LSIFIL S2 - Chapter 2

844 Words
Ross POV   Ramdam kong tensyonado ang mga tauhan ko sa opisina.  Kanina pa kasi ako nag bad mood kaya naman kunting mga mali ay nabubulyawan ko agad ang mga ito.   Hindi ko naman kasi mapigilan ang sarili kong di magalit. Sino ba ang hindi kung ginagawa mo na nga ang lahat para sa taong mahal mo e parang nagiging masama ka pa.   Dalawang buwan na kaming magkasintahan ni Herald. Lahat ng pinakiusap niya ay sinunod ko naman.  Pati nga yung pagtatrabaho nya ay pumayag ako kahit kaya ko naman siyang buhayin. Pero pakiramdam ko ay hindi nya iyon na a-appreciate.   Ilang beses na naming napag usapan ang mga bagay bagay gaya halimbawa ng pagkuha ng katulong na nauuwi sa simpleng di pagkakasundo.   Kanina nga ay muli nanaman siyang sumalungat na kumuha ng katulong. Gush!  Hindi man lang nya naisip kung bakit ko gustong kumuha ng katulong. Siya lang naman ang iniisip ko.   Usually, tinitext ko siya from time to time pero ngayong araw ay tiniis kong wag siyang e-text.   *****   Katatapos lang ng isang meeting ko. Paalis na ako ng conference room nang pumasok si mama.   "Are you ok son?" Tanong niya sa akin. Isang buntong hininga lang ang sinagot ko sa kanya. Bumalik ako sa kina-uupuan ko kanina. Maya-maya pa ay nagkwento na ako nang nangyari kanina.   "Hindi man lang niya naisip na siya lang naman ang inaalala ko. Pagod na nga siya sa trabaho niya, sa bahay magpapagod pa ulit." Naiinis kong pagtatapos ng kwento.   "Alam mo ba kung bakit ko gustong gusto ang batang yun?" Tanong ni mama. "Dahil siya yung tipo ng tao na hindi tamad at hindi palaasa."   "Siguro para sa iyo anak maliit na bagay iyon. Pero pagdating sa mga taong tulad namin malaking bagay iyon anak."   "Ma, magkaiba naman kayo ni herald eh..."   "Sa tingin mo ba ganito na ang katayuan ko sa buhay nang magpakasal ako sa papa mo? Ross hindi, katulad ni Herald kailangan kong patunayan sa marami na hindi ako basta basta magpapatianod nalang sa kagustuhan ng iba lalo na sa papa mo. Oo may pera ang papa mo pero ayokong isipin ng lahat na umaasa ako sa kinikita niya." Pagpapaliwanag ni mama. "Masasabi kong ganun ngayon ang nararamdaman ni Herald. Ayaw niyang mag mukhang palaasa sa iyo at magmukhang pabigat. Sa katayuan mo ngayon, maraming sisita at magtatanong, kung hindi niya gagawin ang alam niyang tama baka magulat ka nalang isang araw iiwan ka na lang niya."   Wala akong naisagot kay mama. kahit papa anu nakuha ko ang pinupunto niya.   "Alam kong nag-aadjust palang kayo sa isat isa but it doesn't hurt if you support him to his decisions. Sige na, tawagan mo na si Herald at mag sorry ka." iyon lang at iniwan na ako ni mama.       ******   Herald POV       "Wow, ang ganda naman ng cake na yan." sigaw ni kate, isa sa mga assistant baker. Kasalukuyan kong tinatapos ang cake na ginawa ko para kay Ross. Technically, sorry gift ko ito for him.   "Para yan kay sir Ross no?" kinikilig na wika ni Girlie.   Ngumiti nalang ako sa kanilang dalawa. Wala na rin naman akong masabi.   "Sir Herald, nasa labas po si Sir Ross, hinahanap kayo." Tawag ni Aya. Yung cashier ng store.   kahit nagtataka ay lumabas nalang ako. Tinignan ko ang orasan sa bisig ko. alas tres palang ng hapon. Nakita ko siyang naka upo sa isa sa mga upuan sa dining area. Nabigla pa ako nang makita kong may bitbit itong bouquet of flowers. Agad akong lumapit sa kanya.   Tumayo siya nang makita akong papalapit sa kanya.   "Ang aga mo ata, akala ko di..." naputol kaagad ang sinasabi ko dahil niyakap niya ako bigla.   "Sorry babe, I didn't mean to be rude kanina, nainis lang ako." Mahinang wika ni Ross.   "Its ok , may kasalanan din naman ako eh, kaya sorry din." tumugon ako ng yakap sa kanya. buti nalang at wala masyadong costumer.   "Siya nga pala, for you." Inabot ni Ross ang flowers na hawak. Kinuha ko ang bulaklak at inamoy.   "Di mo naman kailangan pang may ganito eh. Pero thank you." nakangiti kong wika. "Ay sandali lang, may kukunin lang ako sa loob." nagmamadali kong sabi sabay lakad takbong pumunta sa baking area.   Pagpasok sa loob ay sinalubong ako ng tatlo. manukso pa ang mga ito na tila kilg na kilig. Dali dali ko naman kinuha yung cake na ginawa ko at dina la sa kinaroroonan ni Ross.   "Hon, for you." nakaramdam ako ng konteng hiya. ngayon ko lang kasi ginawa ito. Yung mag bakefor him.   "Wow, gawa mo to for me?" Nakaka amaze ang reaction niya.   "Specially for you."   Tumayo ito muli at yumakap sa akin.   "I Love you so much babe." aniya habang mahigpit na yumayakap sa akin.   Nagpaalam nalang ako sa m ko para mag-early out. we ended up having date sa mall. nag-grocery, namili ng ilang gamit at kumain.   Alam kong hindi ito ang huling away-bati naming dalawa. Hindi rin naman kasi iyon maiiwasan sa isang relasyon. Ang mahalaga, bago matapos ang araw ay naayos na ang gusot at hindi na pinatatagal pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD