| S I M U L A | - Yuvie Vellarama
SOMEONE'S POV
NAALIMPUNGATAN AKO dahil sa sigaw ng t*kmol kong pinsan. Aba't ang g*go ang aga-aga napagala.
"Codieee! Yoooooh! Are you here Bro?" Sigaw na tawag nito sa labas ng kwarto ko.
Dahil sa antok pa nga ako, hindi ko ito pinansin. Kaya for sure magmumukha yang t*nga kasisigaw.
'Tsk! Mapapagod rin yan.' Anang ko sa'king isipan.
Nang maramdaman kung tumahimik na yung bumbero este yung pinsan ko. Ay s'yang pagsilay ng ngiti ko sa labi habang nakahiga't nakapikat ang mga mata. Ngunit 'yon na lamang ang pagkakagulat ko ng may kamay na humila sa dalawa kung paa, ang masakit pa non pinaghiwalay n'ya pa itong hilain. Kaya wala sa oras na napasigaw ako.
"P*taaaaaaaaaaaa!" Sigaw ko habang yung humila sa paa ko tuwang-tuwa. Ta*na! Kung di ko lang pinsan to, sementeryo talaga uuwian nito.
"Hahaha! Ta*nang mukha yan! Effect Bro ah?" Natatawa nitong usal ng binitawan na nito yung paa ko.
Bw*sit yan! Mukha tuloy akong asong nilalandi dahil sa pustura ng hita kung nakabukaka.
"Bw*sit kang g*go ka! Bakit ka ba naririto?" Anang ko't inaayos ang sarili. Pero ang t*kmol hindi pa rin nakaka-get over sa nangyari.
"Hahaha, A-ano kasi. Hahaha, A-ano ma-" hindi na nito natapos yung sasabihin ng binato ko ito ng bola. Kaya ayon sure ball sa mukha nitong hito.
"Ano tatawa ka na lang ba d'yan?" Inis kung usal at tumayo na kahit gustong-gusto ko pang matulog.
Kung nagtataka kayo kung bakit na bato ko ito ng bola, kasi nasa may ilalim lang naman yun ng kama ko. T'wing gabi nilalaro ko ito. Kung kaya alam ko kung saan yun kukunin at hindi lang yun nag-iisa.
"Okay, ito na totoo na. Kanina ka pa hinahanap sa'kin ni Zeny at yung 5 others. Bakit kasi hindi muna lang panghihiwalayan lahat yun, pati tuloy ako kinugulo." Lungkot-lungkotan nitong saad.
"Tsk! Parang hindi ka nakinabang? Naalala ko pa nga, diba busog na busog ka sa libre?" Ngisi kung sagot at tingin rito.
Kaya mukha rin itong psycho ng tignan ako. Siraulo talaga!
"Ay hindi Bro, hindi talaga yun yung pinunta ko rito kasi sa-" hindi na nito ulit natapos yung sasabihin ko ng sumingit ako.
"Abnormal ka talaga! Chupeee.. ka muna. Maliligo lang ako, hintayin muna lang ako sa baba." At dali-dali na akong pumasok sa loob ng banyo ko. Isang sigaw ang s'yang ikinatawa ko.
"Cod, kahit tulo lamay ka, ang pogi-pogi mo pa rin. Why naman ganonnn?" Natatawa na may pag-kahangang pagkakasabi nito. Hanggang sa narinig ko na lamang ang tunog ng pagsara ng pinto ko.
Tsk! Siraulo talaga! Ay oo nga pala hindi pa pala ako nagpapakilala.
My full name is Yuvie Zade Jumahan Vellarama pero sa iba Yuvie Vellarama lang ang alam nila, dahil sa personal reason a.k.a Cod, but in a battle ground I'm Codie 22 years old. I am a boy este lesbian pala. Pero sa birth certificate ko male ang nakalagay personal reason rin ito kung bakit. About sa buhay ko, siguro abangan n'yo na lang, dahil hindi ganon kadali ikwento ang lahat. And that Hito man disturb my peaceful sleep is Kram Raner Vellarama ang siraulo kung pinsan s***h sekret na lang muna kung ano man yun.
Sige na, maliligo muna ako.
FAST FORWARD.....
YUVIE ZADE VELLARAMA POV
"Hi! Hon?" Ngiting paghalik ni Chery sa'kin pagkababa ko galing sa'king silid.
"Kanina pa ako naghihintay sa'yo, 'di lang ako sinabihan ni Yogs na naliligo ka, papasokin na sana kita." Tampo nitong amin. Ayiii., ang sweet naman talaga ng honeybie ko. Kaya bigla ko 'tong hinalikan ng smack sa labi nitong mapula-pula sabay yakap.
"Hon, wala ka namang sandata e. Paano mo ako mapapasok n'yan?" Pilosopo kung usal kaya isang kurot sa tagiliran ang aking naramdaman.
