CHAPTER SEVENTEEN Pagdating namin sa mall, hindi kami basta basta dumiretso kung nasaan sila Mint, Margarita, Alonica at Cent. Pero nagulat ako at halos mapalundag kung saan ako dinala ni Lethal! "Bibili tayo ng camera na palagi mong gagamitin sa pagvideo at pagpicture." ngumiti siya sa 'kin nang makita ang gulat at pigil na saya sa ekspresyon ko. Oh my gosh?! "Reporter lang ang gusto mo pero mukhang dapat aralin mo na rin mag photography," Wala akong masabi sa pagka mahal mahal ng pinili namin na camera! "Let's try taking a pic," ani Lethal saka nagulat na lang ako na lumapit siya sa 'kin para ngumiti at kumuha ng litrato naming dalawa sa hawak na kamera. "Hindi man lang ako nakangiti diyan," angal ko. "Sa 'yo naman 'to, pwede mong ngitian magdamag," aniya na i

