CHAPTER TEN Monday morning, hindi ako nagising dahil sa alarm clock kundi dahil sa bunganga ni mama. Plano kong magising sana na fresh at good mood kapag tumunog na sa 7 AM ang alarm clock pero si mama winagwag ang mga braso ko at halos kaladkarin ako palayo ng kama. Ngayong araw kasi ay lilipat na ako sa loob ng headquarters na tinatawag nila Tita Miranda, hindi ko lang sure kung saan ‘yon. Manila kaya? Batanes? Jolo? Mamaya ko na lang itatanong sa secretary niya sa opisina. So ayun nga. My god si mama. “Ma, gigising naman talaga ako eh bakit kailangan pa natin madaan sa dahas ang morning ko!” iritableng angal ko kay mama pagka bangon. “Ang aga dumating noong mga kaibigan mo, sinusundo ka na! Kanina pa iyan nandiyan sa sala, ano hindi ka mahihiya sa

