02.
"Siguraduhin mo na trabaho ang ipupunta niyo ni Sir Heath mo sa Davao, ha."
Ngumisi ako sa screen. Kausap ko ngayon sa video call ang pinsan ko. Si Nerys.
"'Di mo sure!" natatawa kong sabi. E, hindi ko talaga sure eh! Malay ko ba kung pag-trabahuhin talaga din ako ni Sir Heath doon.
Natigilan nga ako sa sinabi niya kagabi. Fiance? Tinanong ko siya kung bakit ako, sabi niya ako lang daw available? Ganon ba 'yon? Kung sino available siya gagawin mong Fake Fiance? Sabi niya rin dadagdagan niya sweldo ko, tho hindi ko naman kailangan kasi hindi naman ako gahol sa pera ngayon. Ewan ko kung bakit din ako pumayag. Well, maganda rin naman kasi sa Davao. Travel ko na rin ito mula nung nag-trabaho ako sa kumpanya nila Sir Heath.
"Kainis 'yan. Nasabi mo na ba kay Auntie na aalis ka? Naku, panigurado n'yan, magtatanong nang magtatanong si Auntie."
"Oo, nasabi ko na. Nakausap ko na siya kagabi sa video call din. Excited nga siya, e! Akala mo siya ang aalis."
"Nakapag-ayos kana ba?"
Tumayo siya upang siguro lumabas ng balkonahe ng kwarto niya.
"Akala ko ba..."
"Hindi ko pa nasasabi kay Mama." bumuntong hininga siya at umupo na.
"E, pano 'yan? Nako, baka itanan ka niyan ni Attorney!" asar ko. Natawa naman siya.
"H'wag ka nga maingay! Baka marinig ka ni Mama, maniwala 'yon. Kapag naka-tyempo na ako tsaka ko sasabihin."
"Basta Rys, nandito lang ako. Okay? Kung kailangan mo ng kahit ano, magsabi ka lang kaso kung pera parang meron naman na nun si Attorney!"
Umikot ang mata ng pinsan ko. Sabay kaming malakas na tumawa.
"Sige na. Tapusin mo na 'yang pag-aayos mo."
"Sus! Kakausapin mo lang Attorney mo, eh! Sige na nga, bye bye!"
"Ingat sa biyahe, Syd! I love you!"
Nag-flying kiss ako at in-end na ang call.
Isang oras matapos kong maligo ay nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit. Sabi ni Sir Heath, more or less nasa Davao kami ng mga 10 days. Iilan lang dadalhin ko. Na-conscious tuloy ako kung ano-ano ang mga dadalhin ko. Pamilya kaya iyon ni Sir Heath ang mga naroon. Reunion ba naman ng mga Del Mundo. Tinanong ko si Sir kung ilan lahat sila doon, ang sagot niya hindi na niya mabilang. Biglang gusto ko na nga umatras matapos niyang sabihin 'yon, e. Sasabihin na lang din daw niya sa akin ang plano kapag nandoon na kami. Bakit kasi hindi na lang ang isa sa mga ex niya ang kunin niya at sabihin na magpanggap.
Dahil sa pagpili ng mga damit, halos ilabas ko na lahat ang nasa cabinet ko. Pinili ko ang mga dress na hanggang tuhod at malamig sa mata na mga kulay. Hindi ko pwedeng isuot ang mga pang-party ko doon. Baka maiba tingin nila sa akin, kahit pa-paano naman ay aalagaan ko ang image ko sa reunion nila para kapag sasabihin na namin'g off na ang kasal.. masasabi naman namin na maayos kami o kaya civil na naghiwalay.
Wala ako masyadong dadalhin na make up dahil mukhang hindi ko naman ka-kailanganin. Okay na ang ganda ko sa sariwang hangin doon sa probinsyang parte ng Davao kung saan gaganapin ang reunion.
Tumunog ang cellphone ko habang nagtutupi ako.
Nerys:
Syd, aalis ako ngayon. Kapag nagtanong sa'yo si mama sabihin mo na nasa bar tayo. Salamat! Ingat sa byahe "How many calls should I do to pick up your damn phone?" malumanay pero nakakatakot na tanong ni Sir Heath. Tinignan ko ang phone ko at nakailang missed call na nga siya!
"Naglilinis lang ako Sir Heath," ang sungit agad kasi ng tanong niya. "Aalis na ba? Tapos na ako Sir mag-ayos, papunta na ako dyan sa harap ng building."
"No need. I'll pick you up there in your condo. Make us food, hindi pa ako kumakain."
Then he end the call. Kita mo 'to! Tatawag lang para paglutuan siya ng makakain.
Did he say he'll pick me here in my condo?!
Ano kaya nakain ni Sir at mukhang mabait na susunduin pa ako dito. Hindi naman makalat ang unit ko.
Lumabas na ako ng kwarto, binuksan ko ang T.V at dumiretso na ng kusina para tignan ang mga pangluto.
Favourite ni Sir Heath ang nilaga, so ayon na lang ang lulutuin ko.
Napatingin ako sa orasan. Halos 5 pm na rin. Nag-out ako kanina sa office ng 12 noon. Napaisip ako tuloy kung hindi pa siya kumakain simula kanina.
Nagsimula na akong mag-saing. Ilang cups lang since siya lang naman ang kakain. Hindi na ako naghe-heavy meal kapag 5 pm na.
Kinuha ko rin sa ref ang fresh mangoes, gatas at ice para gawing shake. Dadamihan ko na rin ito dahil ito na lang ang kakainin ko.
Sinuot ko na ang apron at nagsimula nang maghiwa at magluto ng nilaga.
Upon cooking nakikinig rin ako sa T.V. Nang marinig ko ang isang balita tungkol kay Heath Albert Del Mundo, ay napatingin at napangiti ako.
Noong naguumpisa pa lang ako sa trabaho ko kay Sir Heath bilang secretary, hindi pa ako sanay na marinig at makita siya sa T.V o sa kahit anong media. At the age of 26, he's now a succesful Engineer and bussiness man. Laman siya ng balita dahil sa kaniyang succesful career.
Noong nagpasa ako ng recquirements sa kumpanya nila ay hindi ko talaga inisip na makapasok dahil isa iyon sa napakalaking kumpanya ng bansa. Hindi ko nga aakalain na within that day, after kong ma-interview ay hired na ako. Ang dami kong kasabayan na gustong gusto talaga makapasok doon pero nung nandoon na ako, kaya pala agad akong na-hire kasi wala na naman iyong sekretarya ni Sir Heath. Napawi ang ngiti ko akala ko dahil sa credentials, skills or what.
Hindi naman mahirap ang trabaho. Kailangan mo lang intindihin ang mga gusto at ayaw ni Sir Heath. Nagpa-inom pa nga iyong isa naming ka-trabaho dahil umabot daw ako ng isang buwan. Nagpa-inom naman si Gab nung nag-isang taon na ako.
Matapos kong magluto ay saktong tumunog ang pinto.
Habang papunta sa pinto, iniisip ko kung si Sir Heath ba 'yon kaso kasi hindi naman niya alam ang condo ko. Hindi rin nakalagay sa curriculum vitae ko ang address ng condo ko ngayon. Dalawang buwan pa lang noong lumipat ako dito dahil nakaipon na ako at kaya ko na ng malaking condo.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang matipunong lalaki.
"Sir Heath."
"Yeah. Expecting somebody else?" he said.
Sungit talaga. Hindi na naka-casual attire si Sir. Nakasuot na siya ng polo white na may sleeves and black jeans.
Binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok siya. Agad agad siyang pumasok at umupo sa sofa.
Ang comfy mo naman dito Sir.
Pumunta naman ako sa kusina para iayos na ang makakain niya. Grabe! Minsan talaga extended ang pagiging sekretarya ko kahit saan, ginagawa akong yaya!?
Tatawagin ko na sana si Sir kaso nasa T.V ang tingin niya. Nakabalita pala siya dun. Everytime na makikita ni Sir na nasa T.V, hindi daw niya maiwasan ma-cringe. Tingin niya raw kasi hindi siya bagay sa T.V.
Ginawa ko na lang ang makakain ko. Nagsalin rin ako ng mango shake at biscuit lang ang kakainin ko.
Nakita ko naman na siyang tumayo papunta sa lamesa. Kaya pumunta na lang ako ng kwarto. Nakakakaba kasi! Baka hindi niya magustuhan!
Ilang segundo ay tinawag ako ni Sir Heath kaya napalabas ako.
"Ganyan ka ba kapag may bisita? Iniiwan?" he said while sipping soup of the nilaga.
"S-sorry, Sir Heath. Ilalabas ko lang sana 'yung bagahe ko."
Bumalik ako sa kwarto at nilabas ang isang maleta. Inilagay ko na malapit sa pinto dahil baka pagkatapos ni Sir Heath kumain ay umalis na agad kami. Ayaw niya kasi ng mabagal kumilos.
Kinuha ko ang shake ko at pumunta sa sofa upang manood ng T.V.
"Is that your meal? A shake and biscuit?" biglang tanong ni Sir Heath.
"Yes, Sir. Hindi na ako kumakain ng madami kapag past 5 pm na." sumipsip ako sa shake habang nakatingin sa kaniya, chineck ko lang kung nakakunot noo na naman. Bigla siyang nasamid sa pagkakatingin ko. Umiinom kasi siya ng tubig.
"Not wonder why you're thin." he said. Anong thin? Sexy ang tawag dito. Tsk, palibhasa hindi na alam ang definition ng sexy sa dami ba naman ng naging babae.
Tinuon ko na lang ang tingin ko sa T.V. Nilipat ko na rin sa ibang channels dahil puro balita lang naman ang iilang palabas hanggang sa makahanap ako ng magandang movie.
"You like romantic movies?" sabi ni Sir Heath. Tumango lang ako.
They were about to kiss nung nagsalita na naman si Sir Heath! Kainis naman!
"I'm done."
Tumayo tuloy ako pero ang tingin ay nasa T.V! Gosh, magki-kiss na sila nung girl under the rain! Unti-unti akong humakbang para lumapit sa mesa hanggang sa nabunggo ako.
"Ay! Sorry po!" agad ko tuloy kinuha ang pinagkainan niya at hinugasan. Siya naman pumunta doon sa sofa.
Matapos nun ay nakatayo ako habang nanonood. Nag-uusap na yung lovers sa T.V. Ang ganda na ng palabas nang magsalita na naman ito si Sir Heath!
"Sit."
Ginawa akong aso? Pero umupo pa rin ako medyo malayo lang sa kaniya. Nakakakilig naman itong palabas kahit hindi ko naumpisahan!
"Ahh!" tili ko nang sa wakas ay nag-kiss na sila!
"Damn! Are you thrilled with their kiss?"
Panira talaga ito si Sir kahit kailan. Hindi ko na lang siya pinansin. Nanonood pa rin ako aa T.V. Grabe. 25 na ako pero hindi ko pa nararanasan ang ganyang halik.
"Really?"
Napatingin ako kay Sir Heath. He's smirking! Nalakasan ko ba ang pagsabi nun?! Did I really voice out that!? Damn, Anniesyd!
Agad tuloy akong tumayo.
"Tara na, Sir. Baka mahuli tayo sa f-flight."
"You nervous?"
"H-hindi."
"You're nervous."
It was a statement. Not a question. Damn, Anniesyd! Did you really voice out that you're already 25 and unexperienced?! Ugh!
"Sit."
"Baka po ma-late tayo-"
"I'll catch another flight, then. I can book anytime I want, Annie."
Ang pagtawag niya sa akin ng Annie ay parang magandang musika na sa tainga ko simula nung una ko siyang nakita.
Umupo na ako at baka kapag nag-inarte pa ako ay mas lalo kaming ma-late sa flight. Sayang ang tickets.
"Come here." Aniya. Nilahad niya ang kamay niya pero lumapit ako nang hindi iyon kinuha. He chuckled.
He reach for my waist na naging resulta para lumapit ang katawan ko sa kaniya. Kinuha niya ang baba ko. Marahang pinupunta sa gawi niya. Sa mukha niyang mala-Adonis ang ka-gwapuhan.
When he succesfully reached for my chin, he lean closely until I feel his warm breath under my lips. I look into his eyes and I witnessed how his brown eyes look into my soul. I guess, I am under his spell. No, I am really under his spell. His thick lashes gives me an adoration of his perfect face.
And in one glimpse, his red thin lips met mine.
Ang unang halik namin ang nagpadala ng ilang boltahe sa katawan ko upang mapapikit.
Lumayo siya ngunit ako ay nakapikit pa rin at tila nasa alapaap na.
And in another glimpse, ang labi niya ay sinisiil na ako ng halik. Kanina ay dampi lamang iyon but now, he's sucking my lower lip. I don't know what to do so I let him do what he wants!
He parted my lips by his tongue. Hinawakan niya ako sa batok upang mas lumalim ang paghalik ko sa kaniya. Ang isang kamay ay nakahawak sa panga ko. He's entering my mouth with his tongue and suck it! Damn, Heath! Hindi ko alam kung saan babaling dahil sa paggawad niya ng halik.
Mainit na ang kaniyang mga halik ngayon. I can feel his breathing, very hard. Sa tingin ko ay magkakasugat na ako sa labi sa paraan ng paghalik niya! Ginagaya ko lang ang ginagawa niya sa labi ko. He's sucking my lower lip, so I did too. Bababa na sana ang halik niya nang mag-ring ang telepono niya.
Naiwan pa ang nakanguso.
Dinampian niya ako ng isang halik bago tumayo at sagutin ang tawag.
But I want more!
W-wait, what?! Anniesyd? Really, more?
Napasalampak ako sa sofa. Naiwan pa ang amoy niua rito kaya napangiti ako. Ilang segundo akong ganun hanggang sa tinawag ako ni Heath.. ni Sir Heath pala.
"Let's go." sabi niya pero hindi ako gumalaw. "Minutes ago, you're worried about our flight."
Sige na, eto na. Tumayo na ako at chineck muna ang buong condo. Matapos ay kinuha ko na ang bagahe ko at naunang lumabas.
"We will continue that in Davao if you want." pahabol niya habang nasa hallway kami.
I groaned from his words and I heard him chuckled. Damn!