CHAPTER THIRTEEN Paglabas na paglabas pa lang ng pintuan ay sobrang tahimik na nilang lima. Nauunang maglakad sa hallway si Lethal kasunod sila Mint at Cent na kanina pa nagtitinginan para magtawanan nang tahimik habang si Margarita naman ay nakayuko lang na sumunod sa likuran ni Lethal at si Alonica na tinapik ako sa braso. “You okay?” she mouthed saka nagsenyas ng thumbs up bilang pagtatanong sa ‘kin. Hindi siguradong tumango ako sa kanya. Required bang manahimik kapag after meeting? Rules din ba nila ‘yon? Pagka sakay namin sa elevator, nang sumara na ang elevator door ay siya namang pagsabog ng mga tawa ni Cent, Mint at Alonica. “Bullshit!” bulalas ni Cent habang tawa pa rin nang tawa. May pagyuko yuko pa nga. “Gusto ko na matawa kanina pa pero ang sama l

