CHAPTER 2: Meet The Knights

1564 Words
"What the-- are you blind?!" sigaw ng lalaki sakin. "Sorry, di kita nakita." sabi ko at yumuko nalang. "Alangan. Mababangga mo ba ako kung nakita mo ako? Tss" aba't! Ang bastos ah. "Sorry na nga. By the way alam mo ba kung saan yung canteen?" tumutunog na kasi yung tiyan ko sa gutom kaya nagtanong na ako. "May mata ka naman diba? Find it on your own. If I know nagpapapansin ka lang." sagot niya at tumalikod. Duh?! sa itsura kong 'to magpapapansin lang? "Hoy! Ang hangin naman masyado ah? Oo gwapo ka pero di kita type no! Like duh?" sabi ko at aalis na sana pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Tinulak niya ako sa pader at ngumiti ng makahulugan. "Really huh?" sabi niya at nilapit ang mukha sakin. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko sa sobrang lapit niya. "Then, I will make you fall for me. Katulad ka rin nila I know." then he gave me a smirk. "In your dreams!" sigaw ko sabay tuhod sa bandang hita niya at tumakbo palayo. Gago yun ah. Ganun na ba siya ka confident sa kagwapuhan niya? Napailing-iling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. At dahil dun, natunton ko rin luckily ang canteen. "Hays. Andito ka lang pala kanina pa ako naghahanap sayo eh." sabi ko at pumasok na ng canteen. "Oy Misha!" narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya inilibot ko ang paningin ko. Pero sa sobrang daming tao nahirapan akong makita kung sino yun. "Hoy lola!" gulat niya sakin sabay sundot sa tagiliran ko. "Ay palaka na baog!" sigaw ko at agad ko namang nakita kung sino yun. "Mike!" "Palaka na nga baog pa. Bat ngayon ka lang?" "Hay nako gutom na gutom na ako. Alam mo bang napasabak pa ako sa adventure para mahanap lang yung canteen na ito?" reklamo ko sakanya. "Mamaya kana dumada diyan. Halika. Kumain na tayo." sabi niya sakin at inakbayan papunta sa table niya. Nakita ko naman agad si Eulaiza kaya ngumiti ako sakanya. "Captain! Ganda ng chiks mo ah. Pakilala mo naman samin yan." rinig kong sabi nung isang lalaki nang makalapit na kami sa table. Tinignan ko naman si Mike at nakita kong matalim ang tingin niya sa lalaking nagsalita nayun. "Oo nga captain. Reto mo ako sakanya." sabi pa nung isa. "Don't you dare. Idiots." "Grabe ka naman captain napaka damot mo." sagot naman ng isa at napasimangot pa. "She's my sister. My twin actually. So behave." ma awtoridad na sagot ni Mike sakanila. Kita naman sa mga mata nila ang pagka gulat. Napangiti nalang tuloy ako sakanila. "Gutom na ako.." reklamo ko ulit at dahil dun kumain na kami. After namin kumain ng lunch ay nag usap usap muna kami at nagpakilala narin. "Miss beautiful pakilala ka naman samin." sabi nung lalaking nasa kanan ko. Si Mike naman sa kaliwa ko katabi niya si Eulaiza. "Oo nga Ganda." sagot naman nung isa. Makapag salita sila parang wala si Mike sa harap nila eh. "Ahmm.. hello sa inyo. Mishaira Jans Sixon nga pala. Ang pinaka cute na kambal ni Mike. Yun lang. Madali lang naman tandaan pangalan ko eh." "Ako naman si Denver Lacson." sabi nung katabi ko sabay kindat sakin. "Misha ingat ka jan. Chikboy yan." sagot nung katabi ni Eulaiza na natatawa. "Oo nga Misha." sang ayon naman nung iba. "Grabe kayo sakin ah." sagot ni Denver at nagtawanan naman lahat. sumunod namang nagpakilala ay yung katabi ni Denver. "Tristan Fros at your service ang hugot king ng Knights. Can you be my queen?" "Haluh siya. HAHAHA." "Tinawanan ka lang Fros. Busted ka kaagad." sagot nung isa at nagpakilala naman. "Ryle De Villan ang pinaka gwapo sa lahat." sagot niya at inabot ang kamay sakin na agad ko namang tinanggap. "OMG? Anak ka ng may ari ng school?" gulat kong tanong sakanya. "Yup." "Can I take a picture with you?" sagot ko na ikinagulat ng lahat. "Woah. Wala na may nanalo na." sagot ni Denver na mukhang nadismaya. "Psh. Misha hindi siya leader ng isang group. Iba si Ryle kaya wag mo siya isama sa collection mo." suway sakin ni Mike na ikinasimangot ko naman. Hala bakit? Akala ko lahat ng anak ng may ari ng school leader ng isang... "Oww.. pang collection kalang pala eh." sagot naman ni Tristan kay Ryle at agad nag tawanan ang lahat. "Hoy! Bat kayo tumatawa ha?!" sigaw ko at tinignan sila ng masama at napatahimik naman sila. "Ehem. Sorry po." sagot ni Tristan. "Mas nakakatakot pa pala si Misha kesa sayo Captain." sagot naman ni Denver. At ako naman ang tumawa. "Bat niyo kase pinagtatawanan si Ryle eh hindi niyo pa naman alam kung anong collection sinasabi ni Mike?" "Collection ng ano ba iyan?" tanong naman ng isa. "Sikretong malupet. Next