Chapter 2

1673 Words
Chapter • Two I can still remember the fairytales mom used to tell me at night. How the prince fell in love with the girl in the story, how he danced her gracefully, how he stared at her with so much admiration, how he kissed her with so much affection... Palagi kong iniisip noon, nakakatulog kaya sila pagkatapos ng gabing 'yon? Pagkatapos ng unang halik? Now I know how it feels and I've been sleepless for nights because of it. Parang hanggang ngayon, nararamdaman ko pa ring nakalapat ang malalambot niyang mga labi sa labi ko. Totoo pala ang sabi ng pinsan kong si Melanie. Halik palang ulam na. Akala ko noon exaggerated lang siya. Hindi ko naman inakalang nakakabaliw pala talaga ang first kiss. "Mukhang ilang araw ka nang hindi nagmumukmok, Gail. Maganda ang ganyan." Ani Nurse Jane habang pinapainom niya ako ng gamot ko. Pilit lamang akong ngumiti. Sana hindi niya makita ang pagpula ng pisngi ko. Narinig ko ang paglapag niya sa mga gamit niya sa side table. "Siya nga pala, alas dos ang schedule mo ngayon ng chemo." Napawi ang kurba ng mga labi ko nang marinig ang sinabi niya. Great. Now I'm back to my cruel reality. Chemo ang isa sa pinaka-ayaw ko. Wala rin naman kasing naitutulong. Nanghihina lang lalo ang katawan ko. Nalalagas ang buhok ko at suka ako ng suka pagkatapos. Sigurado ako lalong babagsak ang katawan ko dahil sa session mamaya. Balak na yata akong patayin ng doktor ko. "Pwede bang h'wag na lang akong magchemo mamaya? Mamamatay na rin naman ako. Gastos lang 'yon wala nang naitutulong." Inis kong sabi sa kanya. Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga. Alam kong hindi na naman niya nagustuhan ang sinabi ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay saka niya ito bahagyang piniga. "H'wag ka namang ganyan, Gail. Para sa ikakabuti mo ang chemo. Ayaw mo na bang mabuhay?" Bakas ang awa sa kanyang tono. Ihinarap ko sa ibang direksyon ang aking ulo. Sino bang hindi? Kaso kapag buhay na ang umayaw sayo, wala ka nang magagawa. "Nagsasayang lang ng pera si mama imbes na ipambayad na lang sa tuition ni kuya Howell sa darating na semester, napupunta pa rito." Untag ko. Muli siyang napabuntong hininga. "'Yon na nga ang masakit, Gail eh. Ikaw itong inuuna ng mga mahal mo sa buhay pero kung sumuko ka ganyan-ganyan na lang. Hindi mo ba kayang lumaban kahit para man lang sa kanila?" Gusto kong matawa. Wala kasi siyang alam sa hirap na pinagdaanan ng pamilya namin no'ng mawala si papa. Lahat ng rangya ng buhay namin biglang naglaho. Hindi nila alam kung gaano kasakit na marinig si Mama na umiiyak gabi-gabi dahil sa mga problema niya at kung paano niya kami bubuhayin. Hindi ko na kaya pang marinig ulit 'yon. Atleast kapag nawala na ako, mababawasan na ang problema ni Mama. Si kuya sigurado ako hindi na niya kailangang makiusap sa school nila kapag kinakapos ng pambayad. Kahit naman nagbabangayan kami, naaawa ako sa kanya kapag dumarating ang exam at wala pang pera si Mama. Mahal ko sila. Pero hindi lahat ng pagmamahal dapat pinaglalaban. May ilan na mas magandang binibitawan na lang para rin sa ikabubuti ninyong dalawa. Not every love is worth fighting for. Not because they are not worth it but because you aren't. You should just let go if you know they'd be better off without you. Nang hindi na ako kumibo ay mahina na lamang niyang piniga ang kamay ko saka ko siya narinig na naglakad. Mayamaya ay narinig ko na ang pagkuha niya sa wheel chair ko. Inalalayan niya akong makaupo sa wheel chair. Mabuti na lang at malaking babae si Nurse Jane at maliit lang ako. Hindi siya masyadong nahihirapan sa akin. "Ipapasyal na muna kita sa garden para mabawasan naman ang lungkot mo." Untag niya. Hindi na ako umimik. Pakiramdam ko kapag naririnig ko ang salitang garden, umiinit kaagad ang mga pisngi ko. Habang itinutulak ni Nurse Jane ang wheel chair ay hindi ko maiwasan ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Nitong mga nakalipas na araw, hindi ko na muling nakausap ang lalake pero ewan ko ba. Pakiramdam ko, palagi na lang may pares ng mga matang nakatingin sa akin. Nagmamatyag at tila binabantayan ako. I am not paranoid. Sadyang lumakas na lang ang pakiramdam ko magmula noong nawalan na ako ng kakayahang makakita. Unti-unti ko nang naririnig ang lagaslas ng tubig. Hininto ni Nurse Jane ang wheel chair saka siya naglakad patungo sa fountain. Siguro ay naupo ko sa semento no'n. "Ang ganda ng pagkaka-landscape nitong garden. Gusto mo ba idescribe ko sayo, Gail?" Masaya niyang sabi. Umiling ako. Hindi ko kailangan ng ibang tao para magsilbing mga mata ko. Alam ko namang kaya lang siya mabait sa akin kasi naaawa siya sa akin. Siguro iniisip niyang dapat akong kaawaan. "Gusto kong maiwan muna dito. Gusto kong mapag-isa bago ang chemo." Walang emosyon kong sabi. "Ayaw mo bang makipagkwentuhan? Mas makakatulong 'yon sayo para hindi ka na malungkot." Bakas ang pag-aalala sa kanyang boses. Hindi ako nagsalita. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko. Mayamaya ay narinig ko na ang pagbuntong hininga niya. "Sige na nga..." Humakbang siya palapit sa akin at nilock ang mga gulong. "Ayan para hindi ka na ulit mahulog sa tubig." Hindi na ako nagsalita. Ang alam niya ay aksidente akong nahulog sa tubig dahil nilalaro ko ang lagaslas ng tubig sa fountain. That guy is a pretty good liar, too. Mahina niyang tinapik ang balikat ko. "Babalikan na lang kita mamaya." Untag niya bago siya tuluyang naglakad paalis. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata ko kahit na wala naman na akong nakikita. Ninamnam ko ang sariwang hangin at ang tunog ng tubig ng fountain. This is a better therapy. Mas narerelax ako kapag narito ako. Ilang minuto na akong nasa ganoong posisyon nang muli kong maramdamang hindi na ako mag-isa. May mga matang nakamasid...na naman. Sa pagkakataong ito, tila may nagtulak sa akin na magsalita na. Lumunok ako bako ko ibinuka ang aking bibig. "Speak. I know you're there, staring...again." I mumbled. "I'm not staring..." His sweet voice answered. Napakasarap talaga sa tenga ng boses niya. Nasa may fountain siya. Doon nanggaling ang kanyang boses. "Then what are you doing?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Mayamaya ay narinig ko na ang mga yapak niya palapit sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko nang humawak siya sa magkabilang armrest ng wheel chair ko saka niya inilapit ang kanyang mukha sa aking tenga. "Appreciating a beautiful masterpiece by God..." He chuckled. And the moment I heard him chuckled, my heart almost skipped a beat. Naramdaman ko ang pagpula ng mukha ko. Iba talaga ang epekto ng lalakeng ito sa akin. Mayamaya ay umayos siya ng tayo. Naririnig ko ang mga pagkilos niya pero hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Narinig ko ang pagtunog ng lock ng mga gulong g wheel chair ko. Hindi na ako nakakibo nang itulak niya ang wheel chair palapit sa fountain. Nang maipwesto niya ako ay bigla niya akong binuhat at iniupo sa semento ng fountain. Muntik na akong tumili. Mahina naman siyang humalakhak. "Relax, kitty cat... This is better. Kahit pa'no, you won't feel too sick." He mumbled. Maingat niya akong inalalayan. Nakasuporta sa likod ko ang isa niyang braso. Sigurado akong nakikita na niya ang pamumula ng mukha ko. Ang init init na ng mga pisngi ko dahil sa sobrang lapit niya. "P-para saan ba 'to?" Nauutal kong tanong. Hindi ko siya nakikita pero naramdaman ko ang pagngiti niya. "Therapy..." He said softly. Mayamaya ay naramdaman ko na lang na may ipinasak siya sa isa kong tenga. Ilang sandali pa ay tumugtog ang isang napakagandang kanta. Am I asleep, am I awake or somewhere in between? I can't believe that you are here lying next to me. Or did I dream that we are perfectly intwine? Like branches on a tree or twigs got on a vine. This is the first time I heard this song but I instantly fell for it. The words, the clarity, the harmony of it made me feel better. And listening to it with this mysterious guy made me even better. I don't know why he has this kind of effect on me. Napakakomportable ko sa kanya. Hindi naman ako ganito sa ibang tao. Napalunok ako nang maramdaman ang paghawi niya sa ilang hibla ng aking buhok na napunta sa aking mukha. Nagwala pang lalo ang dibdib ko nang marahang hinaplos ng kanyang hinlalaki ang pisngi ko. "You shouldn't waste your life. Someone up there took his time creating such an exquisite work of art..." He whispered. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang pag-init lalo ng pisngi ko. Binobola na ako nito kilig na kilig pa ako. Mahina akong tumawa saka ko iniling-iling ang aking ulo. "I'm sick but it doesn't mean I'm that stupid to believe this flattery." "Who told you it's not true?" His sweet voice mumbled. I can feel his brow raised. Hindi ako nakakibo. Para na akong lalagnatin dahil sa sobrang pamumula ng mukha ko. Hindi ba niya iyon napapansin? Sana hindi na lang. Nang mamayani ang katahimikan ay unti-unti nang kumalma ang dibdib ko. Lumunok ako at naglakas-loob na magsalita. "Ano ba kasing pangalan mo?" Untag ko. "I told you. If I'll tell you, then I need to make you forget." Tugon niya. Kumunot ang noo ko. "Ang weird mo. Pangalan lang ayaw mo pang sabihin." Inis kong sabi. Mahina siyang humalakhak. "Trust me. You don't want to know my name." Lalo pang nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit naman?" Sandaling namayani ang katahimikan. Para bang nagbago na rin ang kanyang mood. Nararamdaman ko ang pagkapawi ng kanyang ngiti. "Coz I am someone who's not worth knowing. Not even worth it to be remembered..." May bahid ng lungkot sa kanyang boses. Bigla akong nanibago. "Bakit mo naman nasabi?" Puno ng pagtataka kong tanong. Naramdaman ko ang paghawak niya sa gilid ng aking ulo. Muli na namang nagwala ang dibdib ko nang ihilig niya ang ulo ko para makasandal sa kanyang balikat. "I am better left unknown. My name is something you will never wish to know. It's better this way, trust me... It's better this way." ******* Song: Truly Madly Deeply by One Direction
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD