Kryne's Point Of View* Nagulat ako sa sinabi ni Dio. Hindi naman sana ako magugulat sa bagay na yun dahil isa na din kami sa naging biktima ng pag kidnap nila. "May mga biktima, Dio?" Tumango naman si Dio sa tanong ko. Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. "May matanda at bata din sa mga kinuha niya at ilang araw na hindi pinakin ng maayos doon ang mga kinulong nila." Napakamao ako sa sinabi niya at tumingin ako sa faker na nanghihina sa sahig. "You faker! Saan mo dinala ang mga bihag mo dito! Magsalita ka o puputulin ko yang Alaga mo! Sagot!" "N-Nasa basement sila ngayon." Napakagat ako sa labi ko at lumapit ako sa kanya at sinuntok ang pag mumukha niya. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Sarap i-deform at ipakain sa sharks. "Anong karapatan mong ikulong sila! You Faker!"