na." sagot ko at napakamot nalang sila ng ulo. "Kung nakakatakot ako, mas matakot kayo sakanya." singit naman ni Mike sabay tingin sakin. "Nye. Mas mabait ako kesa sayo no. Ikaw nga itong palagi--" agad naman tinakpan ni Mike yung bibig ko. "Nagiging madaldal ka nanaman. Tama na." "Mukhang may dapat tayong malaman kay Captain ah." sambit naman ni Eulaiza na biglang ikinapula ng pisnge ni Mike at napansin din yun ng mga Knights. "Tusukin ko kaya yang mga mata niyo." sagot ni Mike habang nakatingin sa kanila. At natawa nalang tuloy ako. "Ehem! Ahm.. Art Sevilla here." pag iiba ni Art ng topic. "H-hello Art." nakangiti kong sagot sakanya. "Clive Vargas, in front of you Miss beautiful." sagot nung isa at inabot ang kamay sakin. "Hello" sagot ko at tinanggap ang kamay niya. "Hello, I'm Teovie Careen" sagot naman ng katabi ni Clive at kinindatan lang ako. "Amiel Salvador here, binibini." at nginitian ako ng matamis na ginantihan ko din naman. Hala shocks. Bat ganun yung dimple niya? Nakaka akit. Whaaaaaa. "Blake Vanter." mas tipid na sagot naman ng isang ito. "Pasensyahan mo na badtrip lang yan." bulong nung isa. "Gago gusto mo bugbog?" tanong ni Blake. "Sorry na dahil pala sakin yun kaya na badtrip ka." sagot naman niya at tumawa ng malakas. "Anyway, I'm Luis Miguel Jester. Muguel for short and Luis for shorter." sabay abot ng kamay sakin. Halos nakapag pakilala na lahat maliban kay Mike at Eulaiza. Pati na sa lalaking mahimbing na natutulog. "Ehem! Eulaiza Servañez nga pala. Manager ng Team Knights." sagot ni Eulaiza at inabot ang kamay sakin. "Ako na magpapakilala sa isang yan. Siya si Kristian Claret. Kris for short." sabay tingin sa natutulog na agad naman ginising ni Amiel. "Lasinggero sa lahat." sabi ni Miguel sabay tawa ang lahat. Nagsitayuan naman na lahat at "Hays, ang dami niyo. Sana naman matandaan ko mga pangalan niyo." "Madali lang yan. Basta wag mo kalilimutan na si Ryle ang pinaka gwapo sa lahat." "Pinaka mahangin kamo." sagot naman ni Mike na ikinatawa namin. "Anyways, guys! 12:45pm na. Baka ma late kayo sa class niyo." "Ako wala akong pasok 2pm pa." sagot naman ni Denver. "So I guess, wala ka ring pasok?" baling sakin ni Mike. "Oo eh. Pero pupunta ako ng library ngayon. Advance study." sagot ko. "Bakit? STEM ka rin?" tanong ni Denver sakin at ikinangiti niya. "Woahh.. It means makakasama ko lagi si Misha." lumapit siya sa akin ay inakbayan ako. "Ikaw lang ba? Baka nakakalimutan mo STEM din ako." sagot ni Tristan at umakbay din sakin. Sa kanan ko si Denver at si Tristan naman sa Kaliwa ko. "Ehem!" singit ni Mike. "Captain naman. Kami magbabantay sa prinsesa mo. Di namin hahayaang may umaway dito." katwiran naman ni Denver na di parin tinatanggal ang kamay sa balikat ko. "Oo nga captain." sang ayon din ni Tristan. "Fine. Mauna na kami at baka mahuli kami sa klase. Ikaw babae mag iingat ka ha." bilin ni Mike sakin. "Oo naman. Ako pa ba?" sagot ko at nagpaalam na sakanila. Parehong ABM ang kinuha nila Eulaiza, Mike, Miguel, Amiel, Kris, Clive, Blake, Art, Teo and Ryle. Andami pala nila. "So tatlo lang tayo?" baling ko sa dalawa na nakaakbay parin sakin habang naglalakad. "Nope. Apat tayong sa STEM" sagot naman ni Tristan. "Ha? Sino yung isa? Tsaka bakit di ko kayo nakita sa klase kanina?" "Hayss. Late kaming tatlo kaya di na kami pumasok at nag practice nalang sa gym." sagot ni Denver. "Sino ba yung isa bat wala siya?" tanong ko ulit. Kanina pa ako nagtatanong ha. "Si Kaizer. Gwapo yun pero mas gwapo ako kaya okay lang na di mo siya makilala." sagot ni Tristan. "Hays. Wala naman ako pake kung gwapo yun o hindi. Anyway, dito nalang ako. Punta pa akong library eh." sagot ko nang mapadaan na kami sa harap ng library. "Sige. HQ nalang muna kami matutulog. See you later." - Denver "Seatmates tayo mamaya Miss beautiful ha?" sagot naman ni Tristan at ngumiti nalang ako sakanila bago pumasok sa library. Napailing iling nalang ako sa kadaldalan ng mga lalaking yun. Denver's Pov "Sa tingin mo Fros, papayag kaya si Captain na ligawan ko kapatid niya?" tanong ko kay Tristan habang naglalakad kami papuntang HQ. "Ulol ka ba? Sa sobrang daming babae mong napaiyak sa tingin mo papayag yun?" natatawang sagot niya sakin."Mukhang ikaw papayagan ha?" "Malay natin. Goodboy kaya ako." "Tanungin ko kaya si captain mamaya?" natatawa kong tanong habang binubuksan ang pintuan ng HQ. "Baka maparusahan ka lang pag ginawa mo yun." kumento naman ni Tristan. "Ginawa ang alin?" agad naman kami napatingin sa nagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD