Kryne's Point Of View* Matapos naming malabas ang lahat ng problema namin sa firing room at nandito kami ngayon sa Opisina ko at nakaupo sa Sofa. "Pakiramdam ko magka muscle pain ang braso at kamay ko." Napatingin ako kay Brother Hades na nakahawak sa kamay niya. Dahil siguro sa paghawak niya ng b***l. Di naman kasi siya sanay humawak nun kahit parati siyang may dala for emergency. "Masasanay ka din niyan, Brother Hades." Napangiti naman siya at pumikit. Tumayo ako at pumunta sa laptop ko at kinuha iyon at umupo pabalik sa sofa at binuksan ko iyon at tiningnan kung may update ba o wala sa London. Pagbukas ko ay agad email ni John ang nakita ko. At biglang nag video call siya sa akin kaya sinagot ko agad. "Sa wakas nag online ka na. Bakit di kita matawagan?" "Tinapon ko na ang phon

