Chapter • Three
Hinawakan ni kuya Howell ang buhok ko habang sumusuka ako sa banyo. Panay din ang paghagod niya sa likod ko para kahit paano ay guminhawa ang pakiramdam ko.
Kahit na hindi ko sila nakikita, alam ko kung bakit si kuya ang gumagawa nito. Paniguradong hindi kaya ni mama. Ayaw niyang iparinig sa akin ang mga iyak niya. Ayaw niyang ipakita sa akin na naaawa na siya.
Pero hindi ako manhid. Alam ko na lahat naman ng nakakakita sa akin, kinakaawaan ako...and I hate them all for feeling that way towards me.
This is my second session mula noong maconfine ako and it feels like hell already. My hair gets weaker because of the therapy kaya ang bilis malagas. Hindi pa ako nakakalbo pero panipis na ng panipis ang dati ay makapal at magandang buhok ko.
Inangat ko ang ulo ko at pinunasan ang aking labi. Naramdaman ko naman ang pag-abot ni kuya ng bimpo sa akin.
"Okay ka na ba?" Untag niya. Kahit na anong tago niya, medyo garalgal pa rin ang boses niya.
Pilit kong itinango ang ulo ko. "Salamat, kuya." I mumbled.
Itinulak na niya ang wheel chair pabalik sa kama saka niya ako binuhat pabalik dito. Nang maipwesto niya na ako, naupo rin siya sa gilid ng kama. Sigurado ako nakadekwatrong lalake siya ngayon gaya ng madalas niyang gawin tapos sinusuklay niya patagilid 'yong itim niyang buhok.
"Kamusta na kayo ni ate Marie?" Pilit kong pagsisimula ng usapan.
Natawa siya bigla. "Labo pa rin."
Mapakla akong napangiti. Kahit hindi ko nakikita, alam kong nakangisi si kuya ngayon habang iniiling ang ulo niya. Gano'n naman siya eh lalo kapag iyong crush niyang bestfriend niya ang napag-uusapan.
"You mean hindi mo pa rin talaga naaamin?" Tugon ko.
"Kailangan ba?" Untag niya saka niya tinapik-tapik ang gilid ng binti ko.
Napangiti ako. Ganito siya kapag taliwas sa sinasabi niya ang gusto niya. Kilalang-kilala ko na talaga ang kapatid ko.
Pilit ko siyang sinalat saka ko ginulo ang buhok niya. "Torpe. Syempre naman kailangan. Baka nga alam na niyang ikaw ang nag-iiwan ng sticky notes na love confessions sa loob ng locker niya eh."
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko saka niya ibinaba ang kamay ko. I'm sure nakakunot na ang noo niya ngayon. "Pa'no mo naman nasabi?"
Ngumisi ako. "Kasi sabi ni ate Marie, ikaw lang naman daw ang may access sa locker niya maliban sa kanya..."
"s**t! Seryoso?" Halata ang pagkatuliro niya.
Tinango ko ang aking ulo. "Joke lang daw na nabubuksan 'yon kasi hindi naman daw basta-basta 'yong podlock na gamit niya tsaka hello, kuya? Sticky notes po kaya ang gamit mo. Sa mismong likod ng locker door mo pa nilalagay. Kung sobre baka maniwala pa siyang may naglulusot no'n pero 'yong sayo masyadong obvious." Natatawa kong sabi.
"s**t naman. Ikaw nagrecommend no'n kasalanan mo!" Inis nigang singhal.
"You're welcome." I giggled.
"Talagang tatawanan mo pa 'yang kalokohan mo. Ikaw talaga wala kang kwentang kapatid. Ilalaglag mo pa ako." Natatawa na rin niyang sabi.
Itinulak ko siya palayo. "Puntahan mo na si ate Marie. Baka mamaya maunahan ka pa. Pinopormahan pa naman 'yon ni Charles."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Mayamaya ay tumayo siya at ginulo ang buhok ko. "'Di na. Mas okay na rin sigurong si Charles na lang. De kotse siya ako motor lang. Mapahamak pa si Marie kakaangkas sa motor ko."
"Asus. Nagself pity pa siya. Hindi mo bagay!" Natatawa kong tugon.
"Sira ka talaga. Diyan ka muna. Bibili lang akong pagkain." Untag niya. Kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko 'yong mapaklang ngiting nakaguhit sa gwapong mukha ng kapatid ko habang sinasabi niya 'yon.
Gwapo naman talaga siya. Matangkad siya dahil nagmana siya kay papa. Five nine ang height niya. Hindi siya moreno. Katamtaman lang ang kulay ng balat niya. Itim na itim din ang buhok niya at ang mga mata niya ay light brown ang kulay. Magaganda ang mga mata niya pero palaging naitatago ng salamin. Masipag siyang mag-aral kaya lumabo ang mga mata.
Sana lang mapansin din ni ate Marie ang magagandang bagay tungkol kay kuya Howell. I hope someday, they will end up together cause I know that my brother will be in good hands if he'll be with her. Despite of all the cat-dog-like fights, I still want the best for him. Typical siblings stuffs. We fight a lot but we are still each other's best ally.
Nang marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ay ihiniga ko na ang likod ko sa bahagyang nakaangat na kama saka ako naghum. I don't know but I really can't get that song out of my head. Kapag mag-isa na lang ako, palagi ko na lang 'yong naiisip...kasama ng lalakeng nagparinig sa'kin no'n.
Nangunot ang noo ko nang maramdamang lumubog ang parte ng kama sa aking tabi. A familiar men's perfume lingered in my nose. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko hindi dahil sa takot. It's because of something else I can't even explain.
"How did the session go?" He said softly. Napakalambing talaga ng boses niya.
"Useless and feels like hell." Tugon ko.
"Just like what I expected you'll say." He chuckled. Pati tuloy ako ay napangiti.
Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking pisngi. "Kaya mo naman palang ngumiti. You should always do that. Maybe things would be a bit better if you'll smile."
Napawi ang ngiti ko. "Buti sana kung ikakagaling ko ang pagngiti."
"Not for you but for the people who's still holding on to you." He mumbled. Natigilan ako dahil sa narinig.
Naramdaman ko ang pagkuha niya sa isa kong kamay. Mayamaya ay may ikinabit siya roon na tila isang bracelet na may mga palawit.
Kumunot ang noo ko. Nang bitiwan na niya ang kamay ko ay kaagad kong kinapa ang nilagay niya. May tila buwan itong mga palawit.
"You're really weird. You don't want to tell your name but you're nice with me. Bakit?" Untag ko.
Mahina siyang natawa. "The problem in this society is people always ask for reasons why someone is being nice to them. Can't we just be nice because it was what we should be in the first place?"
Hindi ako nakapagsalita kaagad. Kung sabagay, tama naman siya. Hindi nga lang din niya ako masisisi. Maraming taong nagiging mabait lang naman kasi alam nilang may mapapala sila sayo.
"Are you always nice to people? To patients like me?" I mumbled.
"Ewan. Baka. Siguro." Untag niya.
Kumunot ang noo ko. "Ang weird mo."
"Ang cute mo."
Natigilan ako dahil sa narinig. Biglang namula ang mukha ko at pakiramdam ko ay gusto nang tumalon palabas ng dibdib ko ang puso ko.
"S-sinungaling." Nauutal kong sabi.
Mahina siyang natawa. "You really have trust issues, kitty cat."
"Bakit ba kitty cat ang tawag mo sa'kin?" Kunot noo kong tanong.
"It's for you to find out..." Simple niyang tugon.
Napabuntong hininga na lamang ako saka ko kinamot ang gilid ng aking ulo. Hindi ko alam kung nakakatulong ba siya o minsan nakakasakit na lang din siya sa ulo.
"Since ayaw mong sabihin ang pangalan mo, magtatanong na lang ako. Ilang taon ka na?" Untag ko.
Hindi siya kaagad nagsalita. Tumayo siya at tila may dinampot mula sa side table saka siya muling naupo sa gilid ng kama. "Seventeen..." Untag niya. Kasunod ay ang pagkagat niya sa mansanas.
"Seventeen? So we're at the same age then." Bahagya ko pang naitango-tango ang aking ulo. "Anong itsura mo? Anong kulay ng mga mata mo?"
"My eyes? A combination of brown and green strands. Same with my mom. Trust me, you'll fall in love with my eyes." Tugon niya. I can feel him smirking while saying it.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Really, huh? Coming from someone who wants to remain anonymous." Untag ko.
A soft chuckle left his lips. "Just stating a fact, kitten."
Nagkibit-balikat na lamang ako. "What about your face? Your other features?"
Hindi siya kaagad kumibo. Tanging ang pagnguya lamang niya sa mansanas ang narinig ko. Mayamaya ay kinuha niya ang dalawang kamay ko saka niya ito inilagay sa kanyang magkabilang pisngi. "There. Go ahead and explore." He chuckled.
Awtomatikong namula ang mukha ko nang maramdaman ang malambot niyang balat. Napalunok ako ngunit hindi ko rin napigilan na kapain ang mukha niya.
I started tracing his brows. Katamtaman lang ito. Hindi makapal, hindi manipis. Tipong akala mo ay sinadyang gawing ganoon lang ang hugis.
Dumausdos ang mga daliri ko patungo sa kanyang ilong. Napakatangos nito. Naramdaman ko pa ang pawis na bahagyang namuo sa dulo nito.
Napalunok akong muli nang bumaba na ng tuluyan ang mga daliri ko sa kanyang malalambot na labi. Mas makapal ang ibaba keysa sa itaas. I can feel him smiling right now. May maliit na kurba ang kanyang mga labi dahilan para lalo pang magwala ang dibdib ko.
May kakaiba talaga akong nararamdaman pagdating sa kanya. Para akong nakokoryente. Para akong nawawala sa sarili. Pero kahit na gano'n, sa kanya lang din ako naging ganito kakomportable. Para bang humihinto ang oras sa tuwing kausap ko siya. At pakiramdam ko, wala akong sakit kapag nakakasama ko siya. Normal lang ang lahat. Masaya lang. Isang bagay na siya lang ang kayang makapagpadama sa akin.
"Tell me your name...please." I pleaded.
Naramdaman ko ang pagkapawi ng kanyang ngiti. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko saka iyon ibinaba pero hindi niya pa rin binitawan. Mayamaya ay nagpakawala siya ng isang malalim na hininga.
"I'm sorry but I really can't." Bakas ang lungkot sa kanyang boses.
Bumagsak ang mga balikat ko dahil sa narinig. Napaiwas ako ng tingin. "Why?" I asked for the hundredth time.
He brushed his thumb on the back of my hands. Ewan ko ba kung bakit bigla ko na lamang naramdamang lumungkot ang lugar.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Because you might come looking for me once you're out of here."
Natawa ako dahil sa narinig. "You really think I'd walk out of here alive, huh?"
Binitiwan ng isa niyang kamay ang kamay ko saka niya hinawi ang ilang hibla ng aking buhok. "You will. I promise you, you will."
There is something in his voice. He sounds assuring. Animo'y siguradong-sigurado siya sa sinabi niya.
Ngumisi na lamang ako. Alam naming parehong isang malaking kalokohan iyon.
"Let's assume I'd get out of here alive, bakit ayaw mong hanapin kita kung hahanapin nga kita? Don't you wanna get chased by me?" I mumbled emphasizing the last line.
"Chasing me will be the worst thing you could do. I'm not worth the chase, Shanny." Tugon niya saka siya tumayo at nagsimulang maglakad patungo sa pinto.
"No matter how much I want to be chased by you..." He murmured. Before I can even ask what he said, he already made his way out.
Ano raw 'yon? Hindi ko narinig ng maayos dahil bulong na lang.