"Ikaw, ang pilosopo mo talaga. Hmp!" Asik nito sabay pumunta sa may kusina. Sinundan ko naman ito habang nagkukunwari na nasasaktan.
"Ouch! Sakit non Hon ah? Totoo naman e. Bakit ba ang highblood mo? Hindi muna man ata red days ngayon." Sabay upo ko sa tabing upuan nito. Kung kaya kurot na naman natanggap ko.
"Arayyy, Honnn naman e! Namumuro ka na, ang tulis ng kuku mo. Na nanakit ka-" hindi ko na natapos sasabihin ko ng subuan ako nito ng tinapay. Mapanaket talaga noh?
"Tumigil kana d'yan, parang ang lalim ng pagkukurot ko. Psh!" Smirk nito sabay subo na rin ng kanin.
"Minsan talaga hindi ko na alam kung hotel ba tong bahay ni Tiya o motel. Ang aga ng PDA e. Hiyang-hiya mata ko." Pagrereklamo ni Yogs sa harapan ko. Ta*na! Nandito pa pala ito?
"Oyyy, nandito ka pa pala Bro?" Inosente kung sagot sa sinabi nito.
"Oyyy..., wala bro, picture ko lang to picture. Ako na nahiya." Smirk nito't umalis na sa habag.
"Aaah, picture lang pala. Bakit nag sasalita?" Wala sa sarili kung tanong. Dahil sa sinabi ko, kinurot na naman ako ng girlfriend ko.
"Honeyyy naman e. Pag red days, red days lang walang kurutan." Dahil sa sinabi ko umusok yung ilong nito. Kaya wala sa alas kwartong tumakbo ako sa kinaroroonan ni Yogs.
For sure mangungurot na naman yun e. Pero thank you sa gwapo kung mukha ayon tinagusan ito kung kaya nakakatakot na tingin ang ibaling nito sa'kin bago pumunta sa itaas ng bahay. Haha
Nang makita kung masama yung tingin ni Yogs sa'kin, ay s'yang ginaya ko rin yung ginawa n'ya. Ilang minuto din ng ito ang unang umiwas ng tingin.
"Siraulo." Asik nito na akala mo diko narinig. Bago pa masira ang umaga ay nagtanong na ako rito.
"Ano pala yung sasabihin mo sa'kin kanina?" Sabay punta ko sa kusina, kumuha ng gatas kasi ayaw ko ng kape because ayaw ko lang at tinapay, 8 o'clock pa naman e.
Pagbalik ko sa living room kung paano ito tumitig kanina ay s'yang ganito ulit ngayon. Kaya sa inis, ginaya ko rin s'ya. Hanggang sa paltusan n'ya noo ko.
"P*takte! Ang sakit ah?" Inis kung himas sa noo kung napiktusan.
"Siraulo ka e. Magtatanong tapos aalis. Bastos lang?" Asik nito. Sabay kain.
Kanina pa ito kumakain pero hanggang ngayon hindi pa nauubos yung kinakain nito. Tsk! Paano isang oras pa atang nagdarasal.
"Eh, ginagaya lang kita. Tsk! Ano nga sasabihin mo?" Pang-uulit ko sa tanong ko rito. Sabay higop at kagat ng tinapay. Nang tignan ko yung t*kmol mukhang tanga lumunok-lunok pa. Anyari dito?
"HOYY! " Sigaw ko, baka na stroke na e. Patay ako kay Tiya.
"Ta*na! H'wag kang iinom at kakain." Mabilis na sagot nito. Kaya nagtatakang tingin ang ibinaling ko rito.
"Kasihakakaoalalgajajallal-" tuloy-tuloy na sinabi nito na wala akong naintindihan.
"Whattttt?" Tanong ko ng diko maintindihan. Inis na rin ang s'yang nakaplaster sa mukha ko. Kaya bago pa sumabog muli yung Mt. Pinatubo ay nasagot na nito yung bagay na gusto kung malaman.
"Kasi Bro, sa liga syempre diba may basketball. Kung kaya yung team VellaMan may laban, dahil sa-" hindi na natapos nito yung sasabihin ng sumingit ako.
"Ah, okay. Ayon lang pala sasabihin mo. Akala ko na kung ano. You know sinira mo yung tu-" hindi ko natapos sasabihin ko ng sumingit ito.
"Ang sarap pala sa feeling ng sumisingit." sabay smirk nito sa'kin at umalis sa sopa.
"Ny*ta! Kang t*kmol ka!" Inis kung sigaw pero ang t*kmol dinilaan lang ako.
Minsan napapa-isip ako, kung pinsan ko ba yung g*gong yun. Ang galing manira ng araw e. Makayaya nga kay honeybie ko makapag-date or sa 5 others. P*steng hitong yun kasi panira.
Pero bago ako umalis sa upuan syempre inubos ko muna yung gatas at tinapay ko at iniisip yung sinabi ni Hito.
Kung kami ang lalaban sa liga, sino yung makakalaban namin?