CHAPTER ELEVEN Umalis kami sa pinangyarihan ng lugar matapos dumating ang mga pulis, nakita ko rin na dinala ng ambulansya ‘yung babae. Pero bago pa iyon mangyari ganito ang eksena. Nagtama ang paningin namin ni Lethal, sinenyasan ako nito na pwede na kami bumalik ulit sa sasakyan. Tumango ako at nang pabalik na sana ay nadaan ako sa area kung saan nakatigil ang ambulance. Nakaupo roon ‘yung babae. Nilalapatan ng first aid ang braso niyang duguan habang siya naman ay iyak na nang iyak. “Ano bang nangyayari? Para akong mababaliw! Hindi ko maintindihan ang nangyayari!” rinig kong paulit ulit niyang sigaw. Pinapakalma siya noong mga tao sa medical team ng ambulance pero patuloy lang itong humahagulgol. Nacurious ako. Nilapitan ko siya. She looked familiar though. L

