Herald POV "What? He is your younger brother? Kelan pa nangyari yun?" Bulalas ni Ross ng ako naman ang nakwento. Hindi na kami nagtagal sa prisinto dahil nakakahiya namang doon pa kami magsiwalat ng mga rason sa mga nagyayari sa amin. Ang ending ay nasa malapit na cafe kami napadpad. Pinauna ko nalang nga sina Matthew sa Page One dahil mukhang matatagalan ang pag-uusap namin. Katatapos lang niya magpaliwanag ng kanyang side. Bahagya man akong nabunutan ng tinik dahil sa pagsasabi niya ng totoo ay hindi ko parin maalis-alis sa dibdib ko ang kaba. Kung tama ang hinala ni Ross na gumagawa na ng paraan ang kanyang ama para matigil ang namamagitan sa aming dalawa, nakakasiguro akong hindi ito ang huli. "Believe it or not, he is." Sagot ko. Medyo nahihiya nga ako. "Kaya ako na lang

