Curiosity

1458 Words
Chapter 3. Ipinasok niya ang mga pinamili sa kusina at iniwan sa sala ang mga damit na binili niya para sa lalaki. Pumasok siya sa loob ng kanyang silid kung nasaan ito. Ay maligno!!!!naku kung ganito ka kagwapong maligno o lamang lupa ka ok lang patayin mo ako sarap wag sa takot waaah!!!sigaw niya. Nagulat siya ng pagkabukas niya ng pinto ay nakatayo ito harapan niya. Matiim itong nakatitig sa kanya na para bang kinikilala siya nito. Tikom ang mapupulang mga labi nito at salubong ang mga kilay habang hawak ay kamay na benda. Ngayon lamang ako nakakita ng magaslaw na binibining katulad mo...nababahaghang wika ng binata. At ang pananamit mo.....kakaiba....napakaekasdalonsa binibini nakangiwi na ito ngayon. Hoy mister!Anong masama sa suot ko aber?uniporme ko ito bilang guro at sinipat ang sarili.Maayos naman ang suot niya isa pa slack pants naman ang suot niya. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Makabagong panahon anong gusto mo magsuot ako ng Maria Clarang damit ganon ba?!mataray niyang tanong. Hay ang mga kabataan nga naman ngayon! ngayon!Buti at gising ka na ilang araw ka ng tulog dito sa bahay ko nakataas kilay na sabi niya rito. Makabagong panahon?araw?nagtatakang tanong nito. Buti pa bumalik ka sa higaan at magpahinga ka muna gagawa ako hapunan para makakain ka mamaya na tayo mag-usap. Tinalikuran niya ito at nagtungo sa kusina. Laking pagtataka ng binata sa nakikita sa apat na sulok ng silid. Kakaiba ang mga kagamitan ng babae maski ang mga palamuti nito.Ang ilaw ay kakaiba sa lamparang ilaw na mayroon sila. Ang mga gamit nito sa panulat ay kakaiba din sa tintang kanilang ginagamit. Ipinikit niya ang mga mata..pinipilit alalahanin ang naganap na pangyayari at wala siyang maalala. Hanggang unti-unting lumitaw ang mga larawan sa isip kung saan hahatulan siya ng kamatayan ang pinakamadalim na tagpo ng kanyang buhay. Maraming alalahanin at katanungan sa isip niya...bakit nananatili pa rin siyang buhay. Sandali......ahhhhh....sumakit ang ulo niya ng maalala ang tagpong binaril siya ng mga gwardiya sibil ay hindi niya naramdamang bumaon sa katawan ang bala at wala ng siyang maalala bukod doon. Marahil ngayon at pinaghahanap na siya ng mga ito.Nasaan ba siya ngayon at sino ang kakaibang babae na tumulong sa kanya. Tapos na siyang magluto ng sinigang na baboy .Naghain na siya at naghiwa ng prutas at naglagay ng kanin.Sigurado siyang gutom na ang lalaki. Lumabas siya ng kusina at tinungo ang kanyang silid. Naabutan niyang nakaupo ang lalaki at mukhang malalim ang iniisip. Lumabas ka muna kain na tayo aya niya dito.Ewan ba hindi niya na pa Kilala ang lalaki maski pangalan pero palagay ang loob niya rito. Nauna na siya at sumunod ito. Nagtataka ito sa suot.Napabungisngis siya. Nilingon niya ang lalaki.Pasensya ka na wala kasi akong ibang damit na pwedeng ipasuot sa'yo paliwanag niya rito. Nagsusuot ka ng panlalaking kasuotan?Dios MiO!que clase de mujer es esta?(Anong klaseng babae ito?) bulong nito. Anong bang binubulong mo diyan?,tagalogin mo pwede?Teka nga may lahi ka bang foreigner?tanong niya dito. Sumenyas siyang umupo na ito. Foreigner?,ibig mo bang sabihin ay banyaga?tanong nito. Oo bakit?you always keep on talking spanish words and I don't understand it. Nagulat ata ang binata.Tumingin ito sa kanya at tinitigan siyang mabuti. Ikaw.....napahusay mo sa pagsasalita ng wikang ingles...pano ka natuto?tanong nito. Haler halos lahat naman ng kababaihan ngayon marunong kahit basic English lang...Maya na tayo mag-usap at marami akong itatanong sa'yo..Tumayo siya at tinungo ang refrigerator.Binuksan niya ito at kumuha ng malamig na tubig. Binibini.....kakaiba ang lagayan mo ng tubig at nakakahanga malamig na ito.....namamanghang turan nito. Kanina pa siya nahihiwagaan sa isang to. ..natural ref yan ..wala ba nito sa bundok?saang lupalop ka ba ng mundo ka nanggaling at marami kang hindi alam?nagkakamot na tanong niya. Paumanhin ngayon lang kasi ako nakakita ng mga ganyang bagay.... Medyo nakaramdam siya ng awa dito baka wala lang itong maalala kaya intindihin ko na lang sabi niya sa sarili. Pinagmamasdan niya ang dalagang walang kiyimi sa pagkain.Medyo malakas itong kumain. Pero hanga siya sa galing nitong magluto napakasarap ng sabaw at maasim-asim . Ginanahan siyang kumain pakiramdam niya ilang daang taon siyang hindi nakakain. Gusto siyang tulungan ng lalake sa pagliligpit pero tumanggi siya at sinabi hintayin siya sa sala. Palabas na siya sa sala ng makita ang lalaking nakakunot noo mukhang sinisipat ang mga kagamitan sa sala. Umupo ka na...lumingon ito sa kanya. Bakit ba panay ang tingin mo sa paligid? Hala!wag mong sabihing tama ako Wala sa bundok ang mga yan?!biro niya.Lalo namang nangunot ang noo ng lalaki at salubong ang mga kilay. Nababaghan lamang ako sa aking nakikita...Ngayon ko lamang nasilayan ang mga bagay at kasangkapang ito...binibini....saang lupalop ka nito nakabili malamang sa Europa?Maski ang yong pananamit naiiba..... Teka nga.....kakaiba ka eh,?wag kang masyadong makata...kung magsalita ka mas makaluma ka pa kaysa sa mga Lolo at lola ko nakataas kilay na sabi niya. Inilapag niya ang dalawang tasang kape at umupo sa tapat nito. Pwede ko na bang malaman ang pangalan mo?taga saan ka ba?edad sekswal, mga person info tungkol sa'yo....tanong niya. Sasabihin ko sayo ang lahat subalit maari mo ba akong samahan sa aming tahanan....?ako'y labis na nagtataka bakit wala pa ring tumutugis sa akin hanggang sa ngayon....nais kong pumaroon sa aming bahay ng palihim maari mo ba akong tulungan binibini?tanong nito. Isabella..tawag nila sa'kin Bella. Saan ba ang tahanan o bahay mo?naloloka na ako sa pananalita mo bata saang henerasyon ka ba nanggaling at napakamakaluma mo tanong niya sa lalaki. Tumungin ito sa kanya ng seryoso. Ngayong gabi maari mo ba akong samahan? As in ngayon?hindi mo na ba maipagpapabukas?tanong niya. Hindi maaari binibining Bella.....maraming gwardiya ang tumutugis sa akin.... Mga police ba?OMG!!!!isa ka bang takas sa kulungan?wanted ka ba hay naku po!killer ka ba o ano?bakit ka nila pinaghahanap?naguguluhang tanong niya. Saka ko na ipapaliwanag sayo sagot nito. Ok sige magbihis ka muna at aalis tayo sasamay kita sa bahay mo wika niya. Inabot niya sa binata ang plastic bag ng pinamili niyang damit. Maligo ka at magbihs utos niya. Tumango ang lalaki at tumayo pumasok sa kwarto. Inilabas ng binata ang mga kasuotang pinamili ng binibini sa kanya.Kakaiba ang mga kasuotang ito at ngayon lang siya nakakita ng ganitong banyagang kasuotan. Pumasok siya sa palikuran maging ang itsura nito ay naiiba sa kinagisnan niya. Nagtataka siya ang sabi ng dalaga ay nasa Sta.YNEZ siya pero bakit naiiba ang mga kagamitan at kasuotan ng dalaga.Isa ba itong banyaga na nagmula sa kung saan?tanong niya sa sarili. kunot-noong lumabas siya ng banyo. Binibining Bella....Paumanhin subalit pano ba gamitin ang gripo sa loob? Napatampal ang dalaga sa kanyang noo , hay maloloka talaga siya sa lalaking ito. Pumasok siya sa banyo at itinuro kung paano gamitin ang fauset at mga gamit doon pagkatapos ay pumili siya ng maong na pantalon isang ripped jeans na hilig ng mga kabataan ,at isang long sleeve shirt. Ito ang panloob mo....nakangiwing sabi niya at tumingin dito. Tao ka ba?bakit marami kang hindi alam... haissst.....maloloka oh mahabahin wag niyo pong hayaang matuluyan ako..!taas ang mga kamay habang nag-eemote. Nakatitig naman sa kanya ang lalaki at nahihiyang nagbaba siya ng mga kamay. Kompleto na yan may medyas ka diyan at sapatos ito ang towel inabot niysma dito. Salamat wika nito at nagtungo sa banyo. Kumuha siya ng pantalon at jacket sa cabinet at hihintayin niya itong matapos iisa kasi ang kwarto at sa lapag pa siya natutulog noong di pa ito nagigising. Lumabas siya at nagtungo sa sala. Nagscroll sa kanyang cellohone habang hinihintay ito. Pagkatapos ng kinse minutos ay tumayo na siya.Tapos na siguro siya bulong niya at binuksan ang pinto. Ta__________hindi niya natapos ang sasabihin ng makita ito. Napalunok siya ng laway ng makita itong nakatapi ng tuwalya. Ahhh.....binibini!nagulat naman ito sa bigla niyang pagpasok nataranta ang binata at hindi alam kung pano tatakpan ang sarili. Maghulos dili ka binibini huwag kang padalos-dalos sa pagpasok lalo na't may mujer na walang saplot sa katawan nababaghang wika nito. Tila nagising siya sa pagkagulat ng makita ang napaka yummy nitong muscles at viceps idagdag pa ang pandesal nito sa tiyan. Wahahahahaha........! turo niya dito. Ngayon lang ako naka-encounter ng lalaking makalumang katulad mo!!!papatayin mo ako sa kakatawa wahahahaha!hindi niya mapigilan ang sarili habang hawak ang tiyan. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Nakatayo ang binata sa harapan niya ng hindi niya napapansin.Nagulat siya ng pagdilat niya nakatunghay na ang binata sa kanya.Tumingala siya rito dahil napatangkad nito. Napaatras siya rito at nawalan ng balanse dahilan para matumba siya.Pero maagap ang binata at nasalo siya nito gamit ang isang kamay.Napakapit siya sa tuwalyang suot nito.That's her mistake.It"s an accident when she pulled the towel at natanggal ito sa pagkabuhol. Naglaglag ang tuwalya sa sahig. The time suddenly stop and they are staring at each other. Napanganga sila pareho hanggang sa sabay silang..........Waahhhhhhh!!! aaaaahhhhh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD