Ross POV Pak! Isang malutong na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Namayani ang sakit na para bang nadama ng buo kong katawan. Tinignan ko ang taong may gawa sa akin noon. Makikita sa kanyang mukha ang galit. Napaismid na lamang ako at umayos ng tayo. Anu pa nga ba ang aasahan ko sa matandang ito. "Isa kang inutil! Ni sa panaginip ay hindi ko inaasahang magagawa mo ang kagaguhang ito, Ross. You really disappoint me!" Sigaw niya. Hahatawin pa sana ako nito nang kanyang kamay kung hindi lang pumagitna si mama. "Ako ang saktan mo, Anton at wag si Ross." Mariing wika ni Mama. "Kung makaasta ka ay akala mo napakagaling mong ama." "Wag kang makialam dito, Claire. Kaya lumalaking walang kwenta yang anak mo dahil sa pagkukunsinti mo!" "At ang anak ko pa ngayon ang walang kw

