CHAPTER 1: Beginning

2140 Words
[Two Months Ago:] "Princess!" "Oh bakit?" "Mag-iingat ka ha." "Haha! Ano ka ba Edrick. Bago pa nila ako saktan mapapatay ko muna sila." "Baliw ka talaga kahit kailan. Haha!" "Haha. Pero salamat ha. Sige uwi na ako." "Sige." Naglakad na ako paalis sa headquarter namin ng BDG. Walking distance lang naman ito sa bahay namin kaya nilakad ko na. Kakatapos lang namin mag meeting kung anong mga hakbang ang dapat namin gawin laban sa SDW. Masyado na silang delikado. Pati mga taong inosente at walang alam ay nagiging biktima na rin nila. Gusto nilang sila ang katakutan ng lahat. Yun ay kung magagawa nila. Hindi naman kami makapapayag na magawa nila ang gusto nila. Nag lalakad ako sa dilim suot ang BDG suit ko na black fitted crop top na may diamond print sa gitna, black maong shorts and black boots. Tahimik lang akong naglalakad pauwi sa bahay namin nang may marinig akong sumigaw. Isang sigaw lang iyon kaya inisip kong mabuti kung saan nanggaling. Dahan dahan akong lumapit sa isang madilim na eskinita at narinig ko ang isang babaeng umiiyak. "No! Please, stop! Maawa ka sakin." nanginginig sa takot ang boses ng babae. Umiiyak na rin siya. "Shhh.. walang makakarinig sayo dito. Paisa lang naman eh." "Manyak! Lumayo ka sakin kadiri ka!" "Pag ginusto ko.. kukunin ko. Naiintindihan mo? Ha!" kitang kita ko kung paano siya pwersahin ng lalaki para halikan. Hindi pwedeng manuod lang ako dito. Agad kong sinuot ang maskara ko at lumapit sakanila. Akmang huhubarin na ng lalaki ang suot nitong damit ng magsalita ako. "Hoy, m******s!" nagulat at napatigil siya bigla sa ginagawa niya. "Dadaan ka muna sakin bago mo magawa ang binabalak mo." unti unti siyang tumayo at humarap sakin. Nagulat siya nung makita niya ako pero mas nagulat ako nang makilala ko kung sino siya. "Wala ka talagang kasing sama Bryle. Napaka demonyo mo." "Wag ka makialam dito. Kung ayaw mong madamay." "Damay na ako kasi nakita ko kayo. Kaya makikialam ako." "Mag isa ka lang. Hindi mo ako kakayanin." "Well.. subukan mo." nakangisi kong sabi sakanya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang galit at inis. Binaling ko ang atensyon ko sa babaeng nakaupo lang sa gilid at takot na takot. "Tumakas ka na. At wag na wag kana lalabas sa gabi nang mag isa. Delikado na buhay mo." nilipat ko ulit ang tingin kay Bryle. "Lalo na sa lalaking ito." tumango lang yung babaeng halos bata lang sa akin ng dalawang taon at tumakbo na palayo. "Gusto mo talaga mamatay?" nakangiting tanong ni Bryle sa akin at hinawakan ang wrist ko. "Mali. Dapat ang sinabi mo.. gusto ko nang mamatay!" hinila ko ang leeg niya gamit ang kaliwa kong kamay at tinuhod sa sikmura niya dahilan para mapayuko siya sa sakit. Pumunta ako sa likod niya at sinakal siya gamit ang braso ko mula sa likod. "P-please.. maawa ka. W-wag mo ako patayin." nanghihina niyang pakiusap habang nakahawak siya sa braso kong nakasakal naman sa leeg niya. "Yung bagay na hinihingi mong iyan.. meron ka ba nun ha! Bryle?" mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sakanya dahilan para umubo siya. Kinakapos na siya ng hininga. "Alam mo naman sigurong girlfriend ko ang pinsan mo hindi ba?" agad ako kinabahan sa sinabi niya. "Kapag nagmatigas ka pa, papatayin ko yung magaling mong pinsan." tuso talaga siya. Pati sarili niyang girlfriend isusugal manalo lang. "How dare you-- Ahh!!" bigla niyang hinila ang kamay ko paharap at ibinagsak sa lupa. At bago siya tumakbo ay isang suntok sa sikmura ang iniwan niya dahilan upang mamilipit ako sa sakit. Tiniis ko ang sakit na iniinda ko at pinilit kong tumayo para habulin siya. Natatanaw ko pa siya palabas ng eskinita. Sinubukan ko siyang habulin hanggat kaya ko kahit hinang hina ako pero bago pa ako makalabas ng eskinita ay biglang may malakas na ilaw at isang preno ng sasakyan ang nakita at narinig ko. Napahinto ako sa pagtakbo at naglakad ng dahan dahan palabas ng eskinita. H-hindi.. Nakita ko ang isang nakahintong sasakyan at isang lalaking nakahandusay at duguan sa kalsada. "Patay na siya!" sigaw ng isang mama na lumapit sakanya para pulsuhan siya. W-wala na siya. P-patay na si Bryle. Dahan dahan akong