bc

Just Stop, We're in Love

book_age16+
1.0K
FOLLOW
2.6K
READ
friends to lovers
CEO
boss
drama
sweet
bxb
mxb
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula sina Ross at Herald sa simpling kasunduan hanggang sa tinutoo na nila ang kanilang relasyon. Sa kanilang nagiging disisyon, anu anu kayang mga hamon ang susubok sa kanila?

"Sinabi mismo ng tatay mo sa harapan ko na ikakasal ka! Ikakasal at hindi ako iyon. "

Panibagong mga tauhan ang papasok sa kanilang buhay.

makikisiksik.

makikigulo.

makikisaya.

Ito ang JUST STOP, WE'RE IN LOVE.

Season 2 ng Let's stop I'm Falling in Love.

chap-preview
Free preview
LSIFIL S2 - Chapter 1
Herald POV   Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng alarm clock. Hudyat na iyon na dapat na akong bumangon at maghanda ng agahan. Napabuntong hininga ako at bahagyang nag-unat sa aking kinahihigaan.  Dahanhahan kong iminulay ang aking mga mata atr tinanaw ang kinalalagyan ng alarm clock. Aktong aabutin ko na ito nang walang anu-anu ay may kamay na umabot niyon at mabilis na inihagis. Nagdulot iyon ng di kaayaayang ingay. Malamang sira nanaman ang pobreng orasan. Ika ilang beses ko na bang bili iyon?   Muli akong napabuntong hininga. Iginawi ko ang aking paningin sa taong naghagis ng orasan. Balik na ito sa kanyang kinahihigaan at animoy walang nangyari. Napailing nalang ako sa nangyari.   Ang totoo ay hindi na bago sa akin ang nangyari. Sanay na rin naman ako sa ugali ng lalaking ito. Ilang buwan na ba kaming nagsasama? Malapit na nga sigurong mag-isang taon. Kaya masasabi kong wala nang titindi pa sa saltik nitong si Ross.   Ikalawang buwan palang namin sa bahay na ito kung kaya hindi pa talaga ako nasasanay. Paanu naman kasi, panay bago ang mga kasangkapan at kagamitan. Ultimu ang kama namin ay bago. Wala naman akong magawa nang magdisisyon siyang lumipat ng bahay malapit sa Mansion ng kanyang magulang dahil matagal na palang napagawa ang bahay at siya nalamang ang hinihintay na lumipat.   Kung tutuosin ay aalog-alog kaming dalawa sa laki ng bahay. Dalawang palapag ito at may apat na kwarto. Kukod sa malapad na sala at dining room. May entertainment room din at parang office. Basta pangmayaman talaga ang ayos. Anu pa ba ang iisipin ko e mayaman naman talaga sila. Kaya nga medyo nahihiya na rin ako.   Bumangon nalang ako sa kama at dumeretso sa banyo upang mag hilamus at mag toothbrush. paglabas ko nang banyo ay tinapunan kong muli ang tulog mantikang si Ross. Napangiti nlang ako at lumabas sa kwarto.   Agad kong tinungo ang kusina. Isa-isa kong inihanda ang lulutuin ko. Inihanda ko narin ang coffee maker. Ilang sandali pa ang nagdaan ay nakapagluto na ako ng breakfast. Nang matapos ay inihanda ko na ang lamesa para sa aming dalawa.   Naging abala ako sa pag hahanda nang lamesa kung kaya hindi ko namalayan ang paglapit ni Ross. Agad itong yumakap sa aking bewang at isinubsub ang mukha nito sa aking leeg.   "OH gising ka na pala?" Tanong ko. "Tamang tama pwede nang mag almusal."   "Five minutes..." mahinang wika nito habang patuloy ito sa pagyakap sa akin.   Hindi na ako nagtanong pa kung anu ang ibig niyang sabihin dahil isa ito sa mga paglalambing niya. Mula ng maging kami ay panay na ang lambing nito sa akin. At isa ito sa mga yun. Yun bang bigla bigla mula sa likod ay yayakapin ka at mananatiling nakaakap ng ng matagal.   "Kung hindi lang kita mahal..." ako   "I know. Kaya nga masaya ako."   Kumalas siya sa pagkakayakap at iniharap ako sa kanya. Dahil may katangkaran ito ay bahagya akong nakatingala.   Muli niya akong niyakap. Nadama kong lumapat ang kanyang labi sa aking noo.   "I love you, Always. " usal nito.   Napakalas ako sa yakap niya at tinitigan ang kanyang maamong mukha. Ito ang mukhang hinding hindi ko pagsasawaan.   "Ang aga mong maglambing ha... " tukso ko sa kanya. "Kain na tayo at baka malate pa tayo sa trabaho..."   Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil kinintalan na ako ni Ross ng halik sa labi. Isang banatad na halik.   "I love you too lang dapat ang sinasabi mo Babe. Para ganahan ako sa buhay! " nakangiting wika nito.   Hindi na ako nakapagsalita pa. Keaga aga puro pasweet itong si Ross.   Labis kong ipinagpapasalamat ang pagdating ni Ross sa buhay ko.  Pakiramdam ko ay naging nakulay ang mundo ko nang dahil sa kanya.   Pagkatapos ng agahan ay inayos ko na ang pinagkainan namin. Samantalang umakyat naman si Ross sa kwarto para maghanda.   Kasalukuyan paring pinamamahalaan ni Ross ang Kompanya nila dito sa kamaynilaan. Samantalang ako, ay nagtatrabaho na sa isang Cake Cafe. Ayaw na kasi ni Ross na magtrabaho ako sa Resto Bar nina Exel.   Maayos naman ang pagsasama namin sa paglipas  ng dalawang buwan.   Laging kinakamusta ako ng mama ni Herald na tuwang tuwa nang malamang mayrelasyon na kami ng anak niya. Kung minsan ay sinasama pa ako nito sa mga lakad niya.   Subalit pinapaalahanan ko pa din naman si Ross na umayos kapag nasa publiko kaming dalawa. Hindi sa ikinahihiya ko ang relasyon namin kundi gusto ko lang manatili ang respeto ng mga tao sa amin. Kahit lahat ng mga kaibigan namin ay sinusuportahan kami,  hindi naman maiaalis na may mga taong judge mental.   Minsan ay nagiging dahilan pa iyon ng aming pagtatalo. Wala daw siyang pakealam sa ibang tao. Pero naaayos din naman namin ang mga gusot naming dalawa.   "Babe, kumuha nalang kasi tayo ng katulong." Mungkahi ni Ross. Kasalukuyan kaming lulan ng kanyang kotse papasok sa trabaho.   "Bakit pa eh kaya ko naman gawin yung mga gawaing bahay. " ani ko.   "Yun na nga eh, halos lahat ng gawaing bahay ginagawa mo.  Hindi ka na nakakapagpahinga ng tama." may bahid inis na wika nito. "Late ka na din kung umuwi minsan tapos maaga ka pang nagigising. "   "Ok lang naman sakin eh. Wag ka ngang O.A jan. " singhal ko sa kanya.   "So OA pa ako nyan, samantalang ikaw lang ang ang inaalala ko? " mukhang galit na ito.   Hindi na kumibo pa si Ross. Nagpatuloy nalang ito sa pag mamaneho.   Narating namin ang Cake house na pinagtatrabahohan ko na hindi nagkikibuan. Pagkatigil nito ay agad akong bumaba.  Agad ding lumisan ang kotseng drive niya. Hindi manlang umimik ito.   Confirmed, umiral ang saltek ni Ross.   Well, hindi lang naman ngayon yan. Ilang beses na din namang nakakaroon kami ng pagtatalo kaya huminga na lang ako ng malalim at pumasok nalang sa cake house na pinagtatrabahuhan ko.   Naging maayos naman ang buong  umaga ko. Marahil dahil ito sa kaliwat kanang pagawa ko ng cake na order ng isa sa mga galanteng costumer ng cake house.   Break time na nang makapagpahinga ako ng lubos.  Agad kong kinuha ang aking phone at tinignan ito. Isang malalim na paghinga ang nagawa ko dulit ng pagka dissapointed ko dahil hindi man lang nagtxt si Ross.   "Lalim nun ah. " napatingin ako sa pinangalingan ng boses. Napangiti ako nang mapagtanto kung sino iyon.   "Bawal dito ang hindi impliyado." nakangiting wika ko. Ilang linggo na rin ang huling beses kong nakita ang mokong na ito.  Lumapit ako sa kanya at napayakap.   "May problema ka nuh?"  Tanong nito.   Talagang kilala na ako ni Excel.  Sa bawat problema  naman kasing dumadating sa amin ni Ross,  siya ang nilalapitan ko.   Niyaya  niya akong mag kape sa starbucks sa di kalayuan. Nang maka order at makaupo ay agad nuya akong inusisa.  Naikwento ko naman sakanya ang nangyari . Maging ang mga araw na wala siya.   "May kasalaman ka din naman pa eh. " Nahinahong wika nito.  Tumingin ito sa akin. "Kung ako ang boy friend mo ay ganun din ang mararamdaman ko. Aba, binibigay ko na sayo lahat para lang marandaman mo kung gaanu kita ka mahal tapos ikaw parang ikinahihiya mo yun? "   "Ang akin lang naman ay ayokong nagmumukhang pabigat. Alam ko naman na mahal nya ako.  Pero ayaw ko din namang mawala ang mataas na tingin ng ibang tao sa kanya." malungkot na sagot ko kay Excell.   "Pwede rin naman kayong magkasundo sa mga bagay bagay ah? May trabaho karin naman. Para walang masabi ang ibang tao ay pwedeng share kayo sa gastusin sa bahay. O di naman kaya pwedeng ikaw ang mag pasahod ng katulong. " Suwesyon ni Excel.  Napaisip ako sa mga sinabi niya.   "Alam kong naninibago ka sa relasyon nyo dahil unang beses mong sinubok ito. Pero ganun din naman si Ross.  Nakikita ko na pinipilit niyang gampanan ang maging mabuting boyfriend."   Tama si Excel.  Ngayon ko lang napagtanto na nagiging selfish na ako.  Hindi ko man lang na iisip na mahirap para kay Ross ang lahat ng ito ngunit pinanindigan niya.  Ako,puro nalang sasabihin ng iba ang iniisip ko.   Nang makaalis si Excel ay agad akong bumalik sa baking area.  Parang may sariling buhay ang mga kamay ko at kusa itong kumilos at kumuha ng mga sangkap. Namalayan ko nalang ay gumagawa na pala ako ng cake.  Cake para gawing peace offering ko kay Ross.  Ang lalaking nagmamahal sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.0K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

NINONG III

read
364.7K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.5K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook