CHAPTER SEVEN Pangatlong araw na ngayon magmula noong eksena namin ni Martina na nakita pa mismo ni tita Miranda, pangatlong araw na pero puno pa rin ng pinaghalong sama ng loob at bigat sa dibdib ang nararamdaman ko. Nasabi ko naman na kay mama ang lahat, inexplain ko bawat detalye habang umiiyak sa kanya na parang batang nagsusumbong sa nanay dahil naagawan ng candy. Actually nahihiya kasi talaga ako dahil sa edad kong 'to ay dapat talaga makatulong na ako sa parent ko, ang dami na naming plano ni mama dahil medyo maganda ang sahod ko doon, isa pa dream job ko talaga 'yon... pakiramdam ko abot kamay ko na pero nabitawan ko pa. Marami talagang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Gabi gabi kong iniiyakan tapos kapag umaga na ay hindi ko na

