ZEF POINY OF VIEW
"Audrey! Saglit lang!" sigaw ako nang sigaw habang hinahabol si Aubrey, nananakbo palayo.
Fuck, kasalanan ko 'to. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari kapag nagkausap na kaming dalawa. Sobrang lakas ng konsensya na nararamdaman ko, at wala ako sa lugar para makipagtalo sa kanya.
Mabait si Audrey, sobra. Siya ang maasahan sa buong classroom. Paminsan may konting kahinaan sa pag-aaral pero kapag tumulong siya sa mga classmate namin, binibigay niya ang kanyang makakaya. Kaya ngayon, kinakain ako ng kahihiyan nang makita niya ako, kasama ang future fiance niya.
Sinundan ko siya, hanggang sa makarating kami sa isnag Family Park sa subdivision lang din nila Simon. Madilim ang paligid at walang ibang tao kundi siya at ako, nakatalikod siya sa akin habang humihikbi.
"Audrey.”
Lumingon siya sa akin, lalo siyang humagulgol, "Zef.." naasar ako sa sarili ko, hindi ko kaya siyang makitang umiiyak. Kinakain ako ng kunsensya ko.
“Audrey, hayaan mo ako magpaliwanag* ang nakita mo sa amin, hindi tulad ng naiisip mo. Wala kaming relasyom ni Simon—"
Pinunasan niya ang kanyang pisngi at saka ngumit ng sobrang pait, "Naiintindihan kita, kayo ni Simon. Kitang kita naman ang ginagawa ninyong dalawa, masaya kayo sa isa't isa. Ngayon ko lang siya nakita na ganoon kasaya. Nakakapanibago. Hindi iyon ang naramdaman ko noong magkasama kami.”” paliwanag niya sabay takip ng mata niya.
"No— please Audrey, makinig ka mg mabuto. Mali ka ng iniisip mo sa amin." lalapit sana ako pero humakbang siya palayo. Pilit niyang pinupunasan ang kanyang pisngi pero patuloy parin sa pag-agos ng tubig, “Maniwala ka man o hindi, walang namamagitan sa aming dalawa.”
Hindi ko imaasahan ang tanong niya sa akin, “Nagustuhan mo hindi ba?” mariin niyang sambit. Wala akong maisagot sa kanyang sinabi dahil totoo— may parte sa utak ko na hindi ko pinagsissihan ang nangyari sa amin. Matapos noon, kinain kami ng katahimikan.
Isang iglap, tumigil siya sa paghikbi at saka yumuko. Nag kanyang mata, natatakpan ng makapal niyang buhok at tanging matalim na ngiti ang binigay niya sa akin. Nakaramdam ako nang takot, kakaibang takot.
“A-audrey...”
Kahit madilim ang paligid, tanaw ko ang matalim niyang ngisi sa akin, "Zef, alam mo ba kung bakit ilag na ilag sa akin si Simon? Sana nakinig ka nalang kay Simon, dahil mali ka ng binanga." mahinahon niyang sambit kasabay ng pagshaft ng kanyang leeg habang nakangiti, para akong gustong kainin.
Umatras ako palayo, “Audrey, anong nangyayari sayo—” hindi niya ako sinagot. Sa isnag iglap, nag-iba ang galaw niya, at kita sa iyon sa kanyang kinikilos. "Okay, alam kong galit ka sa akin. Kumalma ka muna, mag-usap tayo ng maayos.." nangangatog akong nakipag-usap sa kanya habang humahakbang paatras. Pakiramdam ko anumang oras susungaban niya ako kaya hinanda ko ang sarili ko sa anumang maaring mangyari.
"Noong kami pa, lahat ng babaeng nakapaligid sa kanya— pinaghinalaan ko na girlfriend niya. Sa tuwing may lalapit sa boyfriend, hindi ko mapigilan ng kamay kong gumalaw. Alam mo kung anong nangyayari sa kanila?" she give me a creepy smile while walking towards me, "Ano sa tingin mo Zef?”
Shit, kinilabutan ako sa sinabi niya,
"Wag mo naman akong takutin ng ganyan. Nerbyusin akong tao." sambit ko sa kanya. Nabigla nalang ako ng binali niya ang kanyang leeg, rinig ang mga nagtunugan buto, “Audrey— hindi na kita maintindihan. Matatakot na ako sa mga kinikilos mo.”
