Kabanata 8: Lost Time Memories

1630 Words
ZEF POINT OF VIEW Sa totoo wala akong ideya kung anong nangyari sa akin.      Gumising nalang ako sa isang kwarto, maliwanag at maaliwalas sa laban ng bintana. Nakaratay ang aking katawan sa kama at mayroong benda braso. Hindi ko maigalaw ang balikat ko. Paano ko ba sisimulan? Wala rin akong idea kung paano ako magsasalita o gagalaw. Lutang na lutang ang isip ko sa mga nangyari sa akin at pagod ang utak kong alalahanin lahat ng ganap sa paligid ko. Isa lang ang alam ko, mayroong kakaiba. Pakiramdam ko may kulang sa akin. May hinahanap ako, hindi ko maalala kung ano, sino, saan, bakit? Medyo umikot ang paningin ko, marahil sa pagpwersa ko sa aking sarili.      “s**t—” nabigla ako nang may nagmura sa gilid ko, “Tatawag lang ako ng doktor.” hinawakan ko siya sa balikat.      “Wag na, maayos na ako. Mamaya nalang. Gusto ko matahimik.” saad ko. Binigyan lang niya ako ng questionable look.      "Sigurado ka ba? Gusto mo ba na ipagbalat kita ng mansanas?" alalang tanong ni Matthew sa akin, tumango lang ako. Matapos noon kumuha ng prutas sa basket malapit sa tabi ng kama ko. Sa ibabaw ng table cabinet. Kumuha din siya ng kutsilyo at saka nagbalat ng mansanas.      Kutsilyo... “Ilang araw na ako dito?” “Isang linggo na, ngayon ka lang nagising.” Bumaling ako ng tingin, "Hindi na dapat kayo nag-alala sa akin. Kaya ko naman gumalaw— acckk.”      “Wag mo na ipilit. Hindi mo talaga magagalaw 'yan, may supporter iyan, nagkaroon ka ng bali kaya kailangan lagyan ng pangsuporta na bakal.” bakal? Pagtangal niya nang kumot, nakita ko ang braso ko na may simento. Ilang minuto din akong nakatingin sa braso ko bago niya akong bigla pinitik sa noo, "Wag mong alalahanin ang mga bagay bagay kung hindi mo pa kaya, sasakit lang ulo mo." saad niya saka niya inabot sa akin ang maliit na hiwa mansanas, "Oh.." kukunin ko sana pero nilayo niya. “Ubusin mo muna ang swero na nakakabit sayo.” tama siya, nakaswero nga ako. Haist!      Huninga ako ng malalim, “Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko sa kanya, nginitian lang niya ako.      Ngumisi siya, “Hulaan mo?”      Kahit kailan talaga, “Kinausap ka ni Mama sayo na bantayan ako dito?”      “Parang ganoon na nga.” wika ni Matthew. Siguro naghanap pa iyon ng pambayad sa hospital ko ngayon, nakakapanlumo. “Baka hindi ko lang matangap ang nangyayari ngayon kaya kailangan ko ng makakausap.“ biglang lumungkot ang reaksyon ni Matthew. May mali.      “Handa ako makinig.”      Hindi siya makatingin ng diretso sa akin, “Si Lance, naconfine dito sa hospital last week. Mismo sa kwarto na ito.” malungkot niyang saad. Classmate namin iyon ni Matthew.       “Iyon ba 'yung nagpatulog kayo sa project nnadapat si Lance ang gagawa? Anong nangyari sa kanya? Maayos na ba siya ngayon? Wala na ako naging balita sa kanya matapos nang—”       “Wala na siya.” nabigla ako sa sinabi ni Matthew. Imposible mangyari iyon, ang lakas ng taong iyon. “Nagsuicide siya.”      Kita sa mata niya ang pagmumugto ng luha, “P-paanong nangyari?” tanong ko. Huminga siya ng malalim bago sumagot.     “Tumalon siya mula sa rooftop ng hospital, kung hinfi namin siya iniwan, sana buhay pa siya hanggang ngayon.” tumingala siya at saka pinunasan niya ang kanyang mata gamit ng braso. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. “f**k. Nagugulty ako. Kaya nang nalaman kong na confine kayong dalawa ni— lastweek. pumunta ako dito para bantayan ka. Mawala lang 'tong guikty na ko. Kasalanan ko 'to.” nayuko siya. Tinapik ko sa balikat, at doon na siya humagulgol.      “Shh, tama na.” pagkalma ko sa kanya. Patuloy parin siya sa paghangulgol. Hindi biro ang mamatayan ng kaibigan, mabuti at hindi malala ang natamo ko. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang nangyari sa akin.     Sa kabilang banda ng utak ko, naguguluhan ako sa binangit ni Matthew. May isa pang dinala dito sa hospital noong isang linggo maliban sa akin? Ibig sabihin may kasama pa ako? Pinilit kong alalahanin ang nangyari, naramdaman ko na naman ang p*******t ng ulo ko. Nabigla siya, "Zef, ayos ka lang? Tatawag na talaga ako ng doktor—”      “Oo, ayos lang ako. Alam ml naman kung gaano ko ka-ayaw makaharao ng doktor.” saad ko. Doon na niya pinunasan ang pisngi at uhog niya. Maya-maya kumalma na rin. Doon na siya nanermon. “Kung ano mana ng na-iisip mo, itigil mo na 'yan. Marami pa kang naiwang gawain sa school, alam mo namang malapit na ang finals. Ilang beses na ako nagmakaawa kay Sir Jerome, kailangan mong makapagpahinga at mabawi ang lakas." paliwanag niya, tama siya. Kailangan ko nang bawiin ulit ang lakas ko. Doon na ako naging kalmado, 'Sana nga.' isip-isip ko. "Oo nga pala, dahil nasa hospital kayong dalawa ng kapartner mo, inadjust na ang sched ng defense ninyo. Wala na tayong poproblemahin. Mauuna lang kami, next na kayo na. Huking pakiusap ko na iyon, nasa irelease kana ng doktor after three days." paliwanag niya.      Magulo ang pagkakasabi niya. "Defense." napaisip ako ng ilang saglit sabay* Snap! Oo nga pala, bakit ko nakalimutan iyon. May research pala ako, kailangan kong makapagpresent. Buti hindi ko nakalimutan iyon! Bakit pakiramdam ko may kulang talaga. "Siguro naman naaalala mo pa mga nireview ninyo ng partner mo bago pa mangyari ito?"       "Partner ko?" napaisip ako ng malalim sa sinabi ni Matthew. May partner nga ba ako? Bakit ganoon, wala akong maalala. Naguguluhan ako.       "Oo, 'yung partner mo si*" natigil siya sa pagsasalita nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niyang sinagot iyon at saka tumayo sa kanyang kinauupuan. Pagkababa niya ng kanyang cellphone, "Pasensya na Zef, kailangan ko ng umalis. May biglaang lakad." nagmamadali niyang sabi sabay kuha ng kanyang bag. "Teka lang*" tatanungin ko pa sana siya pero, "Oo nga pala, darating ang Mama mo maya-maya lang, kakatext lang sa akin. Sige na, maiwan na kita. Urgent tong natangap kong text." sambit niya habang nag-aasikaso nang gamit. Ngumiti ako kay Matthew, "Salamat sa pagbabantay, makakabawi din ako sayo."    "Wag mong intindihin iyon, mauna na ako." nagpaalam na siya bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya, natahimik na naman ang buong kwarto. Sumilay nalang ako sa bintana at pinapalipas ang oras. May kulang talaga. Sino iyon? * * * Tatlong araw ang nakalipas, nakalabas din ako ng hospital. Sabi ng doktor wag lang daw ako magbubuhat ng mabibigat na bagay at magpapagod para hindi ako mabinat. Nakasemento parin ang braso ko at hindi maigalaw. Buti nalang nandiyan ang magulang ko para alalayan ako habang nasa hospital ako. Wala nang bago doon. Para din naman sa akin iyon. Lalakad na sana ako paalis ng hospital ng may nakita akong babaeng nakasakay sa wheelchair, nakasuot ng puting damit na walang mangas. Nagwawala at parang naghahamon pa ng away sa mga nurse nakapaalibot sa kanya. "Kapitan ninyo ng mabuti at baka makatakas na naman." saad ng lalaking nagtutulak sa kanya saka siya inalalayan ng mga nurse na nakasuporta sa kanya. "Mga hangal! Mga wala kayong silbe! Pakawalan ninyo akong mga hampaslupa kayo! Sisiguraduhin kong magbabayad kayo sa ginagawa ninyo sa akin! Marami akong koneksyon, mayaman ako! Ano ba! Mga bakla! Mga salot! Wag moko hawakan! Pakawalan n'yo ako!!!!!?*" bulalas ng babae. Ayaw niya magpaawat, bigla niyang siyang nag headbutt sa humawak sa kanya patalikod. Ayun, tumilapon pa layo. Natahimik ang babae nang mapadaan ang inuupuan niyang wheelchair sa harapan ko. Tinignan niya ako ng masama na para bang gusto akong kagatin anumang oras      "Ikaw. Anong ginagawa mo dito?" tanong babae habang nakaharap sa akin. Paalis sana ako nang bigla siyang sumigaw. "Anong hinawa mo sa taong mahal ko? Anong ginawa mo sa kanya!" bulalas niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa kanyang sinabi. Taong mahal niya? s**t, bakit ganito ang pakiramdam ko. Parang gusto ko umiyak ng walang dahilan. Paglingon ko sa kanya, nakita ko siyang lumuluha. Nakatingin siya ng masama sa akin. Ang kanyang mata, nanlilisik sa galit. Hindi ko siya matandaan pero pakiramdam ko kilalang kilala ko siya. "Bakit siya naaksidente! Anong ginawa mo sa kanya!!" bigla niyang tinulak ang isa sa mga nagbabantay sa kanya at nanakbo papunta sa pwesto ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko kasabay ng nerbyos ng binti ko. Palakas ng palakas ang kalabog ng aking dibdib habang palapit siya sa akin. Ang pakiramdam na ito, nangyari na.       Bigla siyang nakawala sa pagkakatali sa kanya at binundol ng malakas dahilan kaya tumilapon ako palayo, ganoon din ang babae. Hindi ko namalayan, masysdong mabilis ang pangyayari. Pumaibabaw siya sa akin at akmang iuumpog ang ulo niya sa ulo ko. Mabuti at nahawakan siya ng isa sa mga nurse na nagbabantay sa kanya at nailayo sa akin. Pwersahan siyang inupo at saka kinadena, "Lakas ng loob mo para kalimutan ang lahat ng nangyari. Sira ulo ka! Wala kang kwentang tao! Hinayaan mong masagasaan ko siya. Dapat ikaw ang namatay! DAPAT IKAW ANG NAMATAY SALOT KANG BAKLA KA! ZEF! SALOT*" natahimik siya nang turukan siya ng injection sa braso at saka nakatulog. Humingi ng paumanhin ang isa sa mga umaalalay sa kanya. Ttinulak ang kanyang wheelchair pasakay sa hospital white van, Ibig sabihin baliw ang babaeng iyon. Nabigla parin ako sa mga pangyayari. 'Di ko inaasahan ang asal niya, ganoon din ang kanyang sinabi tungkol sa akin. Parang kilalang kilala niya ako, binangit pa niya ang pangalan ko. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako. Ang pakiramdam ko, kilalang kilala ko siya. Hindi ko lang matukoy kong gaano kabigat ang takot ko sa kanya. Umiikot na naman ang paningin ko. Kailangan ko kumalma. Naghanap ako ng mauupuan hanggang sa naupo ako sa bench na malapit saakin pinakalma ang sarili ko. Tumingala ako sa langit at saka huminga ng malalim. Mabuti at unti-unting nawala ang sakit ng sentido ko. .. Maraming nangyari at hindi pa bumabalik halos lahat ang alaala ko simula nang maaksidente ako. Isang linggo na ang nakalipas nang magising ako, pero wala paring pagbabago sa akin. Tama si Matthew, dapat hindi ko na pilitin ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko pa maalala, mapapatagal lang ang paggaling ko. Sa kabilang banda nang isip ko, ang babaeng iyon hindi mawala sa isip ko simula nang magkita kami.      Ang tanong, kailan at saan? ITUTULOY... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD