remaining time

921 Words
Chapter 20. Nagmulat siya ng mga mata....nasa madilim siyang kagubatan.Unti-unti siyang tumayo.Hmmmm.....madalas ang kanyang pagbabalik sa kanyang panahon.Naglakad siya palabas ng kagubatan na naging saksi ng kanyang kabataan.Dito siya madalas magtago sa mga tagasilbi ng ama. Pamalo naman ang kapalit ng kanyang kapilyuhan.Napangiti siya ng maalala ang mga pangyayaring iyon ng kanyang buhay. Agad siyang nagkubli ng makita ang paparating na karwahe.Maraming mga kasamang mga gwardiya sibil.Hindi siya maaring magkamali....ito ang gobernador-cillo ng kanilang bayan.Ang puno't dulo ng lahat ng pagdurusa at pighati sa pagitan ng dalawang pamilya. Sinundan niya kung saan ito patungo.Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang paroroon ito sa kanilang tahanan. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang sinusundan ang mga ito. Bumaba ito at may dalang baril kasama ang mga tauhan ng marating nito ang tahanan nila.Pinagbuksan sila ni Theodoro ng pintuan. Donde esta el joven pecador?Where is the sinful young man? Ikinalulungkot ko po subalit wala po Dito Ang inyong hinahanap.Matagal na pong nawawala ang Senyorito Gabrielle. Te atreves!hulihin ang mga taong ito. Nagtatago sila ng isang makasalanang tao!halughugin ang buong casa!utos nito Si!sigaw ng mga tauhan.Walang nagawa ang mga taga-silbi ng pumasok ang mga ito.Nakakubli siya sa madilim na bahagi.Nakita siya ni Theodoro.Umiling ito tanda na ayaw nitong lumantad siya. Walang nakita ang mga dayuhan sa loob ng casa.Galit na galit si Agoncillo at ipinadakip ang mga tagasilbi. Dalhin sila sa bayan at parusahan!sigaw nito. Tumakbo siya sa loob ng kabahayan at kinuha ang kanyang baril.Sumakay siya sa kabayo at mabilis na pinatakbo ito. Bumaba siya at itinali ang kabayo sa di kalayuan. Mula sa kanyang pinagkukublihan ay tanaw ang ginagawang paghagupit sa kanyang mga tagasilbi.Naroon din si Legazpi ang kanang kamay nito.Mga bata at matatanda ay hindi pinatawad ng mga dayuhang malupit.Maririnig ang panangis at hinagpis ng mga ito. Hinigpitan niya ang kapit sa baril.Dahan-dahan niyang kinalabit ang gatilyo.Tinamaan Ang Isang guwardiya.Nagsigawan ang mga tao at kanya-kanya silang takbo para iligtas ang sarili.Maliban sa mga kawawang tagasilbi ng kanyang pamilya na nakagapos. Muli niyang kinalabit ang gatilyo ay dalawa sa mga guwardiya ang bumagsak.Galit na kinuha ni Agoncillo ang baril at itinutok ito Kay Theodoro.Gabrielle de Cordova Y Alonzo!sigaw nito.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa baril Ayaw niyang mapahamak ang mga taong tapat na nagsilbi sa kanila. Ipinikit niya ang mga mata at huminga ng malalim.Huwag Senyorito...!pakiusap huwag mo kaming alalahanin sigaw ni Theodoro.Senyorito....tumatangis ang iba sa kanila at pinipigilan siyang lumantad. Gabrielle ....!lumabas ka na!sigaw ni Legazpi. Lumitaw siya mula sa kanyang kinaroroonan.Humalakhak ang dalawang dayuhan ng makita siya.Totoo nga at buhay ka pa?!At nakasuot ka pa ng dayuhang kasuotan? Ibinaba niya ang baril sa lupa.Senyorito....lumuluhang tangis ni Theodoro.Pakawalan niyo sila ako ang nais niyo.....Sumenyas ang gobernador sa mga guwardiya at pinakawalan ang mga bihag.Pinukpok siya ng baril at nawalan siya ng malay . Paggising niya ay nasa loob na siya ng isang silid. Sabihin mo nga sa'kin Gabrielle ,estas usando magia negra?gumagamit ka ba ng itim na mahika?tanong ni Agoncillo. No...i'm not using anything....sagot niya. Anong banyagang salita ang iyong winika?bumulong si Legazpi.Wikang Ingles?saan ka natuto?nagtungo ka ba sa Amerika?tanong nito. Nakagapos sa kadena ang kanyang mga paa. Hindi siya sumagot.Ang lakas ng loob mong kalabanin ang katulad ko...sabihin mo kagagawan mo ang mga pagpaslang sa mga guwardiya hindi ba?tanong nito. Ang ulat ay isang lalaking nasa edad beinte ang dayuhang iyon.Ikaw yon hindi ba? Bakit...ikaw ba ay labis ng nakakaramdam ng sindak?balik-tanong niya.Isa kang pangahas!pahirapan ang tonto!uto nito.Hinampas siya ng latigo at muli naranasan niya ang kalapastanganan ng mga ito.Ahhh....malalim ang kanyang hininga at hingal na hingal.Nanghihina na siya sa ginawang kalupitan sa kanya.Unti-unting nanlalabo ang kanyang paningin kasabay ng pagbasak ng luha sa kanyang mga mata.Bago siya nawalan ng malay nakangiting mukha ni Isabella ang kanyang nasilayan. Lumipas na ang dalawang linggo at wala pa rin si Gabrielle.Natatakot na siya.Hindi niya alam kung ano ng nangyari sa binata.Halos hindi siya nagkakakain. Kaya pinasundo ni Harvey si nanay Fely at Ellie.Tatagan mo ang loob mo Isabella.Sa tingin mo ba ay matutuwa si Gabrielle kung makikita ka niyang ganito?tanong ni nanay Fely. Nay .....lumuluhang yumakap siya sa matanda. Kailangan mong maging matapang. Para sa kanya at para sa'yo..kumain ka kahit konti ipinagluto ka pa ni Celia kaya huwag kang tatanggi.Tumango siya at pilit sumubo sa sopas. Ano...?biglang naglaho ang tampalasan?!galit na sigaw ni Agoncillo.Halughugin ang buong bayan at kagubatan at palibutan ang casa...!sigaw niya sa mga tauhan. Ahhh....masakit ang buong katawan niya at hindi siya makakilos.May kaluskos at yabag siyang naririnig.Pinikit niya ang kanyang mga mata. Mukha ng nag-aalalang si Isabella ang namulatan niya.Hmmmm.....gising ka na?may masakit ba sa'yo?sabihin mo sunod-sunod Ang tanong nito. Nakatagilid siya at puno ng benda ang kanyang katawan.Nagpunas ito ng mga luha.B-bakit ka umiiyak?hinaplos niya ang luhaang pisngi nito. Nangyari na ito dati noong una kitang makita.Sabihin mo pinahirapan ka nanaman nila?hmmm...bahagya siyang tumango.Madalas na ang kusang paglalaho ko at pagpapalipat-lipat sa magkabilang panahon ng hindi gumagamit ng orasan at sikretong silid. Ito ang kabayaran ng aking kapusukan at mga kasalanan nagawa. Hinawakan ng binata ang kanyang mga kamay.Ano man ang mangyari....lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mamahalin ko habangbuhay. Wala akong ibang nais kundi maging masaya ka...makahanap ng lalaking magmamahal sa'yo ng tapat,magkaroon at bumuo ng sarili mong pamilya... Ano bang sinasabi mo?!maghihintay ako sa pagbabalik mo kahit walang kasiguruhan.Ikaw lang ang mamahalin ko Gabrielle wala ng iba.Kaya huwag na huwag mong sasabihin ang mga bagay na yan. Patawad....Hindi ko sinasadya.....tinakpan nito ang labi niya gamit ang hintuturo.Gusto kong sulitin pa ang mga panahong nalalabi sa atin habang may panahon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD