3rd Person's Point Of View* Tahimik at tinatago nila ang kanilang takot habang nasa gilid nila ang kanilang Arch Duke na seryosong nakatingin sa nag papaliwanag sa harapan tungkol sa mga kaso sa London. "T-That's all, Your Grace." Agad yumuko yung nag papaliwang sa harapan at hinintay nila ang reaksyon ni Dio pero di pa din ito nagsasalita at malalim pa din itong nag iisip na parang may papatayin na sa mga oras na ito. Agad silang napatingin sa right hand nito na nakatayo sa gilid ni Dio na humihingi ng tulong. Agad naman itong napatingin sa Boss nito na malalim na nag iisip. Ang hindi nila alam ay nag paplano na ito kung paano nito malalaman kung sino ang kasama ni Kryne nung na sa picture na pinasa ni John nung isang araw. Napakamao siya dahil sa selos na nararamdaman niya ngayon.

