Chapter • Four
Sa nakalipas na dalawang buwan ko sa ospital, marami nang nagbago. Bumagsak na ang katawan ko at mas humina pa ito. It's been three weeks since I loss my sense of sight and I can feel my other senses and abilities beginning to be taken away from me as well.
Bumagsak ang tasa na hawak ko sa sahig at tumapon ang laman nitong gatas. Kaagad namang lumuhod si Mama para pulutin ito. Narinig ko ang mga tunog ng kumakalansing na bubog kasabay ng pilit na pagtago ni Mama sa mga impit niyang hikbi.
"Ako na, Ma." Dinig kong sabi ni kuya. Hindi ko alam kung bakit may bahid ng inis ang kanyang tono.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero mukhang hindi sumunod si Mama. Nagpatuloy siya sa pagdampot sa mga piraso ng tasa.
"Ma ako na lang diyan." Ulit ni kuya pero wala pa rin akong narinig na sagot mula kay Mama.
Mayamaya ay napapitlag ako nang bigla na lang sinigawan ni kuya si Mama.
"MA, ANO BA?! SABING AKO NA EH!"
Sandaling namayani ang katahimikan. Ang malakas na t***k lamang ng puso ko ang tangi kong narinig. Mayamaya'y naramdaman ko ang pagtayo ni Mama at ang tila pagtakbo niya palabas.
Marahas na nagpakawala si kuya ng malalim na buntong hininga. Naglakad siya papunta sa harap ko at itinuloy ang ginagawa ni Mama kanina.
Naiinis kong itinupi ang mga braso ko. "Bakit mo naman ginanon si Mama? Hindi mo siya dapat sinisigawan, kuya." Hindi ko maitago ang inis sa aking tono.
"She needs a wake up call, sis. Pati siya pinanghihinaan na ng loob. Nanay siya hindi siya dapat gano'n umasta sa harap mo. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan." Walang emosyon niyang sabi.
Tumaas ang isang kilay ko. "Kailan pa nagkaroon ng ganyang rule? Kapag nanay wala nang karapatang makaramdam ng panghihina? Don't they deserve some time to just be a woman with a fragile heart? Babae pa rin sila, kuya. Being tough isn't a woman's nature. That's why we need men in our lives to be tough for us."
Mahina siyang natawa. "You're wrong, sis." Tumayo siya at pinunasan ang talsik ng gatas sa kumot na nakacover sa mga hita ko pababa sa aking mga binti. "It is not the man that makes a woman tough but life itself. The heartaches, the heartbreaks, the failures, the downfalls. Girls grow 'cause they get hurt. They get used to the feeling overtime and that's what's made them tough, not us. We only break hearts. We only do the easy part but girls do the hard ones."
Napailing ako. "You really learned a lot from Papa." Kinamot ko ang gilid ng aking ulo. "Sana lang naituro rin niya sayong masamang naninigaw ng nanay." Dismayado kong sabi.
Muli siyang marahas na bumuntong hininga saka niya tinapik ang balikat ko. "Sorry. Sige, pupuntahan ko si Mama para makapagsorry ako sa kanya." Untag niya.
Pilit na lang akong ngumiti saka tumango. Nang maiayos na niya lahat ay binuhat na niya ako mula sa wheel chair pabalik sa kama.
"Dito ka na muna. May gusto ka bang ipabili?" Tanong niya matapos niyang maiayos ang unan sa likod ko.
"Cheetos." I chuckled.
"Bawal nga ang kulit nito." Inis niyang tugon. Napasimangot ako dahil sa narinig.
Ginulo na lamang niya ang buhok ko. "Kapag gumaling ka na ibibili pa kita ng isang box no'n. Ubusin mo hanggang sa magsawa ka."
Mapakla akong napangiti. "If I'd get out of here alive..." I murmured.
"Gail, naman." Dismayado niyang sabi.
Hindi na lang ako kumibo. Ayaw ko nang magsimula ng pagtatalo. Masyado nang stressed-out ang kapatid ko. Pasukan na nila next week. Dapat iyon na lang muna ang intindihin niya.
Nang makaalis si kuya at naiwan na akong mag-isa sa kwarto ay hindi ko na naman maiwasang maghintay. Sa loob ng isang linggo, sa tuwing nag-iisa ako, palagi kong natatagpuan ang sarili kong naghihintay para sa lalakeng iyon. Isang linggo na magmula noong huli ko siyang nakausap.
It's been a week. I wonder, narito pa kaya siya o nakauwi na sila? Sayang naman kung wala na siya rito.
Mapakla akong napangiti nang kapain ko ang bracelet na ibinigay niya sa akin. Sabi ni Shinie, isa raw itong gold bracelet na may disenyong crescent moon. Ang pinakalock ay may nakapalawit na tila isang howling wolf. I'm sure this is beautiful. Sana lang ay nakikita ko ito. I'm always been fascinated with crescent moon. Iyon ang isa sa pinaka-inaabangan kong pagmasdan pagsapit ng gabi.
Lumipas ang maghapon na nabigo ako. Muli, hindi siya dumating. Nang tanungin ko si Nurse Jane kung narito pa sa ospital si Dr. Barrimore, sinabi niyang wala na ito dahil tapos na silang magvolunteer.
I have to admit. Nalungkot ako nang malaman iyon. Akala ko ay may makakausap pa ako rito. Inaamin kong napakakomportable ko sa kanya. There is something about his charm. Tila ba kaya niyang mapaamo kahit ang pinakamabangis na hayop. Hindi na ako nagtaka na nakuha niya ang loob ko kahit na isa ako sa pinakamailap na tao sa mundo.
Dumaan ang mga araw at mas nanghina pa ang katawan ko. Madalas akong magsuka at mawalan ng lakas.
Isang beses ay muli kong naisipang magpadala kay nurse Jane sa garden. Gusto kong magpahangin pero sa isang banda, para bang may nagtutulak sa akin na pumunta roon ngayon.
Tulad ng nakagawian, matapos akong maipwesto ni nurse Jane ay nagpaalam na siya na babalikan na lamang ako pagkatapos ng isang oras. Hindi ko pa man nahihiling ay ginawa na niya. Siguro ayaw na lang din niyang makipagtalo.
Huminga ako ng malalim at ninamnam ang sariwang hangin sa lugar. The hospital is a suffocating place. Good thing there's a place here that has fresh air. Nakakasawa na ang amoy ng mga gamot.
Muli kong kinapa ang mga palawit ng bracelet. Gumuhit na naman ang mapaklang ngiti sa labi ko. Kamusta na kaya siya? Siguro nakalimutan na niya ako.
Nahinto ang pag-iisip ko tungkol sa kanya nang maramdaman kong may tumayo sa harap ko. Umihip ang hangin at naamoy ko ang pamilyar na pabango. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Para bang nanabik ako sa presensya niya kaya ganito na lang kung magwala ang dibdib ko.
"Hi..." He mumbled softly.
Napangiti ako. "Hello. It's been a while."
A soft chuckle left his lips. "Yeah. Umuwi kasi kami. But I came back for you."
Lalong nagwala ang dibdib ko. I can feel my face turning red already. "F-For me?"
"Uh-huh." Lumakad siya patungo sa likod ng wheel chair ko saka niya iyon itinulak. "I bet you missed me." He chuckled.
Lalong namula ang pisngi ko. "H-hindi ah."
I can feel him smirking right now. "Really? You sure you didn't? 'Cause I did, you know..."
Gusto ko nang himatayin dahil sa narinig. Ibang klase rin ang isang ito. Hindi yata cancer ang papatay sa akin kun'di palpitation dahil sa mga pinagsasasabi niya.
Huminto ang wheel chair. Mayamaya ay binuhat niya ako bigla ng walang kahirap-hirap. Lalo tuloy nag-init ang mga pisngi ko.
Iniupo niya ako sa isa sa mga benches na naroon. Mukhang ilang metro na ang layo namin sa fountain dahil humina na ang lagaslas ng tubig.
"Seryoso, bakit ka bumalik? Kasama mo ba ang mama mo?" Untag ko.
Naramdaman ko ang pagtama ng tuhod niya sa hita ko dahil naroon ang aking mga kamay. Mukhang nagdekwatro siya.
"Ako lang. Isang tao lang naman pinunta ko rito." Deretsahan niyang tugon.
"Ahh..." Nahihiya kong sabi. Kinagat ko ang ibaba kong labi saka ako yumuko para maitago ang pamumula ng pisngi ko.
"The sunset is really a great view." He mumbled. "What a beautiful scenery for something that's about to end..." Makahulugan niyang sabi.
Hindi ako nagsalita. Naroon lamang ako at hinayaan siya. Hindi ko rin naman magawang hanapin ang mga tamang salita para makapagsimula ng isang matinong usapan.
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin pero kahit na gano'n, hindi ko maiwasang mailang. Nararamdaman kong nasa akin na naman ang titig niya. Sana lang hindi niya mapansin ang pamumula ng mukha ko kung hindi, nakakahiya.
Lalong nagwala ang dibdib ko nang hawiin niya ang ilang hibla ng buhok ko saka niya iyon inipit sa likod ng aking tenga. "Shanny..." His soft voice mumbled.
Lumunok ako. "Oh?"
"Once you're out of here, promise me you'll chase your dreams." He said softly. Hindi ko alam kung bakit may bahid ng lungkot ang kanyang tono.
Mapakla akong natawa. "Hindi ko nga alam kung lalabas pa ako rito ng buhay."
Hindi siya kaagad nakakibo. Mayamaya ay naramdaman ko ang pag-usog niya palapit sa akin. Hinawakan ng isa niyang kamay ang gilid ng aking ulo saka niya ako pinahilig sa kanyang balikat. Sumandal ang aking ulo sa kanyang leeg at lumapat ang kalahati ng kanyang dibdib sa aking likod.
This is awkward. I don't know who this guy is but he makes me feel so comfortable with him. He can easily turn my guards down. Tila ba kayang-kaya niya akong pasunurin sa mga gusto niya.
And right now, in this position, I felt safe. I've never been more comfortable. Para bang ligtas ako sa piling niya. Para bang kapag nasa malapit siya, buo na ako.
Nakagat ko ang ibaba kong labi nang haplusin niya ang aking buhok habang nakahilig ang aking ulo sa kanya.
"You'll get out of here alive. That's a promise..." He whispered.
Malungkot akong napangiti. Ang sarap mangarap na totoo kaso alam namin parehong hindi.
Inangat ko ang ulo ko at bumaling sa kanya kahit na hindi ko siya nakikita. Ngumisi ako. "At paano naman mangyayari 'yon?" Mapanghamon kong tanong.
Mayamaya ay napalunok ako nang hawiin niya ang buhok ko na tumatakip sa aking leeg. I can feel him smirking right now.
Nanlaki ang mga mata ko at tila naestatwa ang katawan ko nang bigla na lamang lumapit ang kanyang mukha roon. His warm breath sent chills down my spine. Napakapit ako ng mahigpit sa tela ng hospital gown na suot ko.
"It's easy..." He said hoarsely while the tip of his nose is brushing against my skin. "Just one bite and you will kiss all of these goodbye, honey..."
Dumiin ang pagkakakagat ko sa ibaba kong labi. I felt his canines touching my skin, caressing the sensitive part of my neck.
Naramdaman ko ang pagkuha ng isa niyang kamay sa kamay ko. He intertwined our fingers before he kissed a certain spot in between my neck ang my shoulder. Isang segundong nakalapat ang kanyang mga labi roon. Para na tuloy akong mahihibang dahil sa iba't-ibang sensasyong nararamdaman. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko.
"How I love to bite you here and claim you as mine..." He whispered right in front of my ear. Napalunok ako nang isandal niya ang kanyang noo sa gilid ng aking ulo.
"But I can't... You need saving not a death mark, kitten."