mystery
Chapter 1
Disyembre 5,1752
Pocision!Nakagapos ang mga kamay sa magkabilang kahoy,duguan din siya dahil sa paghagupit sa kanya.Nakatutuok na ang baril ng mga ito sa kanya at naghihintay na lang ng utos ang mga gwardiya-sibil.
Mi familia no es traidora! nanggigil siya habang isinisigaw ito.Maraming mga katutubo ang nakikisimpatya sa kanya. Kilala ang pamilya niya sa kanilang bayan bilang isang mapagkawang-gawa. Nais man siyang tulungan ng mga ito wala silang magagawa sa armas ng kalaban. dalawang daang taon ng naririto ang mga mananakop dito sa bayan ng Sta.Inez.
Sa nakalipas na mga taon tahimik ang bayan hanggang sa dumating ang bagong gobernador-cillo.Si Marco Andrade Y Agoncillo isang malupit at sakim na espanyol.
Inalisan ng karapatan ang mga katutubo sa kanilang mga lupain at nagpatong ng malaking buwis sa kanila.Ang hindi sumunod ay pahihirapan at ilalagay sa piitan.Usap-usapan ang pakikipagkita dito ni Don Ronaldo Jiminez Y Tagle ang pinakamatalik na amigo ng namayapang ama na si Don Juan De Cordova Y Legarda.
Kalat ang usapan na nakipagkasundo ito laban sa kanyang ama. Dito na ba magwawakas ang lahat?
Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata para harapin ang katapusan. Nanangis ang mga kababaihan at ang mga kalalakihan ay punong puno ng poot at pagkamuhi sa sarili sapagkat wala silang sapat na kakayahan para harapin ang armas ng mga dayuhan at iligtas ang ginoo.
Pati ang kalangitan ay dumilim at nagngangalit. Nakikiayon sa pait na kanyang dadanasin.Dumadagundong ang kulog at matalim na kidlat tila nagbabadya sa paparating na unos.
Don Uno Gabrielle
De Cordova Y Alonzo Este es tu final!Tapusin!Nagpaputok ang mga ito ng baril. Nagmulat siya ng mga mata at mapait na ngumiti palapit na sa katapusan ng lahat.
Gabrielle hijo...hindi rito magtatapos Ang buhay mo..mamuhay ka ng payapa sa makabagong panahon.Masusumpungan mo ang katotohanan sa tamang panahon. Mi abuela...dumaloy ang butil ng lupa sa kanyang mga mata.
Kasabay ng mga paparating na bala ng bala ng baril at nakakasindak na pagguhit ng kidlat sa kalangitan ang paglaho ng bihag.
Nasaan....saan hahagilapin ang nilalang na di masumpungan. Nabalot ng hiwaga at takot para sa iba ang kakaibang pangyayari.
Uso majika negra!!hijo de diablo!nahihintakutang turan ng guwardiya sibil.
Taong dalawang libo dalawamput dalawa, ika-lima ng disyembre.
Isabella raised her two arms and massage the back of her neck. Kakatapos niyang gawin ang lesson plan niya for tomorrow. Hay sa wakas natapos ka rin....hehe nakangiti siya habang nakapikit ang mga mata.
Madalas siyang maiwan dito sa paaralaan kung saan siya nagtuturo. Sa lungsod siya nagtapos ngunit pinili niyang dito magturo sa probinsya.
Ewan ba niya kung bakit sa paaralaang ito niya napiling magturo.Hindi rin niya maintidihan at maipaliwanag. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang nanay Fely.
Bella napatawag ka...teka kumain ka bang bata ka?tanong nito sa kabilang linya.Napangiti siya miss na niya ang mga ito lalo na ang kapatid na si Ellie.
Ng mamatay ang mga magulang niya sa isang malagim na aksidente ay kinukop siya ni nanay Fely at itinuring na parang sariling anak.
Ang mga ito na lang ang natitira niyang pamilya.Tanging siya na lang ang buhay sa angkan niya.Lumuwas sila noon ng Maynila para doon magsimula at iniwan ang bayang ito na ngayo'y binalikan niyang muli. Pakiusap Bella wag ka ng babalik sa bayan ng Sta.Ynez.Hindi niya alam kung bakit ayaw na ayaw ni nanay Fely na bumalik pa rito.
Bali-balita sa bayan ang hiwagang nangyayari daw dito lalo na sa lumang bahay ng pamilya De Cordova.Tumingin siya sa iginuhit na larawan sa opisina nilang mga guro. Ang larawan ni Don Uno Gabrielle De Cordova Y Alonzo.
Ito ang nagbigay ng lupang kinatitirikan ng paaralang ito. Makikita sa larawan ang aristokratang lalaki.Bahagya itong nakangiti pero makikita ang awtoridad sa aura nito. Ngayon lang niya ito napagmasdang mabuti .Medyo malago ang itim na itim nitong buhok na binagayan ng makakapal nitong mga kilay at ang mga seryosong mga mata nito na talagang nakakahipnotismo,matangos ang ilong at mapupulang labi higit sa lahat yong dimples nito sa pinsgi na bumagay dito. Bella...andiyan ka pa ba? napukaw ang isip niya ng magsalita si nanay Fely.
Opo nay....kumusta na po si Ellie? tanong niya.
Maayos naman siya at lagi ka niyang tinatanong....
Pakisabi nay ayos lang si ate ...huwag siyang mag-alala malapit na ang dalawang linggong christmas vacation ko at uuwi ako diyan magkakasama tayo excited niyang sabi.
Naku tiyak matutuwa ang kapatid mo.... Siyempre po.
Nakuha niyo na po ba ang padala ko?
Oo nak salamat pero di mo na kailangang gawin yan may tindahan naman tayo dito wika ng nanay niya.
Kulang pa yan nay sa lahat ng kabutihan niyo sa'kin...
Anak alam mong mahal ko kayong dala ng kapatid mo..
Mahal ko rin po kayo nay...pano po ibababa ko na po at uuwi na ako ingat kayo..
Ikaw ang mag-ingat diyan anak...
Opo nay..pinatay na niya ang tawag at tumayo kinuha ang folder at bag niya. Madilim ang kalangitan.Kumukulog at biglang kumidlat.
Hay naku po!eto na nga uuwi na!lumingon ulit siya sa larawan....
Alam mo gwapo ka pala....sana matahimik na ang kaluluwa mo...biglang kumidlat ng malakas.
Lagot!nagmadali na siya at pinatay ang ilaw. Medyo may kadiliman sa hallway.Si manong guard pa naman ay nasa baba.Magisa lang siya dito sa ikalawang palapag at LED light lang ang gamit.
Walang multo ok?!hindi sila totoo!kinakabahan na siya habang naglalakad medyo matatakutin pa naman siya.Bakit pa kasi siya nagpagabi haissst.
Waaaahh!meeeeoooow!!!
Muning naman!kung saan saan ka naman sumusulpot!tinakot mo ako don ah?!hawak niya ang dibdib.
Meeeeeowww!?tumalon ulit ang pusa. Nagpatuloy siya sa paglalakad malapit na siya sa hagdan.
Hmmmmm........tumigil siya sa tapat ng kanyang classroom.
Ano yon....?tanong niya at nanayo ang balahibo sa katawan.
Aaaah.......daing nito at parang nahihirapan....
Hala!multo!susmaryosep!napakrus sign tuloy siya ng wala sa oras. May kalumaan na ang paaralang ito pero narenovate kaya maganda na ang gusali.
Hmmmm....narinig niys ulit ito at mukhang lalaki ang may-ari ng boses.
Hello.... ?may tao ba diyan ?huwag mo na akong takutin dahil takot na takot na ako! Nilakasan niya ang loob at dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto.
Nanay ko po....!biglang gumuhit ang matalim na kidlat.Binuksan niya ang ilaw kailangan na niyang magmadali at baka abutan siya ng malakas na ulan. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang duguang lalaki na nakahandusay sa sahig.
Nakadapa ito at kita niya ang mukha nito. Teka....parang pamilyar sa kanya ang guwapong mukha nito saan na nga ba niya ito nakita... ?ay naku mamaya ka na mag-isip!kausap niya sa sarili.
This guy really need her help.Tumakbo siya palapit dito at kita niya ang mga galos at sugat sa likod nito.
T-teka mister.......anong nangyari sa'yo at bakit nandito ka sa silid aralan?hay naku po!Nakapikit pa rin ito...Pano kung mamatay ito baka mapagkamalan pa siyang pumatay dito.
Hindi!tumayo siya kailangan niyang humingi ng tulong at madala ito sa hospital. Tumakbo siya pababa para hanapin ang guard malas wala si manong guard sa labas san kaya ito nagsuot.
Tumakbo siya pabalik sa loob.
Pano kita mabubuhat ang laki laki mo!problemado siya tumawag na lang ata siya ng ambulansiya.
Tama yong ang pinakamaganda niyang gawin!Tatawag ba siya ng magsalita ito. N-nasaan ako....?binibini....maari mo bang sabihin kung nasaan ako ngayon...?ahhhh....nagmulat ito ng mga mata at matiim na nakatitig sa kanya.
N-nasa pampublikong paaralan ka ng Sta.Ynez sagot niya.
Sandali....kaya mo bang tumayo?kailangan mong madala sa ospital sugatan ka.....nag-aalalang tanong niya dito.Lumapit siya at tinulungan itong makatayo.
Sta Ynez?paaralan?nagtataka nitong tanong.
Oo sagot niya at inalalayan ito makababa ng hagdan.Pansin niyang makaluma ang kasuotan nitong kahit punit na ay mapapansin pa rin.
Galing ka ba sa custome play mister?ano ba kasing nangyari sa'yo?tanong niya. Para itong naninibago at sinusuri ang paligid... Kahit mabigat ay kinaya niya itong alalayan at isinakay sa kanyang kotse. Nakayapak lang ito.Isinandal niya ito sa backseat ng kotse.
A-ano ang karwahe na ito..?.kakaiba...nabagbaghang tanong nito....
Hoy mister kotse ito haler di mo alam ang kotse?nasa makabagong panahon na tayo.Nabagok ba ang ulo mo at wala kang maalala?
Panahon.....Nagsimula na siyang magmaneho patungo sa pinakamalapit na hospital.Umuulan na rin sa labas.Tinitignan niya ang mukha nito.Nakapikit ito at mukhang nakatulog.....saan ko na nga ba nakita ang mukha nito?sigurado siya nakita ba niya ito.
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng maalala ang itsura ng lalaki!tama!ito nga yon!hindi siya maaaring magkamali!
Hala!napatutop siya ng bibig!ito yong guwapong lalaki sa larawan!!o baka kamukha lang nito pero magkamukha sila ni Uno Gabrielle de Cordova!