CHAPTER TWELVE Habang nagpapatuloy ang meeting ay panay naman ang nguya ni Mint nang pasimple sa tabi ko. Nakita ko ang tupperware ng chocolates at candy na tinatago niya sa ilalim ng mesa. “You want some?” bulong niya. “Hindi, salamat,” sagot ko sa pinaka mahinang boses, nakakatakot mahuli. First day ko pa naman dito tapos ang lakas na nga ng boses ko sa hallway, mahuhuli pa akong ngumunguya sa meeting? Bad girl yarn? Nakita kong sumesenyas si Cent kay Mint na parang gusto yatang manghingi. Hindi ko na lang sila pinansin pareho. Bago nag umpisa nang pormal ang meeting kanina ay pinakilala muna ni tita Miranda ang mga taong narito sa meeting. Nalaman kong lahat sila ay kaalyansa pala ni Tita Miranda sa politics, at bukod doon lahat sila support sa project na it

