CHAPTER 50 PAGLIKO ko sa hallway papuntang elevator ay halos mapatalon ako sa gulat nang makakita ng ibang taong malapit roon, nakasandal ito sa pader at pasensyosong naghihintay sa kung ano man. “My god, nagulat naman ako sa ‘yo!” bulalas ko saka inirapan ito. Si Wayne ‘yon. Madalas kasi walang tao sa hallway at mas marami sa lounge o second floor. Kung may makikita ka mang palakad lakad sa mga pasilyo rito, eh mga guard naman ‘yon. Pero sa ganitong oras? Talagang magugulat ka na lang lalo na at naka suot pa naman ito ng laboratory coat na kulay puti. “Right on time,” nakangiting sabi niya matapos sipatin ang suot na relo sa palapulsuhan. “Balak ko na sanang guluhin ka sa kwarto mo kapag hindi pa kita nakita dito ng ganitong oras. ‘Di ko sana titigilan ‘yung doorbell.” Tuloy tuloy na