napaatras at tumakbo na palayo sa lugar na iyon. Walang ibang nakakaalam sa nangyari kundi kami lang dalawa ni Bryle. Walang ibang nakakaalam na ako ang huling nakalaban niya bago siya masagasaan. Wala akong ibang pinagsabihan maliban kay Edrick na siyang leader namin at pinakamalapit kong kaibigan. "Bakit ka aalis?" "Hindi ako aalis Edrick. Lalayo lang muna ako. Mahirap na baka madamay pa kayo sa katangahan ko." "It's not your fault. Pano kung hanapin ka ng iba nating kasama?" "Nag iingat lang ako Edrick. Dahil kapag nalaman ng mga kasamahan niya ang nangyari sa kaniya papatayin din nila ako at sigurado akong idadamay pa nila lahat ng miyembro BDG." paliwanag ko at hinawakan ang magkabila niyang kamay. "Ikaw na bahala mag dahilan sakanila Edrick.. kung bakit mawawala muna pansamantala ang BDG Princess." . . . PRESENT "Oy! Lola Misha bumangon kana diyan!" sigaw ni Mike habang kinikiliti ako sa paa. Tinignan ko naman kung anong oras na. 5:00am palang naman ehh. "Ano ba!! Thirthy minutes.." sabi ko at nagtalukbong ng kumot. "Ahh ganun ba? Sige." sagot niya sakin at naramdaman ko namang sumarado yung pinto. Lumabas na siguro siya. Siya si John Micheal Sixon. Mike for short. At.. kambal ko siya. Maya maya pa ay may naramdaman akong basa. Kinapa ko iyon at nagtaka ako kung bakit basa ang kumot pati ang bedsheet ng kama at ang pajama ko. Bigla nalang akong nainis sa narelaize ko. "MIIIIKKKEEEE!!!!!" sigaw ko habang nakaupo parin sa higaan. Agad namang pumasok si Mike na halatang pinipigilan ang tawa. "Oh, twenty minutes palang ah?" tinignan ko lang siya ng masama habang hawak yung basang kumot. Lumapit siya sakin at tinignan yung kumot na hawak ko. "Misha, don't tell me.." hindi na niya tinuloy ang sasabihin sakin at sumigaw siya. "Mom! Si Misha umihi sa kama!!" tawang-tawa niyang sigaw kay mommy at tumayo na ako para habulin at bugbugin siya. Kainis! Umagang-umaga pinag ttripan ako ng gagong 'to. Hinabol ko siya pababa ng hagdan pero di ko siya inabutan. Hanggang sa makarating kami sa dining room. "Hoy! lumapit ka dito langya ka!" sigaw ko sakanya at kinuha ang walis tambo na nakita ko sa ilalim ng lababo. "Oh Mike, Misha ang aga-aga ang gulo niyo." sabi ni daddy na nagkakape sa table. "Eh si Misha po kasi dad. Ang tanda na eh umiihi parin sa kama." sumbong niya kay daddy. Nakita ko namang muntik na maibuga ni daddy yung kape niya sa sinabi ni Mike. "Misha?" baling ni dad sakin na parang nagtatanong kung totoo ba. "Dad? Si Mike po! Binasa nanaman niya yung kama ko." reklamo ko. Yes, nanaman. Kasi pangatlong beses na niya ginagawa sakin to. Nung una eh noong grade 10 ako, tapos yung pangalawa nitong summer lang at ito yung pangatlo. Tapos pagtatawanan ako paggising ko dahil umihi daw ako. *pout* "Okay stop it na at kumain na kayo. Baka first day of school late kayo." singit ni mommy na naglalagay ng pinggan sa mesa. Binelatan ko nalang si Mike at kumain na. Nginitian nalang niya ako. After namin kumain ay sumabay na kami kay daddy papuntang school at siya naman sa trabaho niya. "Let's go baby girl." sabi ni Mike at inakbayan ako. Siniko ko lang siya ng mahina. "Are you excited?" pag-seseryoso niya. "Oo naman. Matagal na akong excited na lumipat dito sa De Villan University no." sagot ko sakanya. Dito ako nag-enroll ng grade 12 samantalang si Mike naman ay grade 11 dito na nag-aral. "Sus. Gusto mo lang dito kasi maraming gwapo eh." biro niya pa. "Marami din namang gwapo sa Ardeur University no. Kaya lang mas gusto ko talaga dito." "Alam ko namang gusto mo lang iwasan si..." "Hey, captain! Kamusta?" tawag ng isang babaeng papalapit sa amin. Wait. Nasabi ko na ba sa inyo na captain ball si Mike ng De Villan Knights? Ang sikat na basketball team sa lugar namin? Well oo captain ball nga siya. "Good" sagot niya. Aba ang tipid niya magsalita ah? "Nahihiya ka dahil nandito ako no. Baka isumbong kita kay mommy." bulong ko. "Hi Miss, Mishaira Jans Sixon nga pala." sabi ko dun sa babae at inabot ang kamay ko ng nakangiti. "Ikaw pala ang kapatid ni Captain. Hello, I'm Eulaiza Servañez." sagot naman ng babae na ikinalaki ng mata ko. Agad ko tinignan si Mike ng makahulugan at ngumiti ng nakakaloka. "Ahh.. so ikaw pala yung cru--" bigla namang tinakpan niya yung bibig ko at halata ang pagkakaba sa itsura niya. Haha! Huli ka ngayon. "Umaandar nanaman pagka chismosa mo. Go to your class." utos sakin ni Mike. Umalis nalang ako ng natatawa sa itsura niya. Kilala ko si Eulaiza pero sa name lang. Manager siya ng team nila Mike at alam kong matagal na may gusto si Mike sakanya. Nalaman ko lang noong nakita ko yung notebook niya na may nakasulat na "Eulaiza Servañez Love Mike Sixon" sa likod. Ang corny. Mike Sixon's Pov "Di ko pa nga po nakakausap ng maayos ang kapatid mo captain pinaalis mo na agad." sabi ni Eulaiza sakin habang naglalakad kami papunta sa klase. "Late na kasi siya. And how many times do I have to tell you na drop the po, Eulaiza." seryoso kong sabi sakanya. "Ahh, hehe. Nakalimutan ko captain. Pasensya na." "Hey! Captain.. pumupula yata tayo ngayon ah!" biglang sigaw ni Miguel nang makapasok kami sa room. "Anong pumupula? Baka pumuputi kamo." tanong naman ni Amiel na katabi niya. "Ah.. color blind lang siguro ako or sadyang slow lang kayo. Diba Captain." sabi ni Miguel saka nginitian ako. Alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Happy Holloween De Villan Unibershitii!!" napatingin lahat ng students sa biglang pagsigaw ni Kris na kakarating lang. "Tang*na. Wag mong sabihin na lasing ka nanaman Claret." sigaw ko sakanya. "Captain naman di ka pa rin sanay diyan?" natatawang sabi ni Clive. "Hoy Vargas nagsasaya lang ako kaya tumigil ka." sagot naman ni Kris sa kanya habang tinuturo pa siya. "Langya. Pag ikaw nahalata ni Prof." sagot nalang ni Clive at pumunta na sa upuan niya. Halos magkakatabi lang din upuan namin. "Teka, asan ang ibang Knights?" tanong ni Eulaiza. "Aba malay. Tinotopak nanaman siguro." sagot naman ni Miguel. After ng class namin ay dumiretso na kami sa headquarter ng Knights at naabutan naming natutulog ang iba. "May sunog!!" sigaw ni Miguel at ang mga gago naalimpungatan at nag panic. Tawa nalang kami ng tawa. Si Blake, Art at Teo kanya kanyang bitbit ng gamit. Si Blake lumabas ng walang suot na tsinelas. "Tangina Teo! Yung tsinelas ko akin na!" "Akin ito no. Gago!" sigaw niya habang palabas ng HQ. Lahat nag panic maliban kay Ryle na nagtago sa ilalim ng lamesa at hawak pa ang ulo. Nagkatinginan kaming lahat. "HAHAHAHAHAHA!!!" sabay sabay naming tawa habang tinitignan si Ryle. Si Clive hawak naman ang tiyan sa kakatawa. "Hoy De Villan! May sunog hindi lindol!" biglang sambit ni Kris. "Mga gago!" sabi ni Ryle habang lumalabas sa ilalim ng lamesa. Maya maya pa ay pumasok sina Blake sa HQ. "Sinong sira ulo ang sumigaw?" seryosong tanong ni Blake at nakatingin sa lahat maliban sakin. Umupo nalang ako sa sofa at pinanuod sila. "Hey buddy! Tara lunch na tayo. Gutom na ako eh." sabi ni Miguel at inakbayan si Blake. "Tangina mo. Alam naming ikaw yun!" sigaw ni Blake. "Bugbugin yan." sabi ni Blake at tumabi sakin. Lahat namang Knights dinumog si Miguel. "Hep! Hep! Hep! Tama na iyan. Tara lunch na tayo." awat ni Eulaiza nang maabutan ang mga Knights sa kagaguhan nila. Napapangiti nalang tuloy ako sakanila. Buti na lang at naging kaibigan ko ang mga ito. Lahat ng member ng Knights ay nakilala ko noong first year highschool pa lang ako. First year highschool kami ni Misha noong inenroll kami ng parents namin sa all boys and all girls school hanggang sa mag fourth year kami. Kaya mahigit limang taon ko na silang kasama. Buti na lang at parehong university ang pinasukan namin nung mag senior high school na kami at dahil yun kay Ryle. Kaya heto, magkakasama parin kami hanggang ngayon. Misha's Pov Matapos ang klase ko hinanap ko ang canteen para mag-lunch na. Pero nakailang ikot na ako ba't di ko pa rin makita. At huli ko na naisip na uso pala magtanong. Hayss. "Ahmm.. excuse me, Miss? Saan po ba yung canteen?" tanong ko sa babae. "Katabi po yun ng gym." sagot niya. Sabay talikod. Anak ng? Alam ko ba kung nasan yung gym? Napa face palm nalang ako at kinuha yung phone para mag pasundo kay Mike at sabihing andito ako sa may lobby malapit sa library. Pero di ko pa nasesend nang may mabangga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD