KABANATA 3

2550 Words
03. Kanina pa 'ko tahimik simula nung nakaalis kami sa condo. Grabe, alam kong minsan nagiging crush ko si Sir Heath, pero ba't ako pumayag magpahalik? Gusto kong lumubog ngayon sa lupa at matunaw. Shit, Anniesyd! Boss mo pa rin 'yun! Inuuna mo 'yang kaharutan mo. Nasa kotse kami ni Sir Heath ngayon at papunta na ng NAIA. Hindi rin siya nagsasalita. Is he dissappointed? Parang gusto ko tuloy umuwi na lang at takbuhan si Sir. Takbo kaya ko mamaya sa airport? Kunware ay magba-banyo lang ako? Ite-text ko na lang na sumama ang pakiramdam ko at uuwi na lang? Hays! Kanina ko pa kagat kagat 'tong labi ko. Baka kaunti na lang ay malalasahan ko na ang metal na likido dito! Sa labas lang ang tingin ko, ngayon pa yata ako magkaka-stiff neck. Damn it! "Annie," biglang sabi nitong si Sir Heath habang nagma-maneho. Nagulat tuloy ako. "Yes, Sir?" "Drop the Sir," sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nasa kalsada pa rin ang tingin niya. "Drop the Sir. When we're already in Davao, we will be suspicious if you still call me that." Tumango na lang ako at tumingin muli sa labas. Okay, noted 'yun! "About earlier," mahina niyang sabi at bumuntong hininga. "I'm not sorry about our kiss. I'll be more often hold you 'pag nakarating na tayo doon but I'll try to limit myself. This fake fiance thing will end after a month, we will announce that we cancel the upcoming fake wedding and move on. It is not hard to do some act, okay? So, do your job and we try not to be caught. I'm just tired that they always try to meddle with me, every f*****g year." Tumango lang ulit ako. Pinili ka lang ni Sir Heath kasi walang choice. Okay, Anniesyd? Please note that to yourself. Pagkatapos ng isang buwan, ia-announce na off na ang wedding at tutuloy ka bilang secretary. Okay? Madali lang 'yan, Anniesyd. Madali lang. 'Wag mo lang bigyan ng meaning ang lahat ng gagawin niya sa'yo. Kaya mo naman 'yan. No feelings involve, please! Kung hindi, patay ka talaga! "You still don't wanna talk, huh?" sabi ni Sir kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin na pala siya sa'kin! "A-ano, Sir. Okay, noted," sabi ko at ngumiti. "Kunin mo 'yung box sa likod," sabi niya. Tinignan ko ang likurang upuan. Madaming box dito kaya tinignan ko siya. "Pandora." Ah, 'yung maliit na box na Pandora. Tinanggal ko ang seatbelt ko at bahagyang inabot ang box. Ang layo naman! Inaabot ko pa ng kaunti, medyo tumataas na ang t-shirt ko pero malapit na- biglang bumusina si Sir Heath kaya napabalikwas ako sa upuan! "Damn it, Annie!" Inaano ko ba 'to?! Muli kong inabot ang Pandora at nang nakuha ko na nga ay umayos  akong muli sa kinauupuan ko. Nag-seatbelt at inabot kay Sir Heath ang box. Nakakunot noo na naman siya! "Such a tease," asik niya. "Open it, Annie." Kinuha ko pa ulit ang laman ng box. Meron dun maliit na red box at pagkabukas ko, tumambad sa'kin ang makinang na singsing. Napakaganda naman! Simple lang siya at hindi gaano kalakihan ang dyamante pero sobrang ganda! Isa ito sa pinangarap kong suoting singsing. Simple lang at hindi gaano agaw pansin! "That's your engagement ring." Sa sinabi ni Sir Heath na 'yun ay nag-init ang tainga ko. Kinikilig ka ba, Anniesyd?! Sabing No feelings involve, eh! Nilabas ko ang singsing at ilalagay na sa daliri ko. Grabe, saktong sakto sa'kin. "Do you like it?" Nakangiti akong tumango kay Sir. Tinuloy ni Sir Heath ang pagma-maneho. Ako naman ay hindi mapigilan ang pag-ngiti dahil sa singsing. Sobrang ganda kasi talaga! I swear! Pinipilit kong 'wag tignan nang tignan para hindi mahalata ni Sir na gustong-gusto ko ang singsing na 'to pero hindi na 'ko nakatiis at kinuha ko na ang cellphone ko para kuhanan ng litrato. Mabuti na lang ay maayos ang mga kuko ko. Binuksan ko ang social media account ko at hinanap ang pangalan ni Nerys. Sa kaniya ko lang naman pwede i-send. Mamaya pagdating namin sa Davao ay sasabihin ko sa kaniya na hindi talaga trabaho ang ipupunta namin dun. Kung pwede lang i-post 'to at ita-tag ko sa'yo, paniguradong kakalat 'yun at magagalit ang may gusto sa'yo Sir. Magkakaroon ako ng mga bashers. "Yeah?" Narinig pala niya! Aayusin ko na talaga sa susunod, 'pag si Sir kausap ko parang nawawala ako sa pag-iisip at navo-voice out ako lagi! "O-oo, Sir. Ang dami kasing may gusto sa'yo." "You knew?" "One year na 'kong nagta-trabaho, Sir. Halos sa bawat meeting, conference at pagpunta mo sa iba't-ibang site ay may mga nagkakandarapa na makausap ka lang," sabi ko. Totoo 'yun, nagkakandarapa makausap siya kasi kung minsan hindi talaga siya nakikipag-usap kung hindi work related. Masyadong masungit si Sir kaya mas maraming nagkaka-gusto sa kaniya. Nakarating kami ng airport. Diri-diresto ang lakad ni Sir Heath. Hanggang dito ba naman maraming nakatingin sa kaniya? Ang head turner! Kahit mga foreigner na babae ay napapatingin sa kaniya. Siya ang may hawak ng maleta ko. Nakapatong lang dun ang isang shoulder bag na marahil ay kaniya. Wala man lang siyang gaano dala? Sabagay, pwede naman siya bumili doon. Mukhang diri-diretso pa rin ang lakad ni Sir Heath. Nasa tabi niya lang ako at medyo nahuhuli. Ayokong pumantay sa kaniya 'no. Baka may makakilala pa sa'min dito na sekretarya niya 'ko. Nakapunta kami sa ibang part ng airport. Hindi dito ang way para sa flight kasama ang ibang tao. Nakarating kami hanggang sa may maliit na eroplano at may pilotong naghi-hintay malapit dun. Naunang lumapit si Sir Heath dun sa piloto. Bago maglakad ay binitawan niya ang maleta. "Stay here," sabi niya at pinapirmis ako dito at siya ang lumapit dun sa piloto. Hindi naman na kalayuan, bakit niya pa 'ko kailangang iwan dito. Baka para pagsabihan 'yung piloto na nalinis na ba ang loob ng eroplano, baka may bakas pa ng mga babaeng sinakay niya na rin d'yan. I mentally rolled my eyes. Private plane pala ang sasakyan namin. Ba't hindi ko naisip 'yun? Isang Heath Del Mundo, bachelor billionaire. Of course, we take a private plane. Nung makalapit si Sir dun sa piloto, nag-fist bomb lang sila at nag-usap. Baka kaibigan na ni Sir. Ikaw ba naman magdala ng babae sa eroplano, syempre pagtatakpan niyang piloto na 'yan ang mga kalokohan ni Sir. Charot! Mga pinag-iisip mo Anniesyd! Sa isang taon kong pagta-trabaho nga sa kaniya ay ni-isang babae ay walang nag-tagal sa loob ng office niya. Matagal na ang tatlong minuto! Minsan naman, kapag may dadalaw sa kaniya na babae ay itatanong ko talaga muna kung work related ba ang pinunta kasi ayaw na ayaw ni Sir na nasasayang ang oras niya. May nasigawan na 'yan dati, hindi ko alam ang story pero hindi pa rin natigil dun ang mga ibang bumibisita sa kaniya. Matapos ang ilang minuto ay lumapit na sa'kin si Sir Heath. "Let's go," kinuha niya sa kamay ko ang maleta at kinuha niya rin ang kamay ko! "Our pilot is my cousin." Grabe naman! Hindi pa 'ko ready! Naglakad na kami papalapit. Hawak na niya ang kanang kamay ko. Okay, okay. Breath, Anniesyd. Breath. You can do this. Humawak pa ako ulit sa braso ni Sir Heath. Nilingkis ko ang kaliwang kamay ko. Ramdam ko ang pagkagulat sa katawan ni Sir dahil napatingin siya sa gawi ko. Ako naman ay nakatingin na rin dun sa piloto. He's smiling to us. Nang makalapit kami ay nagsalita si Sir Heath. "He's Eli, my cousin," pakilala niya. Naglahad naman ako ng kamay. "Anniesyd Ricavio. Nice to meet you," sabi ko ng nakangiti pero bahagyang inurong ni Sir Heath ang kamay ko. His cousin chuckled. "Eli. Nice to meet you too. I didn't know Heath could be possesive as heck." We both laughed. Si Sir Heath naman ay nakatingin lang sa'min. "Well, he doesn't need to be. He knew he already got me." Napasadahan ni Eli ang kamay kong nakasukbit sa braso ni Sir Heath. "You're already engaged?" "Yeah. So f*****g stop smiling ear to ear to my wife," baritonong sagot ni Sir Heath. Agad na napatawa si Eli. God! Ganito ba talaga pinsan ni Sir? Ang gwapo? Paano kaya ang iba nilang pinsan? The genes is totally mezmerizing! "When- but uh, f*****g finally! After how many girls our family introduced to you. We thought he was a gay 'cause he doesn't have any girlfriend ever since," binaling sa'kin ni Eli ng tingin sa huli niyang sinabi. Ang gwapo naman ni Sir Heath kung bading siya. But there's nothing wrong with being gay. "Can we just leave? Gio is been a pain in my ass. He's calling me non-stop!" sabi ni Sir Heath. "You know him. He can't stand to be in Davao. Hindi naman natin kasalanan na nauna sila ni Tita doon. I think he's now roasted because of Grandpa." Nagtawanan sila ng mahina. Naglakad na papunta sa eroplano 'yung pinsan ni Sir Heath kaya umakyat na rin kami. Matapos ang ilang minuto ay nasa himapapawid na kami. Hindi matanggal sa isip ko 'yung pinsan ni Sir. Grabe, kaparehas niyang mala-Adonis. May girlfriend na kaya 'yun? Sobrang gwapo rin, eh. Ganda siguro ng genes nila Sir. Paano kaya 'yung ibang pinsan nila? I never met them while I am working with Sir Heath. He just mentioned before that he has a cousins na halos hindi daw sila mga nagkakalayo ang mga edad. "Nervous?" biglang tanong ni Sir. Nakaupo siya sa katapat kong upuan. Nakaupo siyang pang-de kwatro. Umiling ako sa tanong niya. "You did good earlier." Mahina na ang boses na 'yun nung sinabi 'yun ni Sir Heath. Ngumiti lang ako at tumingin na muli sa madilim na labas. "What are your thoughts?" "W-wala." "Are you thinking about Eli?" "Hindi no! I mean, uh, hindi Sir Heath." "I told you to stop calling me that." "Okay, o-okay, Heath." He rolled his eyes. Ang sungit na nga, attitude pa! Sabi nung pinsan niya kanina, more or less before 9 pm kami makakarating. Then, biyahe daw ulit kami ng 1 hour pa para makarating sa Casa Del Mundo. Sana ayos lang 'tong pinapasok ko. We reached the airport in Davao at exactly 9 pm. Nang bumaba kami ay may van na naghihintay sa'min. May kumuha na rin ng sarili naming bagahe. Ngumiti sa'min 'yung matandang driver. Si Sir at ang pinsan naman niya ay binati ito. "Welcome back mga Sir. May kasama po pala kayo," sabi ni Manong. Heath's arm snaked around my waist. Bahagya akong nagulat pero ngumiti pa rin ako kay Manong. "My Fiance, Mang Doy," sabi ni Sir. Naglahad ako ng kamay. "Hello po. Anniesyd po," sabi ko. Muli, sa pangalawang pagkakataon ay mahinang hinawi ni Sir Heath ang kamay ko. Narinig ko tuloy ang asar ng pinsan niyang si Eli. "Talaga ho? Naku! Ako si Mang Dudoy! Napaka-ganda mo, Hija. Mabuti naman ay napag-tiyagaan mo itong si Sir Heath, mainitin ang ulo niyan-" "And possesive too, Mang Doy," dugtong ni Eli. "Maganda itong si Anniesyd, Sir Heath. Naku! Sana ay 'wag kang mauntog. Bilhan mo na 'yan Sir Heath ng helmet para hindi mauntog na pinili ka," asar ni Mang Doy. Naglalakad na kami palabas ng airport. "Mang Doy, we should buy that! Kawawa ang pinsan ko kapag natauhan si Anniesyd." Nagtatawanan lang kami. "Naku, hindi naman na po kailangan. Nauntog na po ako pero siya pa rin naman." Wow, sana nauntog na nga para hind ako magka-feelings lalo. Nagtawanan lalo kaming tatlo. Si Sir Heath naman ay naka-kunot na naman ang noo. Sumakay na kami sa van. Magkatabi kami ni Sir Heath. Si Eli naman katabi ni Mang Doy sa harap. Nasa biyahe na kami pero ang pakikipag-usap ko sa dalawang nasa harapan ay hindi pa rin tapos. "You need to rest," biglang sabi ni Sir Heath sa gilid ko. "Okay lang. Matulog kana muna, Sir. Makikipag-usap lang muna ako." His eyes met mine. "You're hyper." Humalukipkip siya sa gilid ko lalo at isinandal sa shoulder ko ang ulo niya. Siguro ay matutulog na siya. His right hand look for my left hand at pinagsiklop ang mga ito. Anniesyd, calm. Okay? Ilang araw lang 'to. Kaya mo 'yan. Stop your heart for beating so fast! Ilang minuto kaming natahimik dahil sa mahimbing na tulog ni Sir Heath. "Ang himbing na ng tulog ni Sir Heath," sabi ni Mang Doy at nakatingin gamit 'yung salamin. Napatingin rin sa'min si Eli. "Pagod po. Galing pa po kasi siyang trabaho." "Simula noong nagtapos 'yan ng pag-aaral, hindi na natigil sa trabaho. Mabuti na nga lang ay umuwi sila ngayon. Maigi na rin dahil sa mga balita." "Nandun na ba sila Hizon, Mang Doy?" tanong ni Eli. "Oo, Sir Eli. Si Sir Hizon at Gio na ang nandoon. Noong isang araw pa nung nagpatawag si Senyor." Narinig ko na dati na ang pinsan ni Sir Heath na si Hizon ang kadalasan nasa balita dahil sa politika. Tumatakbo kasi itong gobernador somewhere in Luzon. Ang ilang pinsan naman ni Sir Heath ay nababalita dahil sa na-resolba na mahirap na kaso. Pero hindi ko gaano kilala ang mukha nila dahil hindi ko natataon na nakikita sa T.V. Nang malapit na kami ay kusang nagising si Sir. Tulog ba talaga 'to o nagtutulog-tulugan lang? Pumasok kami sa isang malaking itim na gate na may initials na D.M. Nakita ko pa 'yun dahil sa ilaw. Parang gubat ang pinasok namin dahil wala akong makita bukod sa mga puno. Tumigil ang van sa tapat ng isang maliit na kubo. Sa gilid nun ay isang daan muli pababa. Pagbukas palang ng van ay yumakap sa akin ang lamig! Grabe! Nasa baguio yata kami! Sobrang lamig. May iilang kotse na rin ang nakaparada. Naunang bumaba si Sir. "Wait," sabi niya. Sinara niya ulit ang van. Iiwan niya ba 'ko dito?! Pero nakita kong binuksan niya ang likuran ng van. Ilang sandali pa ay binuksan niya muli ang pinto. Kaya pala sinarado, kumuha pala siya ng jacket. Naglakad kami pababa. Grabe ang ganda! May mga iilang poste ng ilaw kaya mas nakikita ko ang ganda ng daan. Sementado at parang park dahil sa iilang benched na meron! Habang naglalakad ay nakahawak pa rin sa kamay ko si Sir. Grabe, nanginginig na yata ang kamay ko sa lamig. "We're almost there," sabi ni Sir Heath. Tinignan ko naman ang banda sa unahan namin. May malaking mansyon na nga doon. Bigla akong ginapangan ng kaba. Sa paglapit namin lalo, mas humihigpit ang hawak ko kay Sir. Kinakabahan na nga ako, ang lamig pa! Nakikita ko na ang apat na tao banda doon sa labas ng  mansyon. Isang matandang babae at tatlong lalaki. 'Yung isa dun ay matanda na marahil ay asawa nung matandang babae. Naka-pulang roba 'yung babae. Habang papalapit ng papalit ay nakita kong nakakunot ang noo nung matandang babae. "Magandang gabi Senyor at Senyora," bati ni Mang Doy. Lumapit na rin ako sa kanila. Si Eli ay nagmano. Ganun rin si Sir Heath. Bago pa man ako makalapit ng tuluyan ay nagsalita siya. "Sino ang babaeng ito, Heath?" Hinawakan ako muli ni Heath sa bewang. Magmamano sana ako kaso mukhang hindi muna. "My Fiance, La," sabi niya. "What!?" Sa gulat ko ay mas humigpit lalo ang hawak ko kay Sir Heath. Mukhang mahihirapan ako sa pag-stay dito ng ilang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD