CHAPTER SIXTEEN Pagkalapit namin kila Margarita, Cent, Mint at Alonica ay huminto si Lethal para may kuhanin sa mismong bulsa ng jeans niya. Halos magningning ang mga mata ko nang makitang inaabot niya sa akin ang phone ko! "Iupload mo na 'yung video ng encounter kanina kasama si Mint, bago pa maunang magtrending 'yung mga video ng ibang nakakita. Mas mabuti ng maunang magtrend 'yung video na galing sa 'yo, sigurado tayo sa caption at opinyon na pwedeng maka impluwensya sa mga makakanood. Ikaw na ang bahala." Masayang nag thumbs up ako sa kanya. Namiss ko ang cellphone ko, my gulay! "Go, Marikit," mahinang pag cheer up sa akin ni Margarita habang nakangiti at bahagyang itinataas ang kamao. Nag smile ako sa kanya. Napansin kong nanatiling tahimik sila Alonica, Cent,