"Mabuti kung ganoon. Kahit papaano sumasang-ayon ang pagkakataon sa akin." garalgal niyang sambit. Napansin kong may pinulot siyang kahoy, “Magiging masaya itong laro natin!” wika niya habang hawak ang pamalo habang hinahampas sa kamay. Talagang may plano siyang saktan ako, at hindi maganda iyon.
"Audrey. Kung ano ang iniisip mo, please wag mo nang ituloy—" nang sabihin ko iyon, naramdaman kong napasandal nalang ako sa malaking poste ng ilaw. "Audrey, bitawan mo 'yan. Masakit ka!"
“Paano kung ayoko?" mahinahon niyang sambit. Mas nagbigay ng maginding kaba sa aking dibdib, gusto ko sumigaw ngunit ang iniisip ko kung sinong tutulong sa akin. Malawak ang parke na ito at walang ibang tao maliban sa aming dalawa.
Kailangan kong makaisip ng ibang dahilan para mabaling ang attensyon niya, "Si Simon, hindi matutuwa kapag nakita ka niyang ganyan ang lagay*"
"Anong pake niya sa akin?" saad niya, lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa makapal na kahoy, "Mula sa mga oras na ito, siya lang ang laman ng isip ko. He now that I love him so much and I'm willing to do anything, that's not enough. Nagawa na namin halos lahat ng s****l fantady na maiimagine mo. We're both legal to our parents, maayos na kami at kasal nalang ang kulang." humakbang pa siya palapit sa akin habang kinakaladkad ang hawak niyang kahoy, "Now, it's ruined. And it's all because of you my darling. You shitty gay!"
"No, maayos n'yo pa naman ang relasyon ninyo. Mabait si Simon, hindi niya gagawin iyon sayo—"
“Iyon ang alam mo dahil tulad nang ginawa niya sa akin, itatapon ka lang din niya na parang basura.” Pakoramdam ko, huminto ang mundo ko nang sabihin niya iyon. Ayoko man paniwalaan si Audrey, pero— paano kung tama siya. "At Huli na ang lahat, Zef. Ngayon pang alam ko na kung anong klaseng tao ang gusto niyang ikama." Ngayon ilang hakbang nalang ang layo niya sa akin. Itinaas niya ang hawak niyang kahoy at, "Isang tulad mo, salot na bakla!"
Bigla niyang winasiwas ang kahoy na hawak niya sa akin. Agad kong itanaas ang flywood na malapit sa pwesto ko. Sa lakas ng pagkakahampas niya, hindi kinaya ng flywood at nasira iyon kasabay ng pagtilapon ko palayo.
“Acckk—” napuruhan pa ang kaliwang braso ko sa lakas ng pagkakahampas niya. Wala na sa sarili si Audrey, "Audrey, tumigil kana!" hindi siya nagpaawat. Dinampot niya ulit ang kahoy na tumilapon at saka lumapit sa akin.
"Ngayon alam ko na ang kinababaliwan ng fiance ko, kailangan lang kitang tirisin para matigil kana sa pamemeste mo!" nagsimula ulit siyang tumawa ha ang palapit sa akin habang ikinakaladkad ang kahoy sa madaanan niyang monkey bar, "Matatangap ko pa ang pakikipagsex ni Simon sa ibang babae, may dahilan ako para patayin sila pero ang panglaladi mo sa kanya,m— iyon ang hindi ko iyon mapapatawad. Ngayon may dahilan na ako para dalhin ka impyerno. Isang salot, nakakadiri ka, nakakasuka ka." sabay dura niya kung saan. Pinilit kong lumakad pero di ko magawa. Paika-ika akong gumapang habang mas bumibilis ang paglapit niya. Hindi ako makatayo, nanghihina tuhod ko.
Bigla siyang kumanta, "Langit, lupa, impyerno..." hinampas niya ulit ng hawak niyang kahoy, mabuti nakailag ako sa pangalawang pagkakataon.
Pinilit kong tumayo at nang makatakbo na ako* naramdaman ko nalang na may matigas bagay na tumama sa balikat ko. Nawalan ako ng balanse at napahiga ako sa sahig kasabay ng pagbagsak ng kahoy na tumama saakin.
"Walang ibang nakakalayo sa akin Zef, wala pa." bigla nalang niya akong hinigit sa kwelyo at saka sinandal sa malaking puno. Iginapos niya ang aking kamay patalikod gamit ng kalble ng kuryente na nakapulupot sa puno. "Subukam mong sumigaw, hindi mo magugustihan ang gagawin ko sayo.." saad niya habang nakangiti.
Siya ang pinakawirdong na babaeng nakilala ko. Nakakatakot si Audrey.
Nangjihima na ako, wala akong lakas para igalaw ang magkabila kong balikat at kamay. Sabayan pa ng ginawa ni Simon kanina. Ang binti ko, nanginhinig parin sa takot ko kay Audrey habang pangiti-ngiti lang si Audrey. .
Sira na talaga ang ulo ng babaeng ito. Kung alam kong mangyayari ang lahat ng ito, sana nakinig nalang ako kay Simon.
"Kinakain kana ng selos mo Audrey. Hindi dapat ito nangyayari. May oras ka pa para bumalik sa dati. Tutulungan ka namin."
Ngumisi lang siya sakin, "Selos? Wala akong dapat pagselosan, dahil simula palang saakin na si Simon— tinatanggal ko lang ang mga sagabal sa relasyon naming dalawa." sambit niya. Naramdaman ko nalang na lumapad ang palad niya sa pisngi ko, "Wala kang alam sa nararamdaman ko. Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko mapasaakin lang si Simon. Tapos bigla kang darating sa buhay niya para guluhin kaming dalawa ng mahal ko? Akin lang si Simon, akin lang!! Naiintindihan mo ba?! Ha?!"
Hinigit niya ulit ang aking panga at. "Sisiguraduhin kong ako lang ang gagamit sa kanya.” matapos niyang sabihin iyon, bigla siyang naglabas ng patalim mula sa kanyang bulsa. "I guess ito na ang huli nating pag-uusap." matalim niyang sambit habang nakangisi sa akin.
Kahit anong pagpupumiglas ko, hindi ko magawa. Masyadong mahigpit ang pagkakatali sa kamay ko. Napapikit nalang ako sa takot.
Dito naba talaga ako mamamatay?
"Zef!" rinig ko na may tumawag sa pangalan ko, hindi ako pwede magkamali. Ang bosrd na iyon.
Pagtingin ko, nadatnan ko si Simon, pinipigilan ang kamay ni Audrey hawak ang kutsilyo. "Sumosobra kana Audrey!!" nanlaban si Audrey. Ang kutsikyo, nasa tapat na ng dibdib ko , pinipigilan ni Simon, "Sabing bitaw!" sa pag-aagawan nila, tumalsik ang kutsilyo palayo sa amin. Napansin ko nalang may mayhiwa sa pisngi ni Audrey at nagsisimulang dumugo.
"Arrrggghhh! My face!!" bulalas ni Audrey habang hawak hawak ang kanyang pisngi na nagdurugo. "You Sleeping Monster! You'll pay for this!! Arghh!!" maiyak-iyak siyang nakahawak sa pisngi niya.
"Shut up lunatic!" sigaw ni Simon. Agad niya akong kinalagan at saka hinila palayo kung nasaan si Audrey. "Lets go." ani niya sabay akay niya sa akin. Paalis na sana kami nang,
“Bullseye.” nakangiti si Ardrey sa amin. Ilang saglit pa, biglang dumaing sa sakit sa balikat si Simon. Pagtingin ko sa likod, may nakatarak na kutsilyo sa balikat.
“Simon!” ngumiti lang siya.
"Kahit kailan talaga ang galing umasinta ni Audrey, shit." nanghihina na si Simon. Madami nang dugo ang tumatagas. Anong gagawin ko— "Ayos lang ako." agad niyang hinugot kasabay ng malakas sa sigaw dahil sa sakit, "Tumakbo kana." sabay abot ng kutsilyo sa kamay ko. Matapos noon, bumulagta na siya.
Nilingon ko si Audret pero wala na siya sa pwesto niya.
"Hoy, Simon. Wag kang magbiro ng ganyan. Hindi kita iiwan. Bumangon ka diyan!" inakbay ko siya sa balikat ko at saka inalalayan ko siya bumangon.
Habang akbay si Simon, sabay kaming nanakbo palayo sa park. Palayo kami ng palayo, tumatahimik ang paligid. Ganoon din ang lagay ni Simon na pabagal at pahina ng pahina. Wala akong ideya kung nasaan si Audrey. Ang nasa isip ko ay makaalis dito kasama si Simon.
Isasandal ko sana siya sa pader nang mapahiga siya sa gitna ng daan habang nakalambitin ang kanyang braso sa balikat ko, umaagos ang dugo sa kanyang mga kamay.
Hinawakan niya ang kamay ko at saka ngumiti, "Mabuti at ligtas ka." kasunod noon ang pag-ubo niya na may kasamang dugo.
Humagulgol na ako, hindi ko na alam ang gagawin, "Nakakaasar ka naman eh. Wag ka" muna matutulog! Tibayan mo ang loob mo! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, nauubusan ka ng dugo!"
"Shhh, wag ka mag-alala, aos lang ako dito." tangina naman oh.
"Wag ka nga magsalita ng ganyan!" sinuntok ko siya sa dibdib, nagkamali ako. Ubo siya ng ubo, lalo lumama. "Sorry Simon! Ikaw kasi."
Tumawa siya, "Thanks God at nailayo kita kay Audrey. Kahit papaano masaya na ako. That lunatic, lahat ng babaeng nakapalibot sa akin, tinatakot niya or worst, pinapatay niya." wika niya habang bumabagsak na ang talukap ng mata niya, "Loving you makes me different. Pakiramdam ko ligtas ang taong mahal ko sa babaeng iyon."
Hindi ko magawang matuwa sa sinasabi niya, "Simon, umayos ka. Wag kang umarte ng ganyan." kinapa ang ang bulsa niya, wala siyang phone na dala. Ang paligid, tahimik at halos walang bahay na nakatayo maliban sa pader— daanan ng mga kotse.
Kaasar.
Hinawakan niya ang pisngi ko, "May gusto lang ako malaman. Sana bigyan moko ng matinong sagot." he asked.
'Di ko na nakontrol ang mata ko, naiyak nalang ako sa harapan niya... "Oo na. Sasgautin na kita ng matino. Ano ba yun?"
"Kapag tinanong ko sa taong kasama ko ngayon na pwede bang manligaw, papayag kaya siya?" natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nabablangko ako pero alam ko sa sarili ko, handa na ako sa kanyang tanong at handa narin ako para sagutin iyon. "Ano sa tingin mo Zef? May pag-asa ako sa taong kasama ko ngayon? Handa na ako ipagsigawan siya sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano katagal ang hinintay kong pagkakataong ito para hingiin ang permisyo niya na ligawan ko siya. Gusto kong malaman miya na mahal na mahal ko siya kahit sa maikling panahon lang kami nagkakilala nang mabuti*" kasunod noon ang malalakas na ubo na may halong dugo. Humahagulgol ako habang tinakpan ko ang bibig niya, hindi ko na siya pinagsalita pa.
Isang mainit na halik, sagot sa mga katanungan niya. Maiinit na halik na para bang wala nang bukas. Sa pagkakataong ito, wala na akong pakielam sa sasabihin ng iba. Kailangan kong harapin ang realidad, hindi lahat ng bagay ay kailangan ng magandang dahilan. Nagkaganito ako hindi dahil kay Simon kundi dahil sa pagtangi ko kung ano ako at ngayon* at hindi ko na pinagsisisihan ang naging desisyon ko.
Pagkakalas ko sa kanya, pinunasan ko ang tubig sa kanyang pisngi. Lumapad ang kanyang ngiti, ang mata niya naniningkit, "Thank You Zef." matapos ko sabihin iyon, niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang init.
Hindi na ako natatakot ngayon dahil alam ko, meron na sa aming dalawa at may panghahawakan na ako. “Inaantok na ako. Ikaw na bahala sa lahat ng meron ako. Pinapaubaya ko na sa iyo 'yon.”
“Simon!”
Nasira ang eksena naming dalawa nang makarinig kami ng malakas na busina ng kotse. Paglingon namin, biglang bumukas ang headlight ng kotse sa harap namin at nagsimulang magstart ang makita. Sa kotseng iyon, nakaupo ang isang babae, galit na nakatingin sa aming dalawa.
Si Audrey.
"Kung hindi magiging akin si Simon, mabuting mamatay nalang kayong dalawa!!" sigaw niya biglang umandar ang kotse..
Ang liwanag, palapit na nang palapit, sa akin. "Zef!!!!”
Ang tanging naririnig ko nalang ay isang malakas na sirena ng sasakyan. Naalala ko nalang si Simon na tulad ko, nakaratay sa higaan at malabo ang paningin.
Sa isang iglap, nawala na ako sa aking tuliro.
"Si—mon."
ITUTULOY...