluto ng pagkain para sa lahat ng empleyado kaya hindi ko problema ang pagkain ko tuwing tanghali. Ngayon nga ay munggo at pork chop ang ulam kaya nanubig kaagad ang bibig ko. Sa sobra yatang gutom dahil hindi na ako nakiagaw sa almusal ng mga kapatid ko ay para akong mauubusan ng pagkain ngayon. Ang lalaki ng subo ko kaya umbok na umbok ang magkabila kong pisngi. May laman pa ang bibig ko nang bumukas ang kulay abong blackout curtain. Nanlaki tuloy sa gulat ang mga mata ko nang makitang si kuya Russia ang pumasok. Parang pati siya ay nagulat dahil napahinto sa paghakbang. Nahihiya naman akong ngumiti habang putok pa ang magkabilang pisngi. "Ka-en po," aya ko. Ewan lang kung naintindihan ba niya dahil puno ang bibig ko. He jerked his head then went to the organizer to get a plate for himself. Kumilos naman ako at sinandukan siya ng kanin kaya napatitig sa akin. Siguro ay hindi inasahang pagsisilbihan ko siya. Naupo siya sa bakanteng upuan. Dahil maliit ang mesa ay halos magtama ang aming mga siko. Malaya ko rin tuloy siyang nalalanghap ngayon. Ang bango talaga! Nagkatinginan kami maya muli akong ngumiti. This time, my cheeks are not that puffy anymore. "Ulam po, kuya," alok ko bago ko inilapit ang mangkok ng munggo sa harap niya. He nodded before he cleared his throat. Ang mga mata ay nakatutok sa sinasandok niyang ulam nang magsalita. "If you need your salary early, let me know." Napaayos ako ng upo. "Ay, hindi po okay lang po." Nilunok ko ang natitirang pagkain sa bibig ko. "Promise, okay lang po na maghintay ng araw ng sahod." Tumango siya. "But in case you need it, tell me." Dinampot niya ang pork chop niya. Maya-maya ay ganoon na lamang ang naging pagwawala ng dibdib ko nang hatiin niya iyon at inilagay ang isang hiwa sa aking plato. Nahihiya akong lumunok. "O-Okay na po ako. May munggo pa po—" "You're so thin for your age. Just eat. I'm not that hungry anyway," putol niya sa aking sinasabi. Uminit ang aking pisngi. Kung sa hiya ba o sa kilig ay hindi ko na matukoy. Siguro akala niya gutom na gutom ako kasi halos mabulunan na ako kanina? Baka nga. I glanced at his handsome face. "Uhm, pasensya na po. H-Hindi lang kasi . . . nakapag-almusal kanina." He looked at me while resting his arm on the table. Magkadikit na ngayon ang aming mga siko ngunit tila wala siyang pakialam. "Why?" he asked. Napakurap ako. "Why po? Bakit hindi ako nakapag-almusal?" Tumango siya nang mahina. "Masyado bang maaga ang oras ng pasok mo?" walang gana niyang tanong. Pinaglapat ko ang mga labi ko saka ako umiling. "Ay, hindi po. Tama lang po. Ano lang." I shifted to my seat. "K-Kulang lang 'yong . . . 'yong pagkain po." Tumaas ang kilay niya. "Then buy more." Nahihiya akong tumungo. "Iyong . . . pera kasi namin, limitado lang. Mahilig kasi magsugal si Mama tapos si Papa naman nauubos ang pera sa inom. 'Yong sobra sa binabayad mo sa'kin kapag bumibili ka ng lumpiang gulay, itinatabi ko para sa . . ." I pursed my lips. Ayaw na sanang ituloy ang pagkikwento dahil parang hindi naman niya kailangang malaman pa ang mga iyon. Umayos siya ng upo. "For what, hmm?" Muli ko siyang tiningnan. "Huwag na. Baka . . . isipin mo masyado po akong ambisyosa." He sighed. "Try me," aniya bago sinubo ang pagkain habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa akin. This time, he seems like he wanted me to see that he's really interested in listening to whatever I was going to tell him. Sandali akong humugot ng malalim na hininga. "Gusto kong . . ." Alanganin ko siyang sinulyapan. "Gusto kong maging p-piloto." Sandali siyang natigilan. Maya-maya ay humugot siya ng hininga't ibinaling na ang tingin sa kanyang pagkain. Para akong nilamon ng hiya. Tama ba ako? Tingin ba niya ay masyadong matayog ang pangarap ko? Itinungo ko ang aking ulo saka na ipinagpatuloy ang pagkain kahit na bigla akong nawalan ng gana. Maging ang aking pagnguya ay bumagal kaya siguro nahalata niyang nalungkot ako na hindi siya kumibo matapos kong sabihin ang pangarap ko. Kuya Russia put his spoon and fork down. "You're gonna need more than what you earn here to pay the tuition fees. Scholarships work, but aviation schools are still expensive even with the help of a scholarship." Napalunok ako habang ang dibdib ay kumirot. "A-Alam ko po—" "Do you wanna learn how to do tattoo?" he suddenly asked. Malamig man ang boses ay wala akong nahimigang kakaiba sa kanyang tanong. His brown eyes seemed sincere when he asked me the question. Ang guwapong mukha ay wala ni isang senyales ng pangmamata. "You'll earn higher if you will do tattoo on people. You can save up faster to pay-off your tuition and other aviation school expenses." He rested his elbows on the table then entwined his fingers. "What do you think?" Napakurap ako. "T-Tuturuan mo p-po ako?" He smirked. The kind of smirk that gives the assurance. "Yeah . . . and I'll let you practice on my skin . . ." Sumandok pa siya ng munggo at inilagay sa aking plato bago ako pinakatitigan sa mga mata. "Now finish your food, Rabiah . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD