ZEF POINT OF VIEW Nagpahinga pa ako ng ilang araw at naghanda para sa school presentation. Inaasikaso ko na lahat ng pwede asikasuhin. Powerpoint, projector at ang sarili ko sa pagrereport. Nireview ko nadin lahat ng dapat reviewhin at tanungin kung sakaling gisahin ako sa harap ni Sir Jerome. Sa ilang oras pang pagrereview, dinapuan na ako ng antok. Pakiramdam ko talaga may kulang sa paligid ko. May nawawala. Dapat nandito siya. Siya.. Sinong siya? "Ano sa tingin mo Zef?" Nakarinig ako ng tinig ng isang lalaki. Pamilyar ang kanyang boses. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, nakaramdam ako ng pananabik sa boses na iyon. Gusto ko siyang hagkan ng mahigpit. Nilingon ko kung saan nangagaling ang boses na iyon, umaasang makikita ko ang taong nagsambit ng mga katagang iyon. Nabi

