Ross POV Naging abala ako ng sumunod na araw dito sa Cebu dahil sa isang business pitch. Gaya nga ng inaasahan ay palaging nakabuntot si Tina sa akin. Hindi ko na lamang pinapansin dahil naghahabol kami ng oras. Kinakailangan maapprove na ang proposal nang maumpisahan na ng maaga. I was planning to see Herald this evening when Mr. Navarro decided to have a night out. Since I can't say no, I was forced to go with them. Tina, on the other hand, is excited. "You know Ross, napakasuwerte mo, biruin mo sadinami dami ng lalaking nagkagusto kay Tina pero ikaw ang pinagkakainteresan." Seriously, hindi ko iniexpect to. "Peter, h'wag mo nga akong tuksuin. Nakakahiya may mga kasama tayo." Napakunot noo ako sa inaasta ng babaeng ito. Muntik ko nang makalimutan na first name basis pa si

