Kryne's Point Of View* Nagmamaneho ako at kasama ko si Brother Hades papunta sa lugar kung saan ko sinabi na pupuntahan namin ngayon. At wala talaga siyang ideya kung sino ang pupuntahan namin ngayon doon. "Bakit ayaw mong sabihin sa akin kung saan talaga tayo pupunta?" "Sekret nga. Alam mo naman ang meaning sa sekret diba?" Napapout naman siya sa sinabi ko na kinangiti ko. "Don't worry. Isa din siya sa mga makakatulong sa atin tungkol sa kasong ito." "Okay, I trust you about that." Nagpatuloy kami sa pagmamaneho hanggang makaabot kami sa isang kakahuyan. "Are you really sure na dito tayo daan, Baby Sis? Parang bangin na ang pupuntahan natin ha." Natawa naman ako sa sinabi niya at agad tumango tango. "Paano mo nalaman na bangin ang dadaanan natin, Brother?" Nanlaki ang mga mata

