Sa maniwala ka o hindi, ang nangyari pagkatapos naming magka-usap saglit noong fire boy ay hinimatay na naman ako! Pero this time hindi na ako nagising sa ospital kundi sa kwarto ko na. Ang sabi ni mama, may mga grupo daw ng babae at lalaki na naghatid sa akin sa bahay. Naka-kotse raw ang mga ito na kanya-kanya. Mukhang anak-mayayaman at parang namukhaan niya raw iyong isa na naging customer na namin sa mamihan. Naisip ko na baka sila iyon na kasama ni fire boy kumain sa mamihan namin noong nakaraan. Inuwi nila ako sa bahay. Sinipat ko nga agad ang buong katawan ko, mula ulo hanggang paa. Lumunok ako, kumurap ng 10 times at naglulundag sa sahig para lang icheck kung buo pa ba ang organs ko? Hindi naman nila ako kinidnap o sinaktan o pinatay. “Ikaw, bata ka, kumain ka sa oras ha! Sasa

