Chapter 5

1700 Words
Chapter • Five "Ang mysterious naman yata masyado? Kahit pangalan ayaw pang ibigay? Ilang linggo mo na ba 'yang nakakausap at bakit ayaw magpakilala?" Untag ni Shinie saka siya naupo sa tabi ko. Naririnig ko ang paglipat niya ng mga pahina. Siguro ay magazine na naman ang hawak niya. She really loves scanning magazines especially those issues about her favorite boy band. "Three weeks na yata pero hindi naman araw-araw na nakakausap ko siya. Minsan kasi bigla na lang siyang sumusulpot. Magugulat na nga lang ako nasa tabi ko na siya." Tugon ko saka ako kumagat sa saging na hawak ko. "Hmm...Baka panget siya. Alam mo na? Natatakot na madisappoint ka once na makita mo siya kapag bigla kang gumaling." Humalakhak siya. Napailing na lamang ako habang hindi mapigilan ang pagngisi. "I don't think so." I mumbled. Napahinto siya sa pagtawa. "Paano mo naman nasabi eh hindi mo naman nakita ang mukha niya?"  Bakas ang pagtataka sa kanyang boses. Nilunok ko ang pagkain sa bibig ko saka ako ngumiti. "Kasi hinayaan niya akong kapain ang mukha niya. Kung alam mo lang, Shinie. Grabe ang lambot ng balat niya tsaka ang perfect ng features niya." Narinig ko ang pagkamot niya sa kanyang ulo. Ganito si Shinie kapag may hirap siyang paniwalaang bagay. Tumayo siya at tila naglakad patungo sa isang parte ng kwarto. "For the first time, narinig din kitang pinuri ang isang lalake. Kahit nga kuya mo hindi mo naman pinupuri." Ngumisi ako. "Hindi naman kasi kapuri-puri ang isang 'yon." Humalakhak ako. Halos maiyak na ako sa kakatawa pero wala akong nakuhang sagot mula kay Shinie. Para bang nanatili lang siyang tahimik at pinapanood ako. Unti-unting humina ang pagtawa ko hanggang sa ngiti na lamang ang tanging natira. "Hoy, Shin. Anong nangyari sayo bakit biglang ang tahimik mo?" Untag ko. Mayamaya ay muli siyang naglakad palapit sa akin. Naramdaman ko na lang na yumakap siya sa akin. "Masaya lang ako." Halos pumiyok ang boses niya. "Tumatawa ka na kasi ulit." Nakagat ko ang ibaba kong labi nang marinig ko na ang mga hikbi niya. Kahit na nanghihina na ang mga braso ko, pinilit kong yumakap sa kanya pabalik. Namumuo na rin ang luha sa mga mata ko pero pinilit kong huwag na lang umiyak. Hindi iyaking tao si Shinie kahit pa iyon ang madalas na tingin ng ibang tao dahil nga mahiyain siya. She only cry when she's too overwhelmed or when she can no longer contain her emotions. She really hates being vulnerable in front of other people. Isang rason kung bakit nag-click kaming dalawa bilang magkaibigan. But other than that, the main reason why we are bestfriends is because we're the only one who sticked together during the hard times of each other. May iba kasing 'kaibagan' na kapag bumagsak ka na, nakakalimutan na nila na kilala ka nila. They only want their names to be linked to yours when you're on top. Pero kapag kailangan mo na sila, doon pa sila nawawala. Siguro isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit ako nagkaroon ng trust issues. Mahirap naman kasi talagang magtiwala sa panahon ngayon. Minsan nga, pati ang sarili natin, pinagdududahan na rin natin. We tend to question our decisions, our feelings, our actions. Nakakalito na minsan. Nakakapraning. Pero gano'n talaga. It's either we run away or we'll face it once the problem is there. When I decided to end my life that afternoon, I thought I was facing my problem. Akala ko iyon ang pinakamagandang paraan para tapusin ang problema pero ipinarealize sa akin ng lalakeng iyon na isang kaduwagan pala ang binalak ko. I'm not facing it. I'm actually running away from it without me noticing it. Kaya pala sabi ni papa noon, if it's easy then you're doing it wrong. My third chemo came. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Unti-unti nang kinukuha sa akin ang lakas ko. Sobra na akong namamayat at ang buhok ko ay nauubos na dahil sa therapy. "Ma medyo higpitan mo para hindi matanggal." Untag ko. Kaaagad namang ginawa ni Mama. Inayos niya ang balabal sa ulo ko saka siya naupo sa tabi ko. "Dito ka lang muna. Kikitain ko lang si Tito Luis mo. Papahiraman niya kasi ako ng pera." Ani mama. Bahagyang kumunot ang noo ko. "Si Tito Luis? Ma naman. Hindi ba ayaw nga niyang magtestify para sa kaso ni Papa tapos ngayon hihiraman niyo siya ng pera?" Dismayado kong sabi. Bumuntong hininga si Mama. "Anak nag-offer ang Tito Luis mo at sa kalagayan natin ngayon, wala tayong karapatang tumanggi sa kahit na anong tulong. Matagal na rin naman iyon. Hindi mo rin masisisi ang tiyo mo. Masakit para sa kanyang balikan ang mga nangyari." Hindi na lang ako kumibo. Ihinarap ko ang ulo ko sa kabilang direksyon. Muli tuloy napabuga si mama ng marahas na buntong hininga. Tumayo siya at hinaplos ang pisngi ko ngunit iniwas ko ang mukha ko. Hindi na siya nagsalita. Narinig ko ang pagdampot niya sa bag niya saka siya lumakad palabas. Ako naman ang marahas na napabuntong hininga nang tuluyang sumara ang pinto. Ayaw kong magtampo kay Mama pero sobra na ang ginagawa niya. Pati pride niya kinakain na niya ngayon makaipon lang ng pera para sa akin. Hindi ito ang prinsipyong iniwan ni papa sa pamilya namin. Mali ito. "You're frowning again, kitty cat..." Nawala ang malalim kong pag-iisip nang marinig ang kanyang boses mula sa di kalayuan. Ihinarap ko ang ulo ko sa direksyong iyon ng silid. Hindi ko alam kung bakit tila biglang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang boses niya. Matipid akong ngumiti. "I don't have any reason to smile so I frown." I muttered. Umalingangaw ang mga yapak niya palapit sa akin. Mayamaya ay naramdaman ko na ang paglubog ng parte ng kama sa aking tabi. Hindi kagaya noon, ngayon ay mas malapit na siya sa akin. Tumama ang siko niya sa braso ko senyales na napakalapit ng katawan niya sa akin. Naramdaman ko na naman ang mga nakakatunaw niyang tinig. Hindi ko tuloy maiwasang maconscious. Siguradong nagsisimula na namang mamula ang mga pisngi ko. "Beautiful..." He murmured before touching the cloth wrapped around my head. Mapakla akong natawa saka ko ibinaba ang kamay niya. "Are you kidding me? My hair is almost gone and I look like a freaking zombie. How on earth will I believe you?" "Bakit? Pag sinabi bang maganda dapat mukha lang ang basehan?" Umusog siya palapit pang lalo sa akin at hinawakan ang aking baba. Kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko kung paano niyang pinagmasdang mabuti ang bawat sulok ng mukha ko. "Sabagay, may sakit ka na't lahat, still, you're the most beautiful girl in my eyes..." Hindi ako nakapagsalita dahil sa narinig. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa mga sinabi niya. Yumuko ako at kinagat ang ibaba kong labi. Hindi ko magawang magsalita lalo na at alam kong nasa akin pa rin ang mga nakakatunaw niyang tingin. "You're turning eighteen this Saturday. What do you want for your special day?" He mumbled. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin. "Paano mo nalaman." Umismid siya. Mayamaya ay prente siyang nahiga sa aking tabi saka niya kinuha ang kamay kong may suot ng bracelet. Siguro ay pinagmamasdan niya ito. "I saw your chart. I was surprised when I found out that we actually have the same birthday." He mumbled. Bakas ang kurba sa labi niya habang sinasabi iyon. Lalong namula ang pisngi ko nang ipagsalikop niya ang mga palad namin saka niya ito ipinatong sa tapat ng kanyang dibdib. Siguro kung ibang lalake ito ay nakatanggap na ng sampal at suntok mula sa akin ngunit ewan ko ba kung bakit pagdating sa kanya, ganoon na lang ako kakomportable. Hindi na yata tama ito. "Birthday mo rin pala eh 'di dapat may ihanda rin ako para sayo." Untag ko. "Ngitian mo lang ako okay na ko." He chuckled. Muntik na namang magwala ang dibdib ko nang marinig ang halakhak niya. Pinalo ko ang dibdib niya gamit ang isa ko pang kamay pero mabilis niya itong hinuli at mahigpit na hinawakan. Tuluyang nag-init ang mukha ko nang ilapat niya ito sa tapat ng kanyang puso saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "On the night of your birthday, I'm going to give you a very special gift so you have to be strong until you reach eighteen. Pangako, pagkatapos ng birthday mo, magiging maayos na ang lahat..." He said softly. May kung ano sa boses niya. Tila ba masaya na may bahid ng lungkot ang paraan ng pagkakasabi niya sa mga iyon. Lumunok ako at ibinaling ng bahagya ang ulo sa kanya. "I hate surprises. Pwede ko bang malaman kung ano 'yon?" Matagal bago siya kumibo pero ramdam ko na nakatitig siya sa akin. Sana lang hindi niya mapansing namumula na ang mukha ko. Mayamaya ay lumapit siya sa akin at dinampian ng halik ang aking noo saka niya pabagsak na ihinigang muli ang kanyang ulo. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang iangat niya patungo sa tapat ng kanyang labi ang likod ng aking palad saka niya ito mariing hinalikan. This is weird. Dapat ay nagagalit ako sa mga ginagawa niya. Sino ba siya? We barely know each other pero kung makaasta siya, daig pa niya ang boyfriend dahil sa pagiging sweet niya. Pero ako naman kasi itong si tanga, hindi man lang magawang tumanggi. Parang ineenjoy ko pa talaga ang pagiging malambing niya. "Basta. I promise you, everything will be okay after that night." He said softly. Kumunot ang noo ko. "Hindi talaga kita maintindihan minsan. Napakaweird mo. Ano ba tayo at kung umasta ka, akala mo boyfriend kita. Ni hindi nga tayo magkakilala. Hindi ko nga alam ang pangalan mo." Isang mahinang halakhak ang kumawala sa kanyang mga labi. Mayamaya ay ibinangon niya ang ulo niya. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ng isa niyang kamay ang baba ko bago niya inilapat ang kanyang labi sa aking mga labi. Hindi siya gumalaw pero sapat na anv pagdikit ng aming mga labi para tuluyang mawindang ang buong sistema ko. Para akong kinuryente. Hindi ko nagawang makagalaw dahil sa iba'-ibang emosyong bumalot sa puso ko na tanging siya lang ang may kayang magdulot. Nang maghiwalay ang aming mga labu ay marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. Lalo pang nagwala ang dibdib ko dahil sa mga ginagawa niya. "You have no idea what we are my dear kitty cat..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD