3rd Person's Point Of View* Nakahinga ng maluwag si Justine nang makita niya ang kambal niya na nasa maayos at kasama nito si Dio sa may bench sa tabing dagat. Nandito siya sa barko ng Navy at isa siya sa mga umutos na puntahan sila Kryne sa island. "Sire, ligtas na po ang mga biktima at ginamot na po ang iba sa medical room." "Aalis na po ba tayo?" Napatingin si Justine sa dalawa sa bench at seryoso ang pinag uusapan nila. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang kambal niya. Agad kinuha ni Kryne ang cellphone niya at agad niya iyong sinagot at sumandal siya sa balikat ni Dio. "Twin, napatawag ka? Naligtas na ba lahat ng mga biktima?" Sumandal si Justine sa railings ng ship at tumingin sa dagat. "Yeah, nadala na sila sa medical room." "Okay, mabuti naman kung ganun. Ikaw na

