CHAPTER 51 Sakto lang na ganoon ang naisip kong idahilan dahil pakiramdam ko malapit na bumingo si Wayne. At kung ako naman ang papagalitan niya, okay lang, pero hindi naman niya ako mapaparusahan hindi ba? Nasabi sa ‘kin ni Lethal noon na sa lahat ng narito sa Headquarters, ako lang ang bukod tangi. Ang trato lang sa ‘kin ang bukod tangi siguro dahil hindi nila hawak ang leeg ko at pwede kong magawa ang lahat ng gustuhin ko. Nang walang kumokontrol sa ‘kin. Kaya rin siguro sa ‘kin lumalapit sila Wayne, Nico at Jett. Hindi ko na narinig magsalita si Wayne pagkatapos noong mga pinagsasabi ko. Kahit ako siguro kung nasa sitwasyon niya ako, siguro hindi ko rin alam irereact ko. Nagkaroon ka ng instant ka mutual understanding. Pero kay Sean, mukhang very effective naman, I love it! NAG UM

