CHAPTER NINE Hinawakan ni Tita Miranda si Margarita sa magkabilang braso saka inalalayan tumayo mula sa sofa. Hindi maalis ang ngisi ni Tita Miranda marahil sa tuwa. “This is Margarita, my woman of gravity,” Pumalakpak ng isang beses si Tita Miranda saka ikinumpas ni Margarita ang kaliwang kamay niya sa ere. Sa sandaling ‘yon biglang bumigat ang pakiramdam ko sa buong katawan ko, lalo na sa mga binti at mga paa ko na parang… ‘yung nangyari kanina lang sa holdapan scene. “Sandali, pinupulikat yata ako, sandali!” Angal ni mama habang nililingon ako para siguro ipahilot ang paa niya. “Ma… hindi ka pinupulikat,” dahan dahan kong sabi sa kanya. “Yes, my friend!” Dugtong ni Tita Miranda saka kinuha ang laptop para ihagis sa ere! “Ay, dios ko! Miranda! Ano ba ‘yan